Sa pangalang Hapones na ito, ang apelyido ay Nishikori.

Kei Nishikori (錦織 圭, Nishikori Kei, [niɕi̥ꜜkoɽi keː]; ipinanganak Disyembre 29, 1989) ay isang propesyonal na manlalaro ng tennis mula Japan, at pang-apat sa ranggo sa buong mundo noong Agosto 10, 2015. Siya ang tanging manlalaro ng tennis mula Japan na nakapasok sa top 10 ng ATP Singles Ranking. Nagsimula siyang maglaro ng tennis noong siya'y limang taong gulang, at nagkuwalipika sa kaniyang unang ATP main draw event sa Countrywide Classic sa Los Angeles sa edad na 17.[2] Kinilala si Nishikori bilang ATP Newcomer of the Year noong 2008.[1] Nagwagi na siya ng sampung singles title at nag-runner-up sa 2014 US Open,[3] na siyang kauna-unahang lalaking manlalaro mula sa Asya na nakaabot sa isang Grand Slam singles final. Siya rin ang unang lalaking manlalaro mula Asya na nagkuwalipika sa ATP World Tour Finals at nakaabot sa semi-finals noong 2014. Si Nishikori ay runner-up sa Madrid Masters noong 2014.

Kei Nishikori
錦織 圭
Nishikori sa 2015 Australian Open Players' Party, Enero 2015
Buong pangalanKei Nishikori
Bansa Hapon
TirahanBradenton, Florida, United States
Ipinanganak (1989-12-29) 29 Disyembre 1989 (edad 34)
Matsue, Shimane, Japan
Tangkad1.79 m (5 tal 10 pul)
Naging propesyonal2007
Mga laroRight-handed (two-handed backhand)
(Mga) tagasanayDante Bottini (2010–)
Michael Chang (2013–)
Papremyong pera$10,355,226
Singles
Rekord sa karera232–114 (67.05%)
Mga titulo10
Pinakamataas na pagraranggoNo. 4 (2 March 2015)[1]
Kasalukuyang  ranggoNo. 4 (10 August 2015)[1]
Resulta sa Grand Slam Singles
Australian OpenQF (2012, 2015)
French OpenQF (2015)
Wimbledon4R (2014)
US OpenF (2014)
Iba pang torneyo
Tour FinalsSF (2014)
Olympic GamesQF (2012)
Doubles
Rekord sa karera20–24 (45.45%)
Mga titulo0
Pinakamataas na pagraranggoNo. 167 (Marso 19, 2012)
Kasalukutang ranggoNo. 420 (Hunyo 22, 2015)
Resulta sa Grand Slam Doubles
French Open2R (2011)
Wimbledon2R (2011)
Huling na-update noong: 10 August 2015.

Personal na buhay

baguhin

Ipinanganak si Nishikori sa Matsue sa Shimane Prefecture, Japan. Ang kaniyang amang si Kiyoshi, ay isang inhenyero, at ang kaniyang inang si Eri ay isang guro ng piyano. Ang nakatatanda niyang kapatid na si Reina ay nagtapós sa kolehiyo at nagtatrabaho sa Tokyo.[1] Nagsimula siyang maglaro ng tennis sa edad na lima. Una siyang nagwagi sa All Japan Tennis Championships for Kids noong 2001. Nagtapós siya sa Mataas na Paaralan ng Aomori-Yamada at lumipat sa Florida upang pumasok sa IMG Academy. Kasama sa kaniyang libangan ang football, golf, pagbábasa, at pakikinig ng musika.[2]

Noong Disyembre 2010, pinahayag na iko-coach ni Brad Gilbert si Nishikori para sa 2011 season at ni Dante Bottini mula sa IMG Academy.[4] Si Gilbert din ang nag-coach kay Andy Murray at dating world No. 1 na si Andre Agassi at Andy Roddick. Coach ni Nishikori ang dating world No. 2 na si Michael Chang mula noong Enero 2014.

Karera

baguhin

Junior career

baguhin

Napanalunan ni Nishikori ang 2004 title sa Riad 21 Tournament sa Rabat, Morocco, at nag-quarter-finalist sa 2006 Junior French Open. Nakipagpartner siya kay Emiliano Massa upang mapanalunan ang 2006 Junior French Open. Nagwagi si Nishikori sa 2007 Luxilon Cup na ginanap sa 2007 Sony Ericsson Open nang talunin niya si Michael McClune.

Bilang isang junior, nakapagtalá siya ng 73–37 win/loss record sa singles (at 53–31 sa doubles), upang maging ika-pito sa combined world rankings noong Hulyo 2006. Umabot siya sa quarterfinals ng 2006 Junior Australian Open, at 2006 Junior French Open. Umabot siya sa ikatlong round sa 2005 ng Junior US Open, habang unang round siya sa 2005 Wimbledon Championships.

Mga sanggunian

baguhin
  1. 1.0 1.1 1.2 1.3 "Kei Nishikori". ATP World Tour.
  2. 2.0 2.1 "ITF Profile". Inarkibo mula sa orihinal noong 2018-07-09. Nakuha noong 2015-08-16.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  3. "Japan erupts in celebration of Nishikori – CNN Video". CNN. 7 Setyembre 2014.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  4. "Kei Nishikori and world renowned tennis coach Brad Gilbert form team". IMG Sports Academy. Nakuha noong 25 Marso 2013.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)[patay na link]