Kazuo Ishiguro
Si Ishiguro ay isa sa pinakatanyag na mga may-akdang kontemporaryo ng mga manunulat sa Ingles. Tumanggap siya ng apat na mga nominasyon ng Man Booker Prize at nanalo ng parangal noong 1989 para sa kanyang nobelang The Remains of the Day . Ang nobela niya noong 2005 ni Ishiguro, ang Never Let Me Go, ay pinarangalan ng Time bilang pinakamahusay na nobela ng taon, at isinama sa listahan ng magasin ng 100 pinakamahusay na nobelang Ingles na nai-publish sa pagitan ng 1923 at 2005.
Kazuo Ishiguro | |
---|---|
Kapanganakan | Nagasaki, Japan | 8 Nobyembre 1954
Trabaho |
|
Nasyonalidad | British |
Pagkamamamayan | Japan (until 1983) United Kingdom (since 1983) |
Edukasyon | |
Panahon | 1981–present |
Kaurian |
|
(Mga) kilalang gawa | |
(Mga) parangal | |
(Mga) asawa | Lorna MacDougall (k. 1986) |
(Mga) anak | Naomi Ishiguro (born 1992) |
Noong 2017, iginawad ng Swedish Academy kay Ishiguro ang Nobel Prize sa Panitikan, na naglalarawan sa kanya sa pagsipi nito bilang isang manunulat "na, ang kaniyang mga nobela ay pumupukaw ng damdamin, ay natuklasan ang kailaliman sa ilalim ng aming hindi pangkaraniwang kahulugan ng koneksyon sa mundo". Si Ishiguro ay ginawad ng titulong "knight" sa 2018 Queen's Birthday Honors List.
Maagang buhay
baguhinSi Isiguro ay ipinanganak sa Nagasaki, Japan, noong 8 Nobyembre 1954, anak ni Shizuo Ishiguro, isang physical oceanographer, at ng asawang si Shizuko. Sa edad na lima, si Ishiguro at ang kanyang pamilya (kasama ang kanyang dalawang kapatid na babae) ay umalis sa Japan at lumipat sa Guildford, Surrey, dahil inanyayahan ang kanyang ama para sa pananaliksik sa National Institute of Oceanography (ngayon ay National Oceanography Center ). Hindi siya bumalik upang bisitahin ang Japan hanggang 1989, halos 30 taon ang nakalipas, nang siya ay naging kalahok sa Japan Foundation Short-Term Visitors Program. Sa isang pakikipanayam kay Kenzaburō Ōe, sinabi ni Ishiguro na ang mga setting ng Japan sa kanyang unang dalawang nobela ay haka-haka: "Lumaki ako na may isang napakalakas na imahe sa aking ulo ng ibang bansa, isang napakahalagang ibang bansa kung saan nagkaroon ako ng isang malakas na emosyonal na tali ... Sa Inglatera, halos sa lahat ng oras ay bumubuo ang larawang ito sa aking ulo, isang ibang realidad para sa Japan. " Si Ishiguro, na ay inilarawan bilang isang British Asian na manunulat, ipinaliwanag sa isang pakikipanayam BBC kung paano lumaki sa isang Japanese family sa UK. Ito ay mahalagang parte sa kanyang pagsusulat at tumulong sa kanya upang makita ang mga bagay mula sa ibang anggulo na iba sa mga kasabayan niyang Ingles na manunulat.
Nag aral siya sa Stoughton Primary School at pagkatapos sa Woking County Grammar School sa Surrey. Nung makatapos siya sa pag-aaral, nagtungo siya sa Estados Unidos at sa Canada, habang nagsusulat ng journal at nagpapadal ng demo tapes sa mga record companies. Noong 1974, nagsimula siyang mag-aral sa Unibersidad ng Kent sa Canterbury. Nagtapos siya noong 1978 sa kursong Bachelor of Arts sa Ingles at Pilosopiya. Pakatapos ang isang taon ng pagsusulat ng fiction, muli siyang nag-aral sa Unibersidad ng East Anglia kung saan nag-aral siya kasama si Malcolm Bradbury at Angela Carter. Natapos niya ang Master of Arts in Creative Writing noong 1980. An kanyang thesis na A Pale View of Hills ay naging kaniyang unang nobela at nailimbag noong 1982. Nagi siyang UK citizen noong 1983.
Karera sa literatura
baguhinSa Japan ang setting ng unang dalawang nobela ni Ishiguro, subalit sa mga sumunod niyang panayam, sinabi niyang mayroon lamang kaunting pagkakahalintulad ang kaniyang mga gawa sa Hapon, at kaunti lamang, kung mayroon man, ang pagiging malapit nito sa literatura ng Hapon. Sa isang panayam noong 1989, noong inilalahad niya ang kaniyang pagkabata sa Japan at kung paano siya lumaki doon, sinabi niyang "I'm not entirely like English people because I've been brought up by Japanese parents in a Japanese-speaking home. My parents (...) felt responsible for keeping me in touch with Japanese values. I do have a distinct background. I think differently, my perspectives are slightly different."
Noong tinanong siya patungkol sa kaniyang identidad, sinabi niya,:
People are not two-thirds one thing and the remainder something else. Temperament, personality, or outlook don't divide quite like that. The bits don't separate clearly. You end up a funny homogeneous mixture. This is something that will become more common in the latter part of the century—people with mixed cultural backgrounds, and mixed racial backgrounds. That's the way the world is going.
Sa isang panayam noong 1990, sinabi ni Ishiguro na "If I wrote under a pseudonym and got somebody else to pose for my jacket photographs, I'm sure nobody would think of saying, 'This guy reminds me of that Japanese writer.'" Kahit na mayroon siyang kaunting nakukuhang impluwensiya sa mga manunulat sa Japan, lagi niyang nababanggit si Jun'ichirō Tanizaki- sinabi niya ring ang mga pelikula sa Japan, lalo na kay Yasujirō Ozu at Mikio Naruse, ay mayroong malaking impluwensiya sa kaniya.
Ilan sa mga nobela ni Ishiguro ay nakalugar sa nakaraan. Ang nobelang Never Let Me Go ay isang science fiction at gumagamit ng futuristic na tono; pero ito ay naganap sa pagitan ng 1980s at 1990s. Ang kaniyang pang-apat na nobelang, The Unconsoled, ay naganap sa isang 'di pinangalanang siyudad ng Sentral na Europa. Samantalang ang, The Remains of the Day ay naganap sa isang malaking bahay ng mayaman na Ingles sa panahon ng ikalawang digmaang pandaigdig.
Sa An Artist of the Floating World, nakalugar naman ang kwento sa isang siyudad sa Japan sa panahon na isinasaayos pa lang ang bansa pagkatapos noong pagsuko ng taong 1945. Sinubukan niyang ituwid ang kaniyang naging parte sa pagsisiwalat ng impormasiyon patungkol sa ikalawang digmaang pandaigdig. Isinisisi niya sa kaniyang sarili ang pagkakamaling paniniwala ng mga mas batang henerasyon sa polisiyang pangdayuhan. Sabi niya pa, "I tend to be attracted to pre-war and postwar settings because I'm interested in this business of values and ideals being tested, and people having to face up to the notion that their ideals weren't quite what they thought they were before the test came."
Lahat ng kaniyang mga nobela ay nasa perspektibong first-person, maliban lamang sa The Buried Giant.
Karamihan sa kaniyang mga nobela ay nagtatapos ng walang resolusyon. Ang mga pinagdaraan ng kaniyang mga karakter ay nauuwi lamang sa limot at hindi na nagkakaroon pa ng kasagutan. Kaya karamihan sa katapusan ng kaniyang mga nobela ay lubhang nakakalungkot. Tinatanggap na lamang ng kaniyang mga karakter ang mga kabiguan at sa huli nagkakaroon ito ng katahimikan. Tinitingnan ito bilang estilo sa mga literatura ng Hapon na tinatawag na mono no aware. Sinasabing si Dostoyevsky at Proust ang kaniyang mga naging impluwensiya. Inihahalintulad sa mga gawa nila Salman Rushdie, Jane Austen, at Henry James ang kaniyang mga akda, subalit itinatanggi niya naman ang paghahalintulad na ito.
Noong 2017, ginawadan siya ng Nobel Prize in Literature, sabi dito, "in novels of great emotional force, [he] has uncovered the abyss beneath our illusory sense of connection with the world". Sinagot ito ni Ishiguro na,:
It's a magnificent honour, mainly because it means that I'm in the footsteps of the greatest authors that have lived, so that's a terrific commendation. The world is in a very uncertain moment and I would hope all the Nobel Prizes would be a force for something positive in the world as it is at the moment. I'll be deeply moved if I could in some way be part of some sort of climate this year in contributing to some sort of positive atmosphere at a very uncertain time.
Noong nakapanayam siya pagkatapos niyang matanggap ang Nobel Prize, sabi niya, d "I've always said throughout my career that although I've grown up in this country and I'm educated in this country, that a large part of my way of looking at the world, my artistic approach, is Japanese, because I was brought up by Japanese parents, speaking in Japanese" and "I have always looked at the world through my parents' eyes."
Noong 7 Pebrero 2019, natanggap niya ang kaniyang knighthood para sa kaniyang mga nagawa sa literatura.
Musika
baguhinNagsulat ng ilang kanta si Ishiguro para sa mga mang-aawit ng jazz na sina Stacey Kent, kasama ang saxophonist na si Jim Tomlinson, asawa ni Stacey Kent. Nagbigay rin siya ng mga liriko para sa 2007 Grammy-nominated album Breakfast on the Morning Tram ni Kent, kasama ang title track sa kaniyang 2011 album na Dreamer in Concert, sa 2013 album na The Changing Lights, sa kaniyang 2017 album na I Know I Dream. Sinulat rin ni Ishiguro ang ilang liner notes para sa 2003 album ni Kent, na In Love Again. Unang nakilala ni Ishiguro si Kent matapos na piliin niya ang recording na "They Can't Take That Away from Me" bilang isa sa Desert Island Discs noong 2002.
Sabi ni Ishiguro patunkol sa pagsusulat ng kaniyang liriko, "with an intimate, confiding, first-person song, the meaning must not be self-sufficient on the page. It has to be oblique, sometimes you have to read between the lines" at ang realisasyon na iyon ay mayroong malaking impluwensiya sa kaniyang fiction writing.
Personal na buhay
baguhinNaging asawa ni Ishiguro si Lorna MacDougall, isang social worker, noong 1986. Nagkakilala sila sa West London Cyrenians homelessness charity sa Notting Hill, kung saan nagtatrabaho si Ishiguro bilang residential resettlement worker. Nakatira sa London ang mag-asawa kasama ang kanilang anak na si Naomi.
Isinulat ni Ishiguro sa isang opinion piece na "that the UK is now very likely to cease to exist" bilang resulta ng 2016 United Kingdom European Union membership referendum.
Inilalarawan niya ang sarili niya bilang "serious cinephile" at "great admirer of Bob Dylan", nakatanggap din ng gawad sa Nobel Literature.
Mga parangal
baguhin- 1982: Winifred Holtby Memorial Prize para sa Isang Pale View ng Hills
- 1983: Nai-publish sa isyu ng Granta Best Young British Novelists
- 1986: Prize ng Whitbread para sa Isang Artist ng Lumulutang Mundo
- 1989: Prize ng Booker para sa mga labi ng Araw
- 1993: Nai-publish sa isyu ng Granta Best Young British Novelists
- 1995: Opisyal ng Order ng British Empire
- 1998: Chevalier de l'Ordre des Arts et des Lettres
- 2005: Huwag Hayaan akong Pumunta sa Pangalan sa listahan ng magazine ng Time ng 100 pinakadakilang mga nobelang wika ng Ingles mula nang mabuo ang magazine noong 1923.
- 2008: Ang Times ay niraranggo si Ishiguro ika-32 sa kanilang listahan ng "Ang 50 Pinakadakilang British Magsusulat Mula noong 1945".
- 2017: Nobel Prize sa Panitikan .
- 2017: American Academy of Achievement 's Golden Plate Award
- 2018: link=| ribbon bar Pag-order ng Rising Sun, 2nd Class, Gold at Silver Star
Mga Naisulat
baguhinMga Nobela
baguhin- A Pale View of Hills (1982)[1]
- An Artist of the Floating World (1986)[1]
- The Remains of the Day (1989)[1]
- The Unconsoled (1995)[1]
- When We Were Orphans (2000)[1]
- Never Let Me Go (2005)[1]
- The Buried Giant (2015)[1][2]
Mga koleksyon ng maikling kwento
baguhinMga Screenplays
baguhin- A Profile of Arthur J. Mason (television film for Channel 4)[3] (1984)
- The Gourmet (television film for Channel 4) (1987)
- The Saddest Music in the World (2003)[1]
- The White Countess (2005)[1]
Short Fiction
baguhin- "A Strange and Sometimes Sadness", "Waiting for J" and "Getting Poisoned" (in Introduction 7: Stories by New Writers, 1981)[1]
- "A Family Supper" (in Firebird 2: Writing Today, 1983)[1]
- "Summer After the War" (in Granta 7, 1983)[1][4]
- "October 1948" (in Granta 17, 1985)[1][5]
- "A Village After Dark" (in The New Yorker, May 21, 2001)[1][6]
Lyrics
baguhin- "The Ice Hotel"; "I Wish I Could Go Travelling Again"; "Breakfast on the Morning Tram", and "So Romantic"; Jim Tomlinson / Kazuo Ishiguro, on Stacey Kent's 2007 Grammy-nominated album, Breakfast on the Morning Tram.[7]
- "Postcard Lovers"; Tomlinson / Ishiguro, on Kent's album Dreamer in Concert (2011).
- "The Summer We Crossed Europe in the Rain"; "Waiter, Oh Waiter", and "The Changing Lights"; Tomlinson / Ishiguro, on Kent's album The Changing Lights (2013).[8]
- "Bullet Train"; "The Changing Lights", and "The Ice Hotel"; Tomlinson / Ishiguro, on Kent's album I Know I Dream: The Orchestral Sessions (2017).
- "The Ice Hotel"; Tomlinson / Ishiguro – Quatuor Ébène, featuring Stacey Kent, on the album Brazil (2013).
Mga Sanggunian
baguhin- ↑ 1.00 1.01 1.02 1.03 1.04 1.05 1.06 1.07 1.08 1.09 1.10 1.11 1.12 1.13 1.14
[[Category:Mga nagwagi ng Gantimpalang Nobel para sa {{{1}}}]]
- ↑ Furness, Hannah (4 Oktubre 2014). "Kazuo Ishiguro: My wife thought first draft of The Buried Giant was rubbish". The Daily Telegraph. Nakuha noong 6 Oktubre 2017.
{{cite news}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Wroe, Nicholas (19 Pebrero 2005). "Living Memories: Kazuo Ishiguro". The Guardian. ISSN 0261-3077. Nakuha noong 6 Oktubre 2017.
{{cite news}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Ishiguro, Kazuo (1983-03-01). "Summer after the War". Granta Magazine (sa wikang Ingles). Nakuha noong 2018-05-01.
{{cite news}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Ishiguro, Kazuo (1985-09-01). "October, 1948". Granta Magazine (sa wikang Ingles). Nakuha noong 2018-05-01.
{{cite news}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Ishiguro, Kazuo (2001-05-14). "A Village After Dark". The New Yorker (sa wikang Ingles). ISSN 0028-792X. Nakuha noong 2018-05-01.
{{cite news}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Breakfast on the Morning Tram sa AllMusic
- ↑ The Changing Lights sa AllMusic
Mga panlabas na link
baguhin- Kazuo Ishiguro's archive resides at the Harry Ransom Center at The University of Texas at Austin
- Padron:British council
- Faber and Faber page on Ishiguro
- Dialogue between Kazuo Ishiguro and Kenzaburo Oe Naka-arkibo 2015-05-11 sa Wayback Machine.
- Hunnewell, Susannah (Tagsibol 2008). "Kazuo Ishiguro, The Art of Fiction No. 196". The Paris Review. Spring 2008 (184).
{{cite journal}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - Richards, Linda (Oktubre 2000). "January Interview: Kazuo Ishiguro".
{{cite journal}}
: Cite journal requires|journal=
(tulong)CS1 maint: date auto-translated (link) - 2005 interview with Ishiguro in Sigla Magazine
- 2006 Guardian Book Club podcast with Ishiguro by John Mullan
- 1989 "A Case of Cultural Misperception," a profile at the New York Times by Susan Chira
- 2005 "Living Memories," a profile at The Guardian by Nicholas Wroe
- NHK WORLD (December 2017). Exclusive Interview with Kazuo Ishiguro
[[Category:Mga nagwagi ng Gantimpalang Nobel para sa {{{1}}}]]
including the Nobel Lecture 7 December 2017 My Twentieth Century Evening – and Other Small Breakthroughs