Katherine
Ang Katherine ay isang pangalang pambabae. Tanyag ito sa kasaysayan ng mga bansang Kristiyano, dahil ito ang pangalan ng isa sa unang mga Santong Kristiyano na si Catherine ng Alexandria.
Pinagmulan at kahulugan
baguhinAng pangalan ay nagmula sa Griyegong Αικατερίνη Aikaterinē (εκ του καθαρός: εξαγνισμένη ή εαρινή, ανοιξιάτικη). Ang pinakamaagang nalalaman na paggamit ng pangalang Griyego ay ang pagtukoy kay Santa Catherine ng Alexandria. Ang teoriya na ang pangalan ay nagmula sa Hecate, ang pangalan ng diyosang Griyego ng salamangka, ay itinuturing ng mga patnugot ng Oxford Dictionary of First Names bilang hindi nakakakumbinsi.[1]
Ang isa pang maaari o potensiyal na pinagmulan ng pangalan ay ang salitang Armenyanong Կատար gadar na nangangahulugang "ituktok" o "tuktok". Sa Armenyo, ang katumbas na pangalan ay Կատարինէ Gadarine; nagkataon na ang hulihan na ինէ ine kasingtunog ng modernong berbong Griyego na ειναι 'siya ay', na nagmumungkahi ng isang pariralang makaranoiko na ang kahulugan ay "siya ang tuktok".
Sa paglaon, ang pangalan ay naging kaugnay ng pang-uring Griyego na καθαρός katharos, na ang kahulugan ay 'dalisay', na humantong sa mga panghaliling mga bayabay na Katharine at Katherine. Ang dating baybay, na mayroong panggitnang a, ay mas pangkaraniwan sa nakaraang kapanahunan at kasalukuyang mas tanyag sa Estados Unidos kaysa sa Britanya. Ang Katherine, na mayroong panggitnang e, ay unang naitala sa Inglatera noong 1196 pagkaraang maibalik mula sa mga Krusada.[2]
Mga sanggunian
baguhin- ↑ Patrick Hanks at Kate Hardcastle, mga patnugot, Oxford Dictionary of First Names, ika-2 edisyon. (Oxford: Oxford University Press, 2006), 154.
- ↑ Withycombe, E. G. (1976). The Concise Dictionary of English Christian Names (ika-3rd (na) edisyon). London: Omega Books. ISBN 1-85007-059-8.
{{cite book}}
: CS1 maint: date auto-translated (link)
Ang lathalaing ito na tungkol sa Kristiyanismo ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.