Pompeya

(Idinirekta mula sa Pompeii)

Ang sinaunang lungsod ng Pompeya o Pompeii ay isang natabunang bayan na malapit sa kasalukuyang Napoles sa Italyanong rehiyon ng Campania, sa pamayanan ng Pompeya. Kasama ng Herculano, ang karatig-bayan nito, ang Pompeya ay nawasak at natabunan noong isang mahaba at mapanganib na pagputok ng Bulkang Vesubio sa loob ng dalawang araw noong taong 79 AD. Ang pagputok ay tumakip sa Pompeya sa ilalim ng 4-6 metrong abo at bato, at ito ay naglaho sa loob ng 1,500 taon hanggang sa muli nitong pagkatuklas noong 1599. Simula noon, ang paghuhukay rito ay nagbigay ng kakaibang pananaw sa buhay lungsod noong kalawakan ng Imperyong Romano. Ngayon, itong UNESCO World Heritage Site ay isa sa mga sikat na pasyalang panturista sa Italya, na may humigit-kumulang na 2.5 milyong[1] bisita bawat taon.

Isang sementadong daan sa Pompeya.

Mga sanggunian

baguhin
  1. "Archive copy" (PDF). Inarkibo mula sa orihinal (PDF) noong 2008-12-17. Nakuha noong 2011-03-15.{{cite web}}: CS1 maint: archived copy as title (link) CS1 maint: date auto-translated (link)


  Ang lathalaing ito na tungkol sa Italya ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.