Kenny Irons (ipinanganak September 15, 1983) ay isa sa magagaling na manlalaro ng American football sa posiyong running back. Siya ay dating miyembro ng Auburn University na kabilang sa Southeastern Conference at ngayon ay naglalaro sa Cincinnati Bengals. Siya ay nanggaling sa Dacula, Georgia at lumipat sa Auburn sa South Carolina noong January 2004.

Kenny Irons

Kenny Irons in the 2007 Cotton Bowl
Kapanganakan (1983-09-15) 15 Setyembre 1983 (edad 41)
Isinilang sa Estados Unidos Dacula, Georgia
Taas talampakan 11 in (1.8 m)
Timbang 203 lb (92 kg)
(Mga) Posisyon Running Back
Kolehiyo Auburn
''NFL Draft'' 2007 / Round 2 / Pick 49
(Mga) Koponan
2007-present Cincinnati Bengals

High School

baguhin

Si Kenny Irons ay naglaro sa Dacula High School na matagpuan sa Dacula, Georgia, kasama ang kanyang kapatid na si David. Kabilang sa kanyang mga awareds ay ang PrepStar All-American, Sporting News Top 25, Atlanta Journal Constitution's Top 11, Gwinnett County Back of the Year, at ang paglalaro sa Georgia-Florida High School All-Star Game. Si Kenny Irons ay nagsimulang pumirma ng kontrata para sa University of South Carolina kung saan ang knyang coach ay si Lou Holtz.

College career

baguhin

bilang miyembro ng freshman sa University of South Carolina, siya ay naglaro sa siyam na laro bilang starting line-up. Sa isang season, siya ay gumawa ng 201 yards sa on 47 carries. Gumawa din siya ng 4 pass receptions sa 63 yards at isang touchdown mula sa 30-yard catch laban sa Mississippi State.

sa kabila ng galing na ipinamalas ni Kenny Irons, ang coavh na si Lou Holtz ay nagako na isasama sa kanilaing grupo si Demetris Summers at magiging starter sa susunod na taon upang masiguro ang pagrpirma nito sa araw ng signing day.

Matapos ang pagkakaalis niya sa starting position, si Kenny Iron ay nabigyan lamang ng 19 carries sa isang taon, gumawa pa din siya ng magandang record matapos tumakbo ng 51 yards, kabilang ang 26 sa kanyang rushing yards laban sa University of Louisiana-Lafayette. Siya ay naglaro lamang ng limang beses sa loob ng 2003 season kaya siya ay nagdedsisyon na lumipat ng ibang university.

Si Kenny Irons ay lumipat sa Auburn University pagtapos ng 2003 season kung saan muli nyang nbkasam ang kapatid sa paglalaro. Siya ay kabilang sa mga naglaro para sa Auburn A-Day Spring Game, subalit hindi nakapaglaro sa sumunod na taon dahil sa NCAA regulations. Noong 2004 season, hababg siya ay hindi makapalaro, ay nagkaroon mg pagkakataon na makasama ang magagaling na manlalarong sina Cadillac Williams at Ronnie Brown.

Kahit na hindi siya pinayagan na maglaro tuwing sabado, si Kenny Irons ay maging importanteng parte ng kupunan para bilang miyembro ng scouting team at practice squad. [kailangan ng sanggunian]

Sa panahon ng spring practice, si Irons ay tumanggap ng Off-Season Conditioning Award mula sa coaching staff. Bagamat siya ay pinupuri at inaasahamg susunod na starting running back, nahirapan pa din siya dahil sa kompetisyon kina Brad Lester at Tre Smith.

Pumasok siya sa sumunod na season bilang backup running back. Siya ay gumawa ng isang carry para sa six yards. Ang pagapasok niya ay naging disappointment matapso gumawa ng mababang record. Ganito din ang nangyari sa mga sumunod na laro. Matapos ang kanyang di magandang simula, siya ay nakpakita ng gilas sa mga sumonod na linggo. Si Kenny Irons ay tumakbo ng 258 yards sa 29 carries laban sa Western Kentucky. nagpakita ulit siya ng magandang laro laban sa dating kupunan, ang South Carolina.

pagtapos ng laro laban sa dating kupunan, napalitan siya bilang starter matapos magpakita ng di magandang laro. Siya ay pinalitan ni Brad Lester bilang starter ng kupunan.

Ang laro sa pagitan ng kanilang kupunan laban sa Arkansas Razorbacks ang nagsiulbing daan upang mainalik siya sa dating posisyon, matapos magtamo ng injury si Brad Lester sa halos kauuupisa pa lang na laban. Si Kenny Irons ang nagdala ng bola ng 33 beses sa 182 yards. Pagtapos ng laro siya ay ibainalik bilang starting line-up para sa kupunan.

Sa sumunod na taon, si Kenny Irons ay inaasahang maging kandidato para sa Doak Walker and Maxwell Awards at Heisman Trophy.

Siya ay hindi pinahitulutang maglaro para sa A-Day Spring game para masiguro na hindi siya magtatamo ng injury. magand ang kanyang ipinakit sa kanyang senior year subalit hindi ganoon kganda dahil sa pagkakaroon ng sunod-sunod na injury.

Ang unang laro laban sa Washington State University at sa kinikilalang manlalaro na si Mkristo Bruce at depensa ni Bill Doba ay nauwi sa magandang laro. Tinapos ng Tigers ang laro sa 40-14 final score sa pangunguna nang noon ay may injry na si Kenny Irons.

Pagtapos ng 2 laro, si Kenny Irons ay gumawa ng mas mababang 100 yards kada contest, Bago siya pinayagan na magpahinga. Siya ay bumalik sa paglalaro pagtapos ang isang linggo. Si Kenny Irons ay muling nagpakita ng gilas matapos gumawa ng 117 yards na takbo at 2 touchdowns.

sa isang buong season, Kenny Irons ay tumakbo ng 198 na beses total ng 941 yards at 4 na touchdowns. Pinanunaan niya ang buong season at nagtamo ito ng standing na 11-2 season record.

2005 Season Statistics
Opponent Attempts Yards TDs
Ga. Tech 1 6 0
Miss. St. 13 28 0
Ball St. 11 147 0
W. Kentucky 18 111 1
S. Carolina 11 27 2
Arkansas 33 182 0
LSU 27 218 1
Ole Miss. 32 101 1
Kentucky 23 103 3
Georgia 37 179 2
Alabama 28 103 1
Wisconsin 22 88 0
Total 256 1293 13
2006 Season Statistics
Opponent Attempts Yards TDs
Washington St. 20 183 1
Miss. St. 21 69 0
LSU 25 70 0
Buffalo Did Not Play
S. Carolina 27 117 2
Arkansas 15 75 0
Florida 13 67 0
Tulane Did Not Play
Ole Miss 23 106 0
Arkansas St. 1 0 0
Georgia 10 49 0
Alabama 19 85 1
Nebraska 24 72 0
Total 198 941 4

Professional career

baguhin

Pagtapos mg kanyang senior seoson, siya ay nagpahinga at naghanda para sa 2007 NFL Draft. Matapos pagalingin ang injury, muli niyang nakasama ang kapatid na kapareho niyang pumirma ng kontrata sa iisang agent. sila ay magkasamang naglaro sa Senior Bowl.

Sa isang magasin ng sports, si Iron ay tinawag bilang: "Quick and elusive ball carrier with terrific football instincts. Patient, shows good vision and follows blocks anywhere on the field. Quickly cuts back against the grain, loses no momentum when he must change direction and has a burst through the hole.".[1]

Si irons ay napili ng Cincinnati Bengals bilang 49th selection sa 2007 NFL Draft. Matapos ang magandang pinakita sa practice, sa gitna ng laro laban sa Detroit Lions, si Kenny Irons ay nagtamo ng injury. Si Kenny Irons ay inaasahang makarecover at maglaro sa spring workouts.[1]

Mga dagdag-kaalaman

baguhin
  • Ang kanyang kapatid na si David Irons, ay naglaro sa Auburn University bilang all-conference cornerback.
  • Sa kanyang buong karera sa Auburn University, ang kupunan ay hindi tumanggap ng talo laban sa Alabama Crimson Tide.
  • Ang kanyang ama na si David Irons ay isang sports agent.
  • Siya ay ikinakatawan ng Fletcher Smith of CSMG Sports.

Mga sanggunian

baguhin
  1. "Bengals RB Kenny Irons out for the season with torn ACL". USA Today. 2007-08-10. Nakuha noong 2007-08-10.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)

Mga panlabas na kawing

baguhin