Ang pirotekniya (sa Ingles: pyrotechnics) ay ang agham ng paggamit ng mga materyales na may kakayahang sumailalim sa reaksyong kimikal na exothermic na kusang napipigil at tumatagal para sa produksyon ng init, ilaw, gas, usok at/o tunog. Nagmula ang salitang pirotekniya mula sa mga Griyegong salita na pyro ("apoy") at tekhnikos ("ginawa sa pamamagitan ng sining").[1] Hindi lamang kinabibilangan ng mga paputok ang pirotekniya. Ang paggawa ng mga posporo, kandilang oksihena, eksplosibong kandado, mga bahagi ng airbag sa kotse at presyong gas sa pagpapasabog sa pagmimina, pagtitibag at demolition ay mga pirotekniya din.

Mga pirotekniyang gerb na ginagamit sa industriya ng libangan

Mga sanggunian

baguhin