Pagliliwaliw
Pagliliwalíw (ugat: liwalíw) ang pagpapahinga ng isip at katawan.[1] Binibigyang-kahulugan din ito bilang ang kalidad ng karanasan o bilang líbreng óras.[2][3] Libreng oras ang tawag sa oras na ginagamit ng mga tao na labas sa kanilang pang-araw-araw na gawain, tulad ng negosyo, trabaho, gawaing pambahay, at edukasyon, gayundin ang mga mahahalagang gawain tulad ng pagkain at pagtulog. Madalas na itinuturing na pagliliwaliw ang isang gawain kung ito ay malayang piniling gawin ng isang tao. Kumbaga, ginawa niya ito kasi "gusto niya lang".[2] Binigyang-kahulugan ito ng Amerikanong ekonomistang si Thorstein Veblen bilang "ang hindi produktibong paggamit ng oras".[4] Mahirap bigyang-kahulugan ang libreng oras dahil sa daming paraan upang malaman ang esensiya nito. Halimbawa, sa sosyolohiya, isa itong puwersang panlipunan; sa sikolohiya naman, ito ay isang estado at kondisyon ng kaisipan at emosyon. Mula sa pananaw ng pananaliksik, parehong masusukat at makukumpara ang mga ito sa paglipas ng panahon at lugar.[5]
Saklaw ng araling panliwaliw at sosyolohiya ng pagliliwaliw ang pag-aaral at pagsusuri sa gawaing ito. Iba ang pag-aaliw sa pagliliwaliw dahil sadyang ginagawa ang pag-aaliw na kinabibilangan din ng pagliliwaliw. Kinokonsidera ng mga ekonomista ang pagliliwaliw bilang kapantay sa sahod sa mga kinokonsiderang mahalaga ng mga nagtatrabaho. Gayunpaman, madalas ay naghahalo ang ibig sabihin ng liwaliw sa trabaho, dahil posibleng ikonsidera ng ilang tao na nakakatuwang magtrabaho.[6] Kaugnay na konsepto nila ang pagliliwaliw na may kasama, tulad ng mga gawaing ekstrakurikular tulad ng palakasan.
Isang karapatang pantao ang karapatang magliwaliw. Nakasulat ito sa ika-24 na artikulo ng Pandaigdig na Pagpapahayag ng mga Karapatan ng Tao.
Uri
baguhinNakadepende sa antas ng pormalidad ang mga gawaing panliwaliw, mula sa mga kaswal na mga gawain hanggang sa mga organisadong gawain tulad ng palakasan. Marami sa mga ito ay maituturing na mga libangan na isinasagawa dahil sa personal na kaligayahan, madalas nang regular, at madalas ding humahantong sa kasiyahang dulot ng pagdebelop sa kakayahan o sa pagkilala sa mga nagawa. Pabago-bago ang mga libangan palagi sa bawat pagpalit ng mga lipunan.
Ginagamit ng mga sosyologo ang pananaw ng seryosong pagliliwaliw (Ingles: serious leisure perspective) na unang ipinanukala ni Robert Stebbins. Ayon dito, may tatlong kategorya ang panliliwaliw: kaswal, seryoso, at proyekto.[7]
Seryosong panliliwaliw
baguhinSeryosong panliliwaliw ang sistematikong paghahanap ng mga tao sa isang gawaing may silbi, interesante, at nakakatupad sa mga pangarap, na maituturing minsan na isang karera. Halimbawa nito ay ang pangongolekta ng mga selyo o pagpapanatili sa isang pampublikong liwasan.
Maikakategorya sa tatlo ang mga táong nagsasagawa ng seryosong panliliwaliw: baguhan, boluntaryo, o nanlilibang. Iba sila sa mga kaswal na nagliliwaliw dahil sa kanilang mas mataas na antas ng pagpupursige, kaalaman, at ensayong kinakailangan upang magawa ang mga ito.[7]
Kaswal na panliliwaliw
baguhinKaswal na panliliwaliw ang mga gawain kung saan natatangap agad ng mga tao ang kasiyahan mula sa pagsasagawa nito. Madalas itong maiksi at nangangailangan ng konti o walang pag-eensayo upang magawa ang mga ito.[7] Halimbawa nito ay ang panonood ng telebisyon o ng sine, o lumangoy-langoy sa tabing-dagat.
Proyektong panliliwaliw
baguhinProyektong panliliwaliw ang mga gawain na mabilisan pero medyo komplikado. Madalas itong isahan lang o paminsan-minsang isinasagawa sa libreng oras.[7] Halimbawa nito ay ang pagsasaayos sa mga sirang muwebles o hardin.
Pagkakaiba sa kultura
baguhinMagkakaiba ang oras na nagagamit ng mga tao para sa pagliliwaliw sa bawat lipunan, pero napansin sa mga pag-aaral sa antropolohiya na mas maraming oras sa pagliliwaliw ang mga táong kabilang sa mga lipunang nangangaso kesa sa mga katulad nilang nasa mas komplikadong mga lipunan.[8] Dahil dito, minsan ay napagkakamalan ang mga ito ng ibang mga lipunan bilang mga tamad, kagaya ng kaso ng tribong Shoshone sa Hilagang Amerika nung dumating ang mga Europeo.[9]
Mas maraming oras sa pagliliwaliw ang mga lalaking Europeo at Amerikano kumpara sa mga babae, dahil sa mga responsibilidad sa bahay gayundin ang pagdami ng mga babaeng nagtatrabaho. Tinatayang nasa isa hanggang siyam na oras ang haba ng magagamit na oras sa pagliliwaliw ng mga lalaki kesa sa mga babae kada linggo.[10]
Tingnan din
baguhinSanggunian
baguhin- ↑ "liwaliw - Diksiyonaryo". diksiyonaryo.ph. Nakuha noong 7 Hulyo 2024.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ 2.0 2.1 Kelly, John (1996). Leisure [Pagliliwaliw] (sa wikang Ingles) (ika-3 (na) edisyon). Allyn and Bacon. pp. 17–27. ISBN 978-0-13-110561-4.
{{cite book}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Neulinger, John (1981). To Leisure: An Introduction [Ukol sa Pagliliwaliw: Panimula] (sa wikang Ingles). Ann Arbor, Michigan: Allyn and Bacon. pp. 10–26. ISBN 978-0-20-506936-1.
{{cite book}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Veblen, Thorstein (1953). The Theory of the Leisure Class [Ang Teorya ng Klase ng Pagliliwaliw] (sa wikang Ingles). New York: New American Library. p. 46.
{{cite book}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Turcot, Laurent (13 Abril 2016). "The Origins of Leisure" [Ang mga Pinagmulan ng Pagliliwaliw]. International Innovation (sa wikang Ingles).
{{cite journal}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Goodin, Robert E.; Rice, James Mahmud; Bittman, Michael; & Saunders, Peter (2005). "The time-pressure illusion: Discretionary time vs free time" (PDF). Social Indicators Research. 73 (1): 43–70.
{{cite journal}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) CS1 maint: uses authors parameter (link) - ↑ 7.0 7.1 7.2 7.3 Stebbins, Robert (2015). Serious Leisure – A Perspective for Out Time [Seryosong Pagliliwaliw – Pananaw sa Libreng Oras] (sa wikang Ingles). New Brunswick, New Jersey: Transaction Publishers. ISBN 978-0-7658-0363-4.
{{cite book}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Just, Peter (1980). "Time and Leisure in the Elaboration of Culture" [Oras Pagliliwaliw sa Elaborasyon ng Kultura]. Journal of Anthropological Research (sa wikang Ingles). 36 (1): 105–115. doi:10.1086/jar.36.1.3629555. JSTOR 3629555. S2CID 152360790.
{{cite journal}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Farb, Peter (1968). Man's Rise to Civilization As Shown by the Indians of North America from Primeval Times to the Coming of the Industrial State [Ang Pag-angat ng Tao sa Sibilisasyon na Ipinapakita ng mga Indiyano ng Hilagang Amerika mula sa Sinaunang Panahon papunta sa Pagsisimula ng Estadong Industriyal] (sa wikang Ingles). Lungsod ng New York: E.P. Dutton. p. 28. LCC E77.F36.
{{cite book}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Society at a Glance 2009 [Isang Sulyap sa Lipunan 2009] (sa wikang Ingles). OECD Organisation for Economic Co-operation and Development.