Daang Seda
Ang Daang Seda[1] (Tsino: 絲綢之路)[2] ay isang sala-salabat na rutang kalakalan ng Eurasya na aktibo mula noong ikalawang dantaon BCE hanggang kalagitnaan ng ika-15 dantaon.[3] Sumasaklaw sa higit sa 6,400 kilometro (4,000 milya), gumanap ito ng isang panggitnang gampanin sa pagpapadali ng interaksyong ekonomiko, pangkalinangan, pampolitika, at relihiyoso sa pagitan ng Silangan at Kanluran.[4][5][6] Ang pangalang "Daang Seda", unang nilikha noong huling bahagi ng ika-19 na dantaon, ay hindi nagagamit ng ilang makabagong mananalaysay na pinapaboran ang katawagang Mga Rutang Seda, sa batayang mas tumpak nitong naisasalarawan ang masalimuot na sala-salabat na mga rutang panlupa at pandagat na kumukonenta sa Gitna, Silangan, Timog, Timog-silangan, at Kanlurang Asya, Silangang Aprika, at Katimugang Europa.[3]
Daang Seda | |
---|---|
Impormasyon sa ruta | |
Yugto ng panahon | mga 114 BCE – dekada 1450 CE |
Opisyal na pangalan | Mga Daang Seda: ang mga Sistemang Ruta ng Chang'an-Tianshan |
Uri | Pangkalinangan |
Pamantayan | ii, iii, iv, vi |
Itinutukoy | 2014 (ika-38 sesyon) |
Takdang bilang | 1442 |
Rehiyon | Asya-Pasipiko |
Daang Seda | |||||||||
---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|
Tradisyunal na Tsino | 絲綢之路 | ||||||||
Pinapayak na Tsino | 丝绸之路 | ||||||||
|
Hinango ang pangalang Daang Seda mula sa napakakumikitang kalakalan ng mga telang seda na halos ekslusibong ginagawa sa Tsina. Nagsimula ang sala-salabat na daan noong pagpapalawak ng Dinastiyang Han sa Gitnang Asya noong 114 BCE sa pamamagitan ng mga misyon at paggalugad sa pamamagitan ng imperyal na sugong Tsino na si Zhang Qian, na dinala ang rehiyon sa ilalim ng pinag-isang kontrol. Nagbigay ang Imperyong Parto ng isang tulay sa Silangang Aprika at Mediteraneo. Sa maagang bahagi ng unang siglo CE, malawak na hinahanap ang sedang Tsino sa Roma, Ehipto, at Gresya.[3] Kabilang sa iba pang kumikitang produkto mula sa Silangan ang tsaa, tina, pabango at porselana; sa mga niluwas ng Kanluran ay ang mga kabayo, kamelyo, pulut-pukyutan, alak, at ginto. Maliban sa paglikha ng mahalagang kayamanan para sa mga umuusbong uring pangkalakal, lubhang binago ng paglaganap ng mga produkto tulad ng papel at pulbura ang kurso ng iba't ibang dominyo, kung hindi man ang kasaysayan ng mundo.
Sa panahon ng pagkaroon ng Daang Seda sa halos 1,500 taon, tiniis nito ang pagbangon at pagbasak ng maraming imperyo at pangunahing kaganapan tulad ng Kamatayang Itim at mga pananakop ng mga Mongol. Bilang isang sistemang napakadesentralisado, kalat-kalat ang seguridad. Humarap ang mga manlalakbay ng palagiang banta ng tulisan at mga nomadikong sumasalakay, at mahabang kalawakan ng hindi mabuting daanan. Iilan lamang ang nakadaan sa buong Daang Seda, sa halip, umaasa sa sunod-sunod na ahenteng nakabase sa iba't ibang punto ng pagtigil sa daan. Karagdagan sa mga produkto, pinagaan ng daan ang di pa nagagawang palitan ng mga ideya, relihiyon (lalo na ang Budismo), pilosopiya, at mga siyentipikong mga tuklas, na marami sa mga ito ang sinikretisado o muling hinubog ng mga lipunan na natagpuan ang mga ito.[7] Gayundin, iba't ibang tao ang ginamit ang ruta. Kumalat din ang mga sakit tulad ng salot sa Daang Seda, na posibleng nagkaroon ng ambag sa Kamatayang Itim.[8]
Sa kabilang ng paulit-ulit na nakaligtas sa maraming pagbabago at pagkagambalang heopolitikal, biglang nawala ang kahalagaan ng Daang Seda sa pagbangon ng Imperyong Otomano noong 1453, na halos pinutol agad ang kalakalan sa pagitan ng Silangan at Kanluran. Dito naudyukan ang mga pagsisikap ng mga Europeo na maghanap ng mga rutang alternatibo sa mga yamang Silanganin, na sa gayong paraan, nag-umpisa ang Panahon ng Pagtuklas, koloniyalismong Europeo, at isang mas matinding proseso ng globalisasyon, na masasabing nagsimula sa Daang Seda. Noong ika-21 dantaon, ang pangalang "Bagong Daang Seda" ay ginagamit upang isalarawan ang mga malalaking proyektong imprastraktura sa maraming makasaysayang rutang kalakalan; kabilang sa mga kilala ang Lupaing Tulay ng Eurasya at Inisyatibong Sinturon at Daang Tsino. Noong Hunyo 2014, itinalaga ng UNESCO ang koridor ng Chang'an-Tianshan ng Daang Seda bilang isang Pandaigdigang Pamanang Pook, habang nanatili ang bahaging Indiyano sa pansamantalang talang pook.
Mga sanggunian
baguhin- ↑ "Marco Polo—Naglakbay sa Daang Seda Patungong Tsina". jw.org. Mga Saksi ni Jehova. 2004-06-08. Nakuha noong 2023-10-22.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) CS1 maint: url-status (link) - ↑ Kasaho: Ұлы Жібек жолы; Usbeko: Buyuk Ipak yoʻli; Persa: جاده ابریشم; Italyano: Via della seta
- ↑ 3.0 3.1 3.2 "The Silk Road". National Geographic Society (sa wikang Ingles). 2019-07-26. Nakuha noong 2022-01-25.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Miho Museum News (Shiga, Japan) Bolyum 23 (Marso 2009). "Eurasian winds toward Silla" (sa wikang Ingles). Inarkibo mula sa orihinal noong 9 Abril 2016.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Gan, Fuxi (2009). Ancient Glass Research Along the Silk Road (sa wikang Ingles). Shanghai Institute of Optics and Fine Mechanics, Chinese Academy of Sciences, Ancient Glass Research along the Silk Road, World Scientific. p. 41. ISBN 978-981-283-356-3. Inarkibo mula sa orihinal noong 27 Pebrero 2018.
{{cite book}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Elisseeff, Vadime (2001). The Silk Roads: Highways of Culture and Commerce (sa wikang Ingles). UNESCO Publishing / Berghahn Books. ISBN 978-92-3-103652-1.
{{cite book}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Bentley 1993, p. 33.
- ↑ "Ancient bottom wipers yield evidence of diseases carried along the Silk Road". The Guardian (sa wikang Ingles). 22 Hulyo 2016. Nakuha noong 18 Mayo 2018.
{{cite news}}
: CS1 maint: date auto-translated (link)