Kawanggawang Romano

Ang Kawang-gawang Romano (Ingles: Roman Charity, Latin: Carità Romana) ay ang kahanga-hangang kuwento ng isang anak na babae, si Pero, na palihim na nagpasuso ng kanyang amang si Cimon, pagkaraang siya ay masentensiyahan at mapiit hanggang sa kamatayan sa pamamagitan ng pagkagutom. Natuklasan ng isang tagapagbilanggo si Pero, ngunit ang kanyang kilos ng hindi pagdaramot ay nakapagpamangha ng mga opisyal at napanalunan niya ang paglaya ng kanyang ama.[1]

Sina Cimon at Pero sa loob ng bilangguan.

Naitala ang kuwento sa Siyam na mga Aklat ng Hindi Malilimutang mga Gawain at mga Kasabihan ng Sinaunang mga Romano (De Factis Dictisque Memorabilibus Libri IX) ng sinaunang Romanong historyador na si Valerius Maximus, at ipinirisinta bilang isang dakilang gawain ng paggalang ng isang anak at karangalang Romano. Isang dibuho sa Templo ni Pietas ang naglarawan sa eksenang ito.[2] Sa mga Romano, ang tema ay may alingawngaw ng pagpapasuso ni Juno sa nasa edad nang si Herkules, isang mitong Etruskano.[3]

Noong ika-17 at ika-18 mga daantaon, maraming mga tanyag na artista ng sining na Europeo ang naglarawan ng eksena.[4] Pinaka namumukod-tangi ang pagpipinta ng ilang mga bersyon nito ni Peter Paul Rubens. Ang dibuhista ng Baroque na si Caravaggio ay nagtampok din ng gawaing ito (kasama ng iba pa) sa kaniyang mga akda magmula 1606, Ang Pitong mga Gawain ng Awa. Mas banayad ang mga paglalarawang Neoklasikal.[5]

Sa bantog na dibuho ni Jan Vermeer na Ang Araling Musika, makikita sa likuran ang isang dibuho ng Karidad Romano (Awang Romano), na umaayon sa kanyang nakasanayang paglalagay ng mga dibuho sa loob ng mga dibuho.[6]

Para sa isang kathang-isip na kuwento ng Kawang-gawang Romano sa ika-20 daantaon. tingnan ang Mga Ubas ng Pagkamuhi (1939) ni John Steinbeck.[7] Sa katapusan ng nobelang Rose of Sharon ("Rosas ni Sharon"), inalagaan ni Rosasharn ang isang may sakit at nagugutom na lalaki sa isang sulok ng isang kamalig-baysa (tambubong).

Mga sanggunian

baguhin
  1. "Iconographical sources of nursing and nursing gestures in Christian cultures," Darkfiber.com, huling napuntahan noong 29 Marso 2006
  2. Mary Beagon, The Elder Pliny on the Human Animal: Natural History Aklat 7 (Oxford University Press, 2005), p. 314 online.
  3. Nancy Thomson de Grummond, Etruscan Myth, Sacred History, and Legend (Pamantasan ng Pennsylvania, Museo ng Arkiyolohiya at Antropolohiya, 2006), pp. 83–84.
  4. J. Paul Getty Museum. Cimon and Pero: "Roman Charity." Jean-Baptiste Greuze., hiling binisita noong 23 Setyembre 2008
  5. Shearer West, "Guide To Art." Bloomsbury, 1996 Bloomsbury.com Naka-arkibo 2012-03-09 sa Wayback Machine., accessed 29 March 2006
  6. Arthur K. Wheelock, "Vermeer & the Art of Painting." Artchive.com, napuntahan noong Marso 29, 2006
  7. Steinbeck, John. The Grapes Of Wrath. New York: Viking Press, 1939.

Paglalarawan

baguhin

Mga kawing panlabas

baguhin