Ang Kepler-37b ay isang eksoplanetang umoorbit sa Kepler-37 na nasa loob ng konstelasyon ng Lyra. Sa kasalukuyan, ito ang pinakamaliit na eksoplanetang natuklasan na, na mayroong isang masang bahagyang mas malaki kaysa sa Buwan ng Daigdig.[4]

Kepler-37b
Pagkatuklas[1]
Natuklasan noong20 Pebrero 2013[1]
Paraan sa pagkakatuklasTransit
Orbital characteristics
Semi-major axis0.1003 AU[2]
Orbital period13.37 d[3]
Inclination88.63°[3]
Pisikal na katangian
Mean radius0.303 R⊕[3]
Temperature700 K[2]

Pisikal na kaanyuan

baguhin

Ang planeta, na mayroong 210 sinag-taon ang layo sa Mundo,[5] ay bahagyang mas malaki kaysa sa Buwan ng Daigdig, na may dayametrong 3,900 kilometro (2,400 mi).[6] Sinabi ng NASA na maaaring walang atmospera ang planetang ito at hindi kayang suportahan ang buhay.[2] Sinasabi rin na binubuo ito ng mabatong lupain.[2] Dahil sa maikling distansiya nito sa kanyang bituin, ang temperatura ng planeta ay maaaring umabot sa 425 °C (800 °F).[2]

Pagkatuklas

baguhin

Ang Kepler-37b, na kasama ang dalawa pang ibang mga planeta, ang Kepler-37c at ang Kepler-37d, ay natuklasan ng teleskopyong pangkalawakang Kepler, na nagmamasid ng mga pagdaan ng mga bituin.[1][2] Upang makakuha ng tumpak na sukat ng planeta, kailangang ihambing ito ng mga astronomo sa sukat ng magulang na bituin, na ginawa nila sa pamamagitan ng mga alon ng tunog.[2] Ang prosesong ito ay tinatawag na astroseismolohiya, at ang Kepler-37 ay pinakamaliit na bituin na pinag-aralan sa pamamagitan ng prosesong ito.[2] Ang mga pag-aaral na ito ay nakapagpahintulot na makuha ang sukat ng planeta na mayroong "lubos na katumpakan".[2] Sa kasalukuyan, ang planetang ito ang pinakamaliit na natuklasan na nasa labas ng sistemang solar (sistema ng araw).[4] Ang katotohanan na natuklasan ang planetang katulad ng Kepler-37b ay nagmumungkahi, ayon kay Jack Lissauer, isang siyentipiko na nasa AMES Research Center (Sentro ng Pananaliksik ng AMES) ng NASA, na ang ganitong mga planeta ay pangkaraniwan.[2]

Mga katangian

baguhin

Ang planeta, na may layo na humigit-kumulang sa 210 mga taon ng liwanag magmula sa Daigdig,[5] ay bahagyang mas malaki kaysa sa buwan ng Daigdig, na mayroong diyametrong humigit-kumulang sa 2400 mga milya.[6] Sinabi ng NASA na pinakamarahil na ang planeta ay walang atmospero at hindi maaaring makapagsuporta ng buhay.[2] Bilang karagdagan pa, ang planeta ay malamang na binubuo ng mga materyal na mabato.[2] Dahil sa pagiging pinakamalapit ng planetang ito sa kaniyang bituing magulang, ang Kepler-37b ay mayroong orbito na humigit-kumulang sa 13 mga araw.[4] Gayon din, dahil sa layo nito mula sa bituin nito, ang karaniwang temperatura ng bituin ay tinatayang nasa humigit-kumulang sa 800 degring Fahrenheit, o humigit-kumulang sa 700 Kelvin.[2]

Mga sanggunian

baguhin
  1. 1.0 1.1 1.2 "A sub-Mercury-sized exoplanet". Nature. 20 Pebrero 2013. Nakuha noong 21 Pebrero 2013.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. 2.00 2.01 2.02 2.03 2.04 2.05 2.06 2.07 2.08 2.09 2.10 2.11 2.12 "NASA's Kepler Mission Discovers Tiny Planet System". NASA. 20 Pebrero 2013. Inarkibo mula sa orihinal noong 8 Septiyembre 2018. Nakuha noong 21 Pebrero 2013. {{cite web}}: Check date values in: |archive-date= (tulong)
  3. 3.0 3.1 3.2 "Kepler-37 System". kepler.nasa.gov. Inarkibo mula sa orihinal noong 2013-05-16. Nakuha noong 21 Pebrero 2013.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  4. 4.0 4.1 4.2 "Tiniest Planet Yet Discovered by NASA Outside our Solar System". scienceworldreport.com. 21 Pebrero 2013. Nakuha noong 21 Pebrero 2013.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  5. 5.0 5.1 "NASA, using Kepler space telescope, finds smallest planet yet". Los Angeles Times. 20 Pebrero 2013. Nakuha noong 21 Pebrero 2013.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  6. 6.0 6.1 "Astronomers Find the Tiniest Exoplanet Yet". Slate. 20 Pebrero 2013. Nakuha noong 21 Pebrero 2013.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)