Bombshell
Ang Bombshell o Fireworks ay isang uri ng pirotekniya na isa sa mga ginagamit tuwing bagong taon, kapistahan, pang selebrasyon at iba pa. Ito ay hugis tubo na ipinapasok ang pulbura na hugis bilog at ipapasok sa butas. at kapag tapos ay sisindihan ang mitsa nito, o sa dikuryenteng gamit, hindi tulad nang ordinaryong pailaw na hugis parisukat. na may baba lamang nang limang palapag, Ang Bombshell ay umaabot sa taas na sampu hanggang kinseng palapag na gusali kung maikukumpara sa mababa. Ito ay nag lilika nang ingay, usok, liwanag, pagsabog, pag lutang na mga bagang galing sa apoy.[1][2]
Legalidad
baguhinSa Pilipinas legal ang Bombshell na umaabot sa halagang 8 walong libo sa presyo, kapag ito'y ibinenta, ito ay maihahalintulad sa "Pailaw" na ordinaryo, Ang Bombshell ay mga seksyong kinabibilangan sa isang kinalalagyan tulad nang isang tubo, na inilalagay sa isang kahon o sa bakal na hugis parisukat upang maging alalay sa isang ilang bahagi ng tubo.
Babala
baguhinNgunit ito ay delikado para sa mga gagamit nito na mayroong limang distansya ang layo kapag ito'y sisindihan
Mga hugis at epekto
baguhinPeony
baguhinIto ang pinakamadaling gawin na paputok. Nangangailangan lang ito ng tinatawag na stars o pulburang hinulmang maliit na bilog o bola.
Krisantemo
baguhinAng krisantemo o chrysanthemum ay nahahalintulad sa peony kaso dinagdagan lamang ng tinatawag na tiger tail stars na gumagawa ng epekto na parang may buntot ito.
Brocade
baguhinIto ay parang chrysanthemum, ngunit wala itong stars. Ito lamang ay gawa sa tiger tail stars, Sa langit, nagmumukha itong laso.
Singsing
baguhinAng singsing o ring ay isang uri ng hugis ng paputok na lumilikha ng natatanging hugis ng bilog sa langit na nahahalintulad sa singsing ng planetang Saturno.
Heart, Smiley and Star
baguhinAng mga paputok na heart, smiley at star ay gawa sa mga star na naisaayos batay sa pattern na magagawa nito sa kalangitan.
Willow
baguhinAng willow ay isang uri ng hugis ng paputok na may natatanging hugis ng isang puno ng willow dahil sa may naiiwang mahabang buntot ang mga stars nito na karaniwang bumabagsak sa lupa.
Buntot ng kabayo
baguhinAng buntot ng kabayo o horsetail ay isa rin uri ng paputok na lumilikha ng natatanging hugis ng buntot ng kabayo. Madalas itong pinagkakamalang kamuro dahil sa pagkakapareho nito.
Kamuro
baguhinAng kamuro ay isang magandang uri ng paputok na nahahalintulad sa willow, ngunit, hugis oval ang korte nito. Dahil nahahalintulad ito sa gupit ng buhok ng mga batang Hapones, ito ay binansagang kamuro.
Pistil
baguhinAng pistil ay ang inner layer ng mga paputok.
Ghost Shell
baguhinIto ay kadalasang ginagamit ng mga Hapones sa kanilang Hanabi Festival. Ito ay kadalasang nagbabago ng kulay.
Pagkislap
baguhinAng pagkislap o strobe ay isang uri ng paputok na nahahalintulad sa mga bituin o sa tinatawag na strobe lights.
Dahlia
baguhinIto ay parang krisantemo ngunit, mas kakaunti ang stars nito.
Hugis-gagamba
baguhinAng hugis-gagamba o spider ay isang uri ng epekto na nahahalintulad sa mga paa ng mga gagamba.
Puno ng niyog
baguhinAng puno ng niyog o palm tree ay parang dahlia ngunit mayroon itong ascent tail
Salute
baguhinIto ay walang stars o tiger tail stars. Ito lamang ay gawa sa flash powder
Ascent stars and tails
baguhinAng ascent stars and tails ay ang mga stars o tiger tail stars na nilalagay sa parte kung nasaan nakalagay ang lift charge. Sa oras na sinindihan ang bombshell, ito ay lumilitaw.
Mga noise-related effects
baguhinPagpito
baguhinAng pagpito o whistle ay isang tunog na nalilikha ng ibang paputok,
Crackle
baguhinAng crackle ay isa ring uri ng tunog na nalilikha ng paputok. Nahahalintulad ito sa tunog ng apoy.
Pagsabog
baguhinAng pagsabog o explosion ay isang uri ng tunog na nililikha ng halos lahat ng mga paputok.