Bagong Taon ng mga Tsino
Ang Bagong Taon ng mga Tsino, o Kapistahan ng Tagsibol, o Bagong Taon ng Buwan, o Chūn Jié (春节) sa Wikang Mandarin, ay ang pinakamahalagang nakaugaliang kapistahan ng mga Tsino. Ito ay mahalagang kapistahan sa Silangang Asya. Maliban sa Tsina at sa Silangang Asya, ito'y pinagdidiriwang din sa Timog-Silangang Asya at sa ibang mga rehiyon na may malaking populasyon ng mga Tsino, isang halimbawa ang Canada at Estados Unidos.

Hayop | Sangay | Mga petsa | |
---|---|---|---|
鼠 Daga | 子 Zi | 19 Pebrero 1996 | 7 Pebrero 2008 |
牛 Baka | 丑 Chou | 7 Pebrero 1997 | 26 Enero 2009 |
虎 Tigre | 寅 Yin | 28 Enero 1998 | 14 Pebrero 2010 |
兔 Kuneho | 卯 Mao | 16 Pebrero 1999 | 3 Pebrero 2011 |
龍 Dragon | 辰 Chen | 5 Pebrero 2000 | 23 Enero 2012 |
蛇 Ahas | 巳 Yi | 24 Enero 2001 | 10 Pebrero 2013 |
馬 Kabayo | 午 Wu | 12 Pebrero 2002 | 31 Enero 2014 |
羊 Tupa | 未 Wei | 1 Pebrero 2003 | 19 Pebrero 2015 |
猴 Unggoy | 申 Shen | 22 Enero 2004 | 8 Pebrero 2016 |
雞 Tandang | 酉 You | 9 Pebrero 2005 | 28 Enero 2017 |
狗 Aso | 戌 Xu | 29 Enero 2006 | 16 Pebrero 2018 |
豬 Baboy | 亥 Hai | 18 Pebrero 2007 | 5 Pebrero 2019 |
Nangyayari ang Bagong Taon ng mga Tsino bawat taon sa isang bagong buwan sa panahon ng taglamig. Pumapatak ito sa Kalendaryong Gregorian sa pagitan ng 21 Enero at 21 Pebrero. Dahil astronomikal na tinatakda ang Kalendaryong Tsino, hindi tulad ng Kalendaryong Gregorian, magbabago ang sakop sa pagpapalit ng panahon. Sumasagisag ng bawat taon ng isa sa mga 12 hayop at isa sa mga limang elemento, na umiikot ang kombinasyon ng mga hayop at mga elemento sa loob ng 60 taon. Marahil ito ang pinakamahalagang kapistahang Tsino.
Nakaugalian Baguhin
Paghahanda Baguhin
Ang paghahanda para sa pagdiriwang ay isang buwan bago ang bagong taon. Paglilinis at pagaganda ng bahay, pagbili ng mga bagong damit, paggupit ng buhok, ay ilan lamang sa mga paghahanda para sa pagdiriwang.[1]
Bisperas ng Bagong Taon Baguhin
Sa bisperas ng bagong taon, pinagdidiriwang ito sa paghanda ng mga pagkain na may mga kahulugan katulad ng mga bola-bolang Tsino na ibig sabihin ay kayamanan dahil ito'y kahawig sa mga Ingot at halos lahat ng mga tao, kasama na ang mga bata, ay nagiinuman ng "Jiu", isang alkohol na panginumin na nagkakahulugan ng mahabang buhay.
Mga paputok Baguhin
Sa buong pagdidiriwang, ginagamit ang mga paputok para sa pag-alis ng mga masasamang espiritu. Pinagbabawalan ang mga paputok sa ilang mga urbanadong lungsod sa Taiwan, Tsina, Hong Kong, Singapurra, at Indonesia habang sa Australia ay kailangan ng permit mula sa lokal na pamahalaan, sa Amerika kailangan ng patnubay ng mga pulis at firemen habang sa Pilipinas, ito'y hindi pinagbabawalan maliban na sa Lungsod ng Dabaw.
Mga pulang sobre (Ampao) Baguhin
Sa bagong taon ang mga Tsino ay nagbibigayan ng mga Ampao (pulang envelope) na naglalaman ng mga pera na ibig sabihin ay swerte at kayamanan.
Lantern Festival Baguhin
Ito'y pinagdidiriwang sa huling araw ng pagdiriwang ng bagong taon. Sa selebrasyon na ito'y ang mga pamilya ay nagsamasama ulit at kumakain ng Tikoy na ibig sabihin ay mahabang samahan ng pamilya.
Kasalukuyan Baguhin
Bawat taon ay isinusunod sa Kalendaryo ang pag diriwang ng Bagong Taon na sinusunod sa Kalendaryong Gregoryano o "Western calendar" sa Kaamerikahan araw ay Enero 1 ang unang araw ng taon, lulan sa Kalendaryong Intsik ay sumusunod ito sa kanilang kalendaryo, Ang Bagong Taon ng mga Tsino ay pumapatak sa mga buwan ng Enero at Pebrero rito binabase ang kanilang bagong taon at palugit ng bawat Sodyak sa kanilang kalendaryo.
Bagong Taon ng mga Tsino 2021 Baguhin
- Pebrero 12, 2021
Mga sanggunian Baguhin
Ang lathalaing ito ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.