Pailaw

Mahinang pirotekniyang pampasabog na pangdekorasyon at panlibangan

Ang mga pailaw (sa Ingles: fireworks) ay isang uri ng mababang pirotekniyang pasabog na ginagamit para sa layuning estetika at libangan. Karaniwang ginagamit ang mga pailaw sa pirotekniyang palabas na ang pagpapakita ng mga epekto ay nalilikha sa pamamagitan ng mga kagamitang pailaw. May mga patimpalak na nagaganap sa iba't ibang dako sa pagpapakita ng mga pailaw.

Ang Pailaw noong bagong taon Enero 1, 2009

Pagamit

baguhin
 
Ang pailaw sa likod ng Eiffel Tower noong Hulyo 2013.

Maraming nagiging anyo ang mga pailaw para makalikha ng apat na pangunahing epekto: ingay, ilaw, usok at lumulutang na mga materyales (halimbawa: confetti). Maari nakadisenyo ang mga ito upang masunog sa mga makulay na apoy at kislap na kinabibilangan ng pula, kahel, dilaw, luntian, bughaw, purpura at pilak. Ang mga pagpapakita ng mga pailaw sa iba't ibang bahagi ng mundo ay karaniwang sentro ng mga pagdiriwang pang-kalinangan at pang-relihiyon tulad ng Bagong Taon.

 
Ang mga pailaw tuwing Bagong Taon

Naimbento ng mga sinaunang Tsina ang mga pailaw noong ikapitong siglo upang takutin ang mga masasamang espiritu. Ito ay bilang likas na karugtong ng Apat na Dakilang Imbensyon ng sinaunang Tsina ng pulbura. Siguradong may mga pailaw ang mga pagdiriwang Tsino tulad ng Bagong Taong Tsino at Pista ng Buwan. Ang Tsina ay ang pinakamalaking tagagawa at tagaluwas ng mga pailaw sa buong mundo.