Uring panlipunan

(Idinirekta mula sa Kauriang panlipunan)

Ang uring panlipunan, kauriang panlipunan, o klaseng panlipunan (Ingles: social class) ay isang pangkat ng mga diwa o konsepto sa mga agham panlipunan at teoriyang pampolitika na nakatuon sa paligid ng mga modelo o huwaran ng paghihiwalay-hiwalay na panglipunan o istratipikasyong panlipunan kung saan ang mga tao pinagpangkat-pangkat sa isang pangkat ng mga kategorya o kauriang panlipunan na panghirarkiya o pangkatayuan.[1]

Ang klase o uri ay isang mahalagang bahagi ng pagsusuri o analisis para sa mga sosyologo, mga agham pampolitika, mga antropologo, at mga manunulat ng kasaysayang panlipunan. Subalit, mayroong hindi pagkakasundu-sundo hinggil sa pinaka mainam na kahulugan ng katagang "uri" o "klase", ang kataga ay may iba't ibang mga kahulugang pangdiwa o pangkonsepto. Sa karaniwang pananalita, ang katagang "uring panlipunan", ay karaniwang kasingkahulugan ng "uring sosyo-ekonomiko," na may ibig sabihing: "mga taong mayroong magkakatulad na katayuan o kalagyang panlipunan, pangkabuhayan o pang-ekonomiya, at pang-edukasyon," iyong katulad ng "ang uring manggagawa"; "ang bumabangong uri prupesyunal."[2]

Tingnan din

baguhin

Mga sanggunian

baguhin
  1. Grant, J. Andrew (2001). "class, definition of". Sa Jones, R.J. Barry (pat.). Routledge Encyclopedia of International Political Economy: Entries A-F. Taylor & Francis. p. 161. ISBN 9780415243506.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. Princeton University. "Social class." WordNet Search 3.1. Nakuha noong: 2012-01-25.


  Ang lathalaing ito na tungkol sa Lipunan ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.