Lipunan
Ang artikulong ito, pahina, o bahagi nito ay kasalukuyang nasa gitna ng pagpapalawig o malawakang pagbabago. Maaari ka ring tumulong sa pagsasagawa ng mga pagbabago. Pakisilip ang mga nakaraang pagbabago kung gusto mong makipag-usap sa user na naglagay nito rito. Maaari itong tanggalin kung walang naganap na mga pagbabago sa mga susunod na araw matapos itong ipaskil dito. Maliban kung walang mga pagbabago, hindi dapat ito burahin. |
Lipúnan o sósyedád ang pangkat ng mga indibidwal na may kaugnayan sa isa't-isa, madalas base sa kultura, kaugalian, at saloobin, at naninirahan sa isang tiyak na teritoryo pinamumunuan ng isang pinuno o grupo ng mga pinuno. Sa mga tao, isa itong komplikadong istraktura na kooperatibo sa pamamagitan ng paghahati sa trabaho base sa mga inaasahang gampanin ng bawat isa sa naturang pangkat. Nakaayon ang mga gampanin na ito sa mga konsepto ng lipunan na kinokonsiderang tama o mali, kilala rin sa tawag na mga norm. Dahil sa kolaborasyong kaakibat nito, nagagawa ng mga lipunan ang mga bagay na hindi magagawa nang mag-isa.
Magkakaiba-iba ang mga lipunan base sa kanilang natamong antas ng teknolohiya at ekonomiya. Madalas, mas dominante at hiyarkikal ang mga lipunan may sobra-sobrang pagkain. Magkakaiba rin ang anyo ng pamamahala sa mga lipunan, gayundin sa mga pagpapamilya at gampanin ng kasarian. Nakaangkla ang kaugalian ng tao sa lipunan; bagamat tao ang humuhulma sa mga lipunan, hinuhulma ng lipunan ang ugali ng mga tao.
Etimolohiya
baguhinIsang pangngalang kolektibo ang lipunan, na may literal na kahulugan na "pagtitipon" o "sambayanan".[1] Makikita ito sa salitang-ugat nito na lipon, na tumutukoy naman sa isang koleksyon o grupo, hindi lamang ng tao.[2][3] Isa rin itong pang-uri, na may kahulugan na "sama-sama".[1] Kaugnay sa salitang ito ang pandiwang likom, gayundin ang pangngalang lupon, na tumutukoy naman sa isang grupo ng mga taong namamahala ukol sa isang bagay kagaya ng pagsesensor ng pelikula,[4][5] at kalipunan, na may kahulugan naman na "antolohiya" o "pulutong".[6]
Samantala, nagmula naman sa wikang Espanyol na sociedad ang salitang sosyedad.[7] Bagamat madalang gamitin kumpara sa lipunan, makikita pa rin ito sa ilang mga salita sa wikang Tagalog tulad ng alta sosyedad, isang lumang tawag sa mataas na lipunan.[8] Nagmula ito sa wikang Pranses na societe ("kumpanya"), na nagmula naman sa wikang Latin societas ("alyansa", "kapatiran") mula sa pangngalang socius ("kaibigan").[9]
Ideya
baguhinSa biolohiya
baguhinLikas sa mga tao, gayundin sa mga kamag-anak nitong mga bonobo at chimpanzee, ang pakikisalamuha sa iba.[10] Ito ang pinaniniwalaang nagdulot upang umusbong ang mga lipunan. Mataas ang antas ng kooperasyon ng mga tao, na iba sa mga grupo ng mga kamag-anak nito, tulad halimbawa ng pagiging magulang ng lalaki, ang paggamit ng wika, ang paghahati sa trabaho, at ang pagsasagawa ng mga "pugad" katulad ng mga bahay, bayan, o lungsod.[10][11][12]
Inihahanay ng ilang mga biologo tulad ni E.O. Wilson bilang mga eusosyal na hayop, ang pinakamataas na antas ng sosyalidad o pakikisalamuha sa mga hayop, kahanay ng mga langgam, bagamat hindi lahat ay sumasang-ayon sa pananaw na ito.[12] Ipinagpapalagay na natural na umusbong ang pamumuhay sa grupo sa mga tao dahil sa pagpili sa grupo na hatid ng mga pisikal na kapaligiran na maaaring mahirap tirhan.[13]
Sa sosyolohiya
baguhinAyon sa Kanluraning sosyolohiya, may tatlong pangunahing konsepto sa lipunan: punsiyonalismo, teorya ng tunggalian, at simbolikong interaksyonalismo.[14]
Ayon sa punsiyonalismo, sama-samang nagtatrabaho ang bawat indibidwal sa isang lipunan upang umusbong, kilala rin sa tawag na kolektibong kamalayan.[15] Naniniwala ang mga sosyologong tulad ni Auguste Comte at Émile Durkheim na nasa hiwalay na antas ng realidad ang lipunan mula sa biolohiya o mga inorganikong bagay. Dahil dito, maipapaliwanag ang mga penomenang panlipunan bilang ang pansamantalang pagdaan ng mga indibidwal sa antas na ito bilang resulta ng kani-kanilang pagganap sa mga tungkulin nila.[14]
Kabaligtaran naman ang pananaw ng teorya ng tunggalian. Ayon dito, gumagana ang lipunan dahil sa tunggalian ng mga uring panlipunan. Isa ito sa mga pundasyon ng pananaw ni Karl Marx, na nakaisip sa ideya ng lipunan bilang isang ekonomikong base na may superestruktura ng pamahalaan, relihiyon, pamilya, at kultura. Ayon kay Marx, nakadepende sa base ang magiging superestruktura, at makikita sa kasaysayan ang pagbabago ng lipunan dahil sa tunggalian ng mga proletaryo at mga burgis na kumokontrol sa paraan ng produksiyon.[16]
Samantala, nakapokus ang teorya ng simbolikong interaksyonalismo sa mga indibidwal at ang relasyon nila sa lipunan. Tinitingnan nito ang paggamit ng mga tao ng wika upang makagawa ng mga simbolo at kahulugan,[15] na siyang ginagamit bilang sanggunian sa kung papaano naisasagawa ang interkasyon sa pagitan ng mga indibidwal upang makagawa ng mga simbolikong mundo at kung paano naimpluwensyahan ng mga mundong ito ang pag-uugali ng mga tao.[17]
Pagsapit ng ika-20 siglo, sinimulang tingnan ng mga sosyologo ang lipunan bilang isang ideyang ginawa.[18] Ayon kay Peter L. Berger, isang "dialektika" ang lipunan: tao ang gumawa sa mga lipunan, pero ito rin ang humuhulma sa kanila.[16]
Ibang pananaw
baguhinItinuturing na maka-Kanluran ng ilang mga akademiko ang pagtingin sa lipunan sa tatlong pananaw. Ayon sa sosyologong si Syed Farid al-Attas ng Malasya, partikular na interesado ang mga Kanluraning akademiko sa ideya ng modernidad kaya limitado ang kanilang pananaw. Nagbigay siya ng mga halimbawa ng mga akademikong hindi Kanluranin, kagaya nina Ibn Khaldun at Jose Rizal.[19] Si Ibn-Khaldun ay isang Arabong nabuhay noong ika-14 na siglo, na nagsabi na ang lipunan at ang sansinukob ay may "makabuluhang kaugnayan", kung saan may mga nakatagong sanhi sa mga pangyayari. Tiningnan niya ang mga panlipunang estraktura bilang mga bagay na may dalawang anyo: nomadiko at sedentaryo. Ayon sa kanya, mataas ang pagsasama ng mga taong nomadiko dahil sa kanilang kultura at pangangailangan ng depensa. Ang pamumuhay naman na sedentaryo, ayon kay Ibn-Khaldun, ay sekular, maluho, at mapag-isa.[20] Samantala, si Jose Rizal naman ay isang nasyonalistang Pilipino na nabuhay sa dulo ng panahon ng mga Espanyol sa Pilipinas. Bukod sa pagiging manunulat at siyentipiko, gumawa rin siya ng teorya ukol sa mga lipunang kolonyal. Ayon sa kanya, ang pagiging tamad, na ginagamit na dahilan ng mga Espanyol sa kanilang pananakop, ay dala mismo ng kolonyalismo. Kinumpara niya ang panahon bago ang kolonyalismo sa Pilipinas, kung saan mayabong ang ekonomiya at kalakalan, sa panahon ng kolonyalismo kung saan ang pagbagsak ng ekonomiya, pananamantala, at mga polisiyang nagpapahina sa pagsasaka ang siyang mga dahilan sa pagbaba ng interes sa pagtatrabaho.[21]
Uri
baguhinMadalas na ginugrupo ng mga sosyologo ang mga lipunan batay sa kanilang antas ng teknolohiya: preindustriyal, industriyal, at pos-industriyal.[22] Gayunpaman, walang tiyak na paghahati sa bawat isa. Isang halimbawa ng minungkahing paggugrupo ay mula sa sosyologong si Gerhard Lenski, na naghahati sa mga lipunan sa limang grupo: mangangaso, hortikultural, agrikultural, industriyal, at mga lipunang nakatuon sa isang gawain (kagaya ng pangingisda o pagpapastol).[23]
Sa paglipas ng panahon, naging mas komplikado ang mga lipunan sa organisasyon at kontrol nito. May epekto ang ebolusyong kultural na ito sa mga pattern ng pamayanan. Minsan, nagtatabi ng mga pagkain ang mga mangangaso na humantong sa pagiging isang nayong agraryo nila. Lumaki rin ang mga malilit na nayon upang maging mga malalaking bayan at lungsod. Kalaunan, naging mga lungsod-estado at bansa ang mga ito. Gayunpaman, hindi masasabing ganito ang kahihinatnan o magiging proseso para sa lahat ng mga lipunan.[24]
Preindustriyal
baguhinSa isang lipunang preindustriyal, ang produksiyon ng pagkain ang pinakamahalagang trabaho. Nahahati ang mga lipunang ito depende sa kanilang antas ng teknolohiya at ang paraan ng paggawa nila ng pagkain: pangangaso, pagpapastol, hortikultura, at agrikultura.[23]
Mangangaso
baguhinPangongolekta ng pagkain ang palaging ginawa ng mga mangangaso. Nangangaso rin sila ng mga makakaing hayop sa kalikasan.[25] Dahil sa sitwasyong ito, hindi nakakagawa ng mga nayon ang mga mangangaso, at madalas na maliit lamang ang kanilang populasyon kagaya ng mga tribo o grupo, na di tataas sa 50 katao.[26][27] Madalas rin silang mga egalitaryo at nagsasagawa sila ng mga desisyon batay sa konsenso. Limitado lang ang politika sa mga lipunang ito—walang mga opisina ng pamahalaan kung saan madalas na impluwensiya ang batayan ng pagpili sa pinuno. Magkakadugo rin madalas ang mga ito.[28][29]
Inilarawan ng antropologong si Marshall Sahlins ang mga mangangaso bilang ang "orihinal na maykayang lipunan" dahil sa kanilang mahaba-habang oras ng pagliliwaliw. Ayon kay Sahlins, nagtatrabaho ang mga matatanda nang tatlo hanggang limang oras kada araw.[30] Hindi pareho ng pananaw ang ilang mga mananaliksik, na nagtuturo sa mataas na antas ng pagkamatay nang maaga at ang walang-katapusang pakikidigma sa mga lipunang mangangaso.[31] Samantala, ayon naman sa mga sumusuporta sa pananaw ni Sahlins, hinahamon nito ang relasyon diumano ng pag-abante ng teknolohiya sa progreso ng sangkatauhan dahil sa relatibong kaayusan sa pamumuhay ng mga tao na nasa mga ganitong lipunan.[32]
Pagpapastol
baguhinImbes na maghanap ng pagkain araw-araw, umaasa ang mga tao na nasa isang lipunang pastoral sa mga inaalagaang hayop upang may makain. Tipikal na mga nomadiko ang mga namamastol, palaging lumilipat ng tirahan depende sa damuhan.[33] Katulad din ng mga mangangaso ang laki ng isang tipikal na pamayanan ng mga namamastol, ngunit di tulad nila, madalas na maraming pamayanan ang mga namamastol, na aabot sa isang libong tao sa kabuuan. Dahil ito sa pagtira ng mga namamastol sa mga malalawak na lugar kung saan madaling magpalipat-lipat, na nagbibigay-daan sa pag-usbong ng politika.[34] Madalas din na sobra-sobra ang pagkain sa mga ganitong lipunan, at kadalasan din ay may paghahati ng trabaho at mataas na antas ng di-pagkakapantay-pantay.[34][22]
Hortikultural
baguhinAgrikultural
baguhinIndustriyal
baguhinPos-industriyal
baguhinImpormasyon
baguhinKaalaman
baguhinSanggunian
baguhinPagsipi
baguhin- ↑ 1.0 1.1 "KWF Diksiyonaryong Filipino". kwfdiksiyonaryo.ph. Nakuha noong 23 Setyembre 2024.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "lipunan - Diksiyonaryo". diksiyonaryo.ph. Nakuha noong 23 Setyembre 2024.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "lipon - Diksiyonaryo". diksiyonaryo.ph. Nakuha noong 23 Setyembre 2024.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "likom - Diksiyonaryo". diksiyonaryo.ph. Nakuha noong 23 Setyembre 2024.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "lupon - Diksiyonaryo". diksiyonaryo.ph. Nakuha noong 23 Setyembre 2024.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "kalipunan - Diksiyonaryo". diksiyonaryo.ph. Nakuha noong 23 Setyembre 2024.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "sosyedad - Diksiyonaryo". diksiyonaryo.ph. Nakuha noong 23 Setyembre 2024.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "alta sosyedad - Diksiyonaryo". diksiyonaryo.ph. Nakuha noong 23 Setyembre 2024.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "society". Merriam-Webster (sa wikang Ingles). 20 Setyembre 2024. Nakuha noong 23 Setyembre 2024.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ 10.0 10.1 Fukuyama, Francis (2011). "The State of Nature" [Ang Estado ng Kalikasan]. The Origins of Political Order: From Prehuman Times to the French Revolution [Ang Pinagmulan ng Kaayusang Pampolitika: Mula Sinaunang Panahon hanggang sa Himagsikang Pranses] (sa wikang Ingles) (ika-1 (na) edisyon). New York: Farrar, Straus and Giroux. pp. 26–48. ISBN 978-0-374-22734-0. LCCN 2010038534. OCLC 650212556.
{{cite book}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Goody, Jack (2005). "The Labyrinth of Kinship" [Ang Labirinto ng Angkan]. New Left Review. II (sa wikang Ingles). London (36): 127–139. ISSN 0028-6060. LCCN 63028333. OCLC 1605213. Inarkibo mula sa orihinal noong 6 Nobyembre 2018.
{{cite journal}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ 12.0 12.1 Angier, Natalie (Abril 2012). "Edward O. Wilson's New Take on Human Nature" [Bagong Pagtingin ni Edward O. Wilson sa Kalikasan ng Tao]. Smithsonian Magazine (sa wikang Ingles). Inarkibo mula sa orihinal noong 21 Disyembre 2023.
{{cite magazine}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Wilson, David Sloan (2007). Evolution for Everyone: How Darwin's Theory Can Change the Way We Think About Our Lives [Ebolusyon para sa Lahat: Paano Binago ng Teorya ni Darwin ang Ating Pagtingin sa mga Buhay Natin] (sa wikang Ingles). New York: Delacorte. ISBN 978-0-385-34092-2. LCCN 2006023685. OCLC 70775599.
{{cite book}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ 14.0 14.1 Macionis, John J.; Gerber, Linda Marie (2011). Sociology [Sosyolohiya] (sa wikang Ingles) (ika-7 (na) edisyon). Toronto: Pearson Prentice Hall. ISBN 978-0-13-700161-3. OCLC 434559397.
{{cite book}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ 15.0 15.1 Hall, Peter M. (2007). "Symbolic Interaction" [Simbolikong Interaksyon]. Sa Ritzer, George (pat.). Blackwell Encyclopedia of Sociology (sa wikang Ingles). Bol. 10. doi:10.1002/9781405165518.wbeoss310. ISBN 978-1-4051-2433-1. LCCN 2006004167. OCLC 63692691.
{{cite ensiklopedya}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ 16.0 16.1 Berger, Peter L. (1967). The Sacred Canopy: Elements of a Sociological Theory of Religion [Ang Banal na Tirahan: Mga Elemento ng Teoryang Sosyolohikal ng Relihiyon] (sa wikang Ingles). New York: Doubleday & Company, Inc. p. 3. ISBN 978-0-385-07305-9. LCCN 90034844. OCLC 22736039.
{{cite book}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ West, Richard L.; Turner, Lynn H. (2018). Introducing Communication Theory: Analysis and Application [Panimula sa Teorya ng Komunikasyon: Pagsusuri at Paglapat] (sa wikang Ingles) (ika-6 (na) edisyon). McGraw-Hill Education. ISBN 978-1-259-87032-3. LCCN 2016059715. OCLC 967775008.
{{cite book}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Conerly, Holmes & Tamang 2021, pp. 109–110.
- ↑ al-Attas, Syed Farid (Marso 2021). "Deparochialising the Canon: The Case of Sociological Theory" [Paglisan sa Kanon: Ang Kaso ng Teoryang Sosyolohikal]. Journal of Historical Sociology (sa wikang Ingles). 34 (1): 13–27. doi:10.1111/johs.12314. ISSN 0952-1909. LCCN 89656316. OCLC 18102209. S2CID 235548680. Inarkibo mula sa orihinal noong 31 Enero 2024.
{{cite journal}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Becker, Howard; Barnes, Harry Elmer (1961). "The Meeting of East and West and the Advance of Secularism" [Ang Pagkikita ng Silangan at Kanluran at ang Pag-abante ng Sekularismo]. Social Thought from Lore to Science [Kaisipang Panlipunan mula Kuwento patungong Agham] (sa wikang Ingles). Bol. 1 (ika-3 (na) edisyon). New York: Dover Publications. pp. 266–277. LCCN 61004323. OCLC 423043.
{{cite book}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Alatas, Syed Farid; Sinha, Vineeta (2017). "Jose Rizal (1861-1896)". Sociological Theory Beyond the Canon [Teoryang Sosyolohikal: Lagpas sa Kanon] (sa wikang Ingles). London: Palgrave Macmillan. ISBN 978-1-137-41133-4. LCCN 2017934880. OCLC 966921499.
{{cite book}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ 22.0 22.1 Conerly, Holmes & Tamang 2021, p. 99.
- ↑ 23.0 23.1 Lenski & Lenski 1974, p. 96.
- ↑ Glassman, Ronald M. (20 Hunyo 2017). "The Importance of City-States in the Evolution of Democratic Political Processes" [Ang Kahalagahan ng mga Lungsod-Estado sa Ebolusyon ng mga Demokratikong Prosesong Politikal]. The Origins of Democracy in Tribes, City-States and Nation-States [Ang Pinagmulan ng Demokrasya sa mga Tribo, Lungsod-Estado, at Bansa] (sa wikang Ingles). Springer. p. 1502. doi:10.1007/978-3-319-51695-0_126. ISBN 978-3-319-51695-0. LCCN 2019746650. OCLC 1058216897.
{{cite book}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Lenski & Lenski 1974, p. 135.
- ↑ Lenski & Lenski 1974, p. 134.
- ↑ Lee, Richard B.; Daly, Richard H. (1999). "Introduction: Foragers & Others" [Panimula: Mangangaso atbp.]. The Cambridge Encyclopedia of Hunters and Gatherers [Ang Ensiklopedya ng Cambridge sa mga Mangangaso] (sa wikang Ingles). Cambridge University Press. p. 3. ISBN 0-521-57109-X. LCCN 98038671. OCLC 39654919.
{{cite ensiklopedya}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Lenski & Lenski 1974, p. 146.
- ↑ Lenski & Lenski 1974, p. 142.
- ↑ Sahlins, Marshall D. (1968). "Discussions, Part II: Notes on the Original Affluent Society" [Diskurso, Bahagi II: Ukol sa Orihinal na Maykayang LIpunan]. Sa Lee, Richard B.; DeVore, Irven (mga pat.). Man the Hunter [Ang Nangangasong Tao] (sa wikang Ingles). Chicago, Estados Unidos: Aldine Publishing Company. pp. 85–89. LCCN 67017603. OCLC 490234.
{{cite book}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Kaplan, David (Taglagas 2000). "The Darker Side of the 'Original Affluent Society'" [Ang Madilim na Bahagi ng 'Orihinal na Maykayang Lipunan']. Journal of Anthropological Research (sa wikang Ingles). University of Chicago Press. 56 (3): 287–484. doi:10.1086/jar.56.3.3631086. eISSN 2153-3806. ISSN 0091-7710. LCCN 2006237061. OCLC 60616192. S2CID 140333399.
{{cite journal}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Lewis, Jerome (Setyembre 2008). Watkins, Stuart (pat.). "Managing abundance, not chasing scarcity: the real challenge for the 21st century" [Pamamahala sa dami, hindi ang paghabol sa kakapusan: ang totoong hamon para sa ika-21 siglo] (PDF). Radical Anthropology (sa wikang Ingles) (2). Inarkibo mula sa orihinal (PDF) noong 13 Mayo 2013.
{{cite journal}}
:|archive-date=
/|archive-url=
timestamp mismatch (tulong)CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Lenski & Lenski 1974, p. 267.
- ↑ 34.0 34.1 Lenski & Lenski 1974, pp. 268–269.
Pinagkunan
baguhin- Brown, Donald E. (1988). Hierarchy, History, and Human Nature: The Social Origins of Historical Consciousness [Hirarkiya, Kasaysayan, at Kalikasan ng Tao: Ang mga Pinagmulang Panlipunan ng Konsensiyang Historikal] (sa wikang Ingles). University of Arizona Press. ISBN 0-8165-1060-1. LCCN 88015287. OCLC 17954611.
{{cite book}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - Conerly, Tanja; Holmes, Kathleen; Tamang, Asha Lal (2021). Introduction to Sociology [Panimula sa Sosyolohiya] (PDF) (sa wikang Ingles) (ika-3 (na) edisyon). Houston, TX: OpenStax. ISBN 978-1-711493-98-5. OCLC 1269073174. Inarkibo (PDF) mula sa orihinal noong 9 Oktubre 2022.
{{cite book}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - Lenski, Gerhard E.; Lenski, Jean (1974). Human Societies: An Introduction to Macrosociology [Mga Lipunan ng Tao: Panimula sa Makrososyolohiya] (sa wikang Ingles) (ika-2 (na) edisyon). New York: McGraw-Hill, Inc. ISBN 978-0-07-037172-9. LCCN 73008956. OCLC 650644.
{{cite book}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - Lenski, Gerhard E.; Lenski, Jean (1987). Human Societies: An Introduction to Macrosociology [Mga Lipunan ng Tao: Panimula sa Makrososyolohiya] (sa wikang Ingles) (ika-5 (na) edisyon). McGraw-Hill Book Company. ISBN 0-07-037181-4. LCCN 86010586. OCLC 13703170.
{{cite book}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - Nolan, Patrick; Lenski, Gerhard Emmanuel (2009). Human Societies: An Introduction to Macrosociology [Mga Lipunan ng Tao: Panimula ng Makrososyolohiya] (sa wikang Ingles) (ika-11 (updated) (na) edisyon). Boulder: Paradigm Publishers. ISBN 978-1-59451-578-1. LCCN 2008026843. OCLC 226355644.
{{cite book}}
: CS1 maint: date auto-translated (link)
Magbasa pa
baguhin
- Bicchieri, Cristina; Muldoon, Ryan; Sontuoso, Alessandro (24 Setyembre 2018). "Social Norms" [Mga Panlipunang Norm]. Sa Zalta, Edward N. (pat.). Stanford Encyclopedia of Philosophy (sa wikang Ingles). Metaphysics Research Lab, Stanford University. ISSN 1095-5054. LCCN sn97004494. OCLC 37550526. Inarkibo mula sa orihinal noong 22 Marso 2020.
{{cite ensiklopedya}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - Boyd, Robert; Richerson, Peter J. (12 Nobyembre 2009). "Culture and the evolution of human cooperation" [Kultura at ang ebolusyon ng kooperasyon ng tao]. Philosophical Transactions of the Royal Society B: Biological Sciences (sa wikang Ingles). 364 (1533): 3281–3288. doi:10.1098/rstb.2009.0134. LCCN 86645785. OCLC 1403239. PMC 2781880. PMID 19805434.
{{cite journal}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - Calhoun, Craig, pat. (2002). Dictionary of the Social Sciences [Diksiyonaryo ng mga Agham Panlipunan] (sa wikang Ingles). New York: Oxford University Press. ISBN 0-19-512371-9. LCCN 00068151. OCLC 45505995.
{{cite book}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - Clutton-Brock, T.; West, S.; Ratnieks, F.; Foley, R. (12 Nobyembre 2009). "The evolution of society" [Ang ebolusyon ng lipunan]. Philosophical Transactions of the Royal Society B: Biological Sciences (sa wikang Ingles). 364 (1533): 3127–3133. doi:10.1098/rstb.2009.0207. LCCN 86645785. OCLC 1403239. PMC 2781882. PMID 19805421.
{{cite journal}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - Griffen, Leonid (2021). "The Society as a Superorganism" [Ang Lipunan bilang Superorganismo] (PDF). The Scientific Heritage (sa wikang Ingles). 5 (67): 51–60. ISSN 9215-0365. Inarkibo (PDF) mula sa orihinal noong 21 Setyembre 2021.
{{cite journal}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - Jenkins, Richard (2002). Foundations of Sociology: Towards a Better Understanding of the Human World [Mga Pundasyon ng Sosyolohiya: Tungo sa Pag-unawa pa lalo sa Mundo ng Tao] (sa wikang Ingles). London: Palgrave MacMillan. ISBN 978-0-333-96050-9. LCCN 2002071539. OCLC 49859950.
{{cite book}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - Lenski, Gerhard (1966). "Agrarian Societies [Parts I & II]" [Mga Lipunang Agraryo [Bahagi I at II]]. Power and Privilege: A Theory of Social Stratification [Kapangyarihan at Pribilehiyo: Teorya ng Estratipikasyong Panlipunan] (sa wikang Ingles). McGraw-Hill Book Company. pp. 189–296. ISBN 0-07-037165-2. LCCN 65028594. OCLC 262063.
{{cite book}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - Postone, Moishe (1993). Time, Labour, and Social Domination: A Reinterpretation of Marx's Critical Theory [Oras, Trabaho, at Dominasyong Panlipunan: Muling Interpretasyon sa Teoryang Kritikal ni Marx] (sa wikang Ingles). Reyno Unido: Cambridge University Press. ISBN 978-0-521-56540-0. LCCN 92035758. OCLC 26853972.
{{cite book}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - Rummel, Ruldolph Joseph (1976). "The State, Political System and Society" [Ang Estado, Sistemang Politikal, at Lipunan]. Understanding Conflict and War [Pag-unawa sa Tunggalian at Digmaan] (sa wikang Ingles). Bol. 2. SAGE Publications. ISBN 978-0-470-15123-5. LCCN 74078565. OCLC 59238703. Inarkibo mula sa orihinal noong 21 Marso 2022. Nakuha noong 12 Enero 2024.
{{cite book}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - Williams, Raymond (1976). Keywords: A Vocabulary of Culture and Society [Keywords: Bokabularyo ng Kultura at Lipunan] (sa wikang Ingles). London, UK: Fontana/Croom Helm. ISBN 0-85664-289-4. LCCN 76377757. OCLC 2176518.
{{cite book}}
: CS1 maint: date auto-translated (link)