Malinis na teknolohiya
Ang malinis na teknolohiya o clean technology, sa madaling salita cleantech, ay anumang proseso, produkto, o serbisyo na nagpapababa ng mga negatibong epekto sa kapaligiran sa pamamagitan ng makabuluhang pagpapabuti ng kahusayan sa enerhiya, ang napapanatiling paggamit ng mga mapagkukunan, o mga aktibidad sa pangangalaga sa kapaligiran. Kasama sa malinis na teknolohiya ang malawak na hanay ng teknolohiyang nauugnay sa pagreresiklo, enerhiyang napapanumbalik, teknolohiyang pang-impormasyon, sostenibleng transportasyon, mga elektrikong motor, berdeng kimika, ilaw, greywater, at higit pa. Ang pangkalikasang pananalapi ay isang paraan kung saan ang mga bagong proyekto ng malinis na teknolohiya ay makakakuha ng pinansiya sa pamamagitan ng pagbuo ng mga carbon credit. Ang isang proyekto na binuo na may pagmamalasakit sa pagbawas sa pagbabagong pangklima ay kilala rin bilang isang proyektong carbon.
Inilalarawan ng Clean Edge, isang kompanya ng pananaliksik sa malinis na teknolohiya, ang malinis na teknolohiya "isang magkakaibang hanay ng mga produkto, serbisyo, at proseso na gumagamit ng mga napapanumbalik na materyales at pinagkukunan ng enerhiya, kapansin-pansing binabawasan ang paggamit ng mga likas na yaman, at pinuputol o inaalis ang mga emisyon at basura." Sinabi ng Clean Edge na, "Ang mga malinis na teknolohiya ay nakikipagkompitensiya sa, kung hindi nakahihigit sa, kanilang mga nakasanayang katapat. Marami rin ang nag-aalok ng makabuluhang karagdagang mga benepisyo, lalo na ang kanilang kakayahang mapabuti ang buhay ng mga nasa maunlad at umuunlad na bansa."
Mga sanggunian
baguhinMga panlabas na link
baguhin- Namumuhunan: Ang berdeng teknolohiya ay may malaking potensyal na paglago, Los Angeles Times, 2011
- Ang Global Cleantech Innovation Index 2014, ng Cleantech Group at WWF
Padron:Environmental technology
Ang lathalaing ito na tungkol sa Teknolohiya ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.