Kesennuma
Ang Kesennuma (気仙沼市 Kesennuma-shi) ay isang lungsod sa Prepektura ng Miyagi, Hapon. Magmula noong 30 Abril 2020[update], may tinatayang populasyon na 61,957 katao at kapal na 190 mga naninirahan bawat kilometro kuwadrado (490/mi kuw) sa 26,390 mga kabahayan.[1] Ang kabuoang lawak ng lupa ng lungsod ay 332.44 square kilometre (128.36 mi kuw). Malaking mga bahagi ng lungsod ay winasak noong lindol at tsunami sa Tōhoku at mga sunog noong 11 Marso 2011.[2]
Kesennuma 気仙沼市 | |||
---|---|---|---|
Gusaling Panlungsod ng Kesennuma | |||
| |||
Location of Kesennuma in Miyagi Prefecture | |||
Mga koordinado: 38°54′29″N 141°34′11.8″E / 38.90806°N 141.569944°E | |||
Bansa | Hapon | ||
Rehiyon | Tōhoku | ||
Prepektura | Miyagi | ||
Pamahalaan | |||
• Alkalde | Noboru Suzuki | ||
Lawak | |||
• Kabuuan | 332.44 km2 (128.36 milya kuwadrado) | ||
Populasyon (30 Abril 2020) | |||
• Kabuuan | 61,957 | ||
• Kapal | 190/km2 (480/milya kuwadrado) | ||
Sona ng oras | UTC+9 (Japan Standard Time) | ||
- Tree | Japanese Black Pine | ||
- Bulaklak | Azalea | ||
- Ibon | Seagull | ||
- Isda | Bonito | ||
Phone number | 0226-22-6600 | ||
Address | 1-1-1 Yōka-machi, Kesennuma-shi 988-8501 | ||
Websayt | Opisyal na websayt |
Heograpiya
baguhinAng Kesennuma ay nasa pinakahilagang-silangan na dako ng Prepektura ng Miyagi. Pinaliligiran ng lungsod ang kanlurang bahagi ng Look ng Kesennuma at kasama rin ang Pulo ng Ōshima. Ang baybayin nitong pinalolooban ng mga ria ay bumubuo sa katimugang hangganan ng Sanriku Fukkō National Park, na umaabot sa Perpektura ng Aomori sa hilaga.
Kahangga ng lungsod ang Look ng Hirota, Look ng Kesennuma, at Karagatang Pasipiko sa silangan at Minamisanriku sa timog. Ang nalalabing mga hangganan ay binubuo ng Prepektura ng Iwate, kalakip ang lungsod ng Ichinoseki sa kanluran, at lungsod ng Rikuzentakata sa hilaga. Ang pinakamataas na punto sa Kesennuma ay ang Bundok Ōmori na may taas na 711.9 metro (2,336 tal), sa hangganan nito sa Motoyoshi, habang ang pinakamababang punto ay nasa antas ng dagat. Dumadaloy sa lungsod ang Ilog Ōkawa, na patungo sa Look ng Kesennuma.
Katabing mga munisipalidad
baguhinPrepektura ng Miyagi
Prepektura ng Iwate
Klima
baguhinDatos ng klima para sa Kesennuma, mga karaniwan 1981–2010 | |||||||||||||
---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|
Buwan | Ene | Peb | Mar | Abr | May | Hun | Hul | Ago | Set | Okt | Nob | Dis | Taon |
Sukdulang taas °S (°P) | 15.7 (60.3) |
17.2 (63) |
23.5 (74.3) |
30.8 (87.4) |
34.0 (93.2) |
33.0 (91.4) |
36.7 (98.1) |
36.4 (97.5) |
34.9 (94.8) |
27.6 (81.7) |
23.4 (74.1) |
20.5 (68.9) |
36.7 (98.1) |
Katamtamang taas °S (°P) | 4.2 (39.6) |
4.8 (40.6) |
8.2 (46.8) |
14.1 (57.4) |
18.6 (65.5) |
21.6 (70.9) |
25.0 (77) |
27.2 (81) |
23.7 (74.7) |
18.7 (65.7) |
12.8 (55) |
7.2 (45) |
15.6 (60.1) |
Arawang tamtaman °S (°P) | 0.1 (32.2) |
0.5 (32.9) |
3.4 (38.1) |
8.8 (47.8) |
13.4 (56.1) |
17.1 (62.8) |
20.8 (69.4) |
22.9 (73.2) |
19.3 (66.7) |
13.6 (56.5) |
7.8 (46) |
2.9 (37.2) |
10.9 (51.6) |
Katamtamang baba °S (°P) | −3.5 (25.7) |
−3.4 (25.9) |
−1.1 (30) |
3.7 (38.7) |
8.6 (47.5) |
13.4 (56.1) |
17.7 (63.9) |
19.6 (67.3) |
15.6 (60.1) |
9.2 (48.6) |
3.2 (37.8) |
−0.9 (30.4) |
6.9 (44.4) |
Sukdulang baba °S (°P) | −12.5 (9.5) |
−12.6 (9.3) |
−9.8 (14.4) |
−4.1 (24.6) |
0.0 (32) |
4.1 (39.4) |
9.9 (49.8) |
11.7 (53.1) |
5.7 (42.3) |
−0.3 (31.5) |
−4.0 (24.8) |
−10.1 (13.8) |
−12.6 (9.3) |
Katamtamang presipitasyon mm (pulgada) | 41.4 (1.63) |
44.3 (1.744) |
87.4 (3.441) |
119.4 (4.701) |
119.1 (4.689) |
153.7 (6.051) |
186.4 (7.339) |
170.1 (6.697) |
186.6 (7.346) |
131.0 (5.157) |
79.9 (3.146) |
40.9 (1.61) |
1,360.1 (53.547) |
Araw ng katamtamang presipitasyon (≥ 1.0 mm) | 6.2 | 5.9 | 9.5 | 9.0 | 9.9 | 10.9 | 13.3 | 11.0 | 11.9 | 9.2 | 7.9 | 6.6 | 111.5 |
Buwanang tamtaman ng sikat ng araw | 149.9 | 146.4 | 169.3 | 189.5 | 191.8 | 156.3 | 142.6 | 159.1 | 126.4 | 154.2 | 147.9 | 138.0 | 1,871.8 |
Sanggunian: Japan Meteorological Agency気仙沼 平年値(年・月ごとの値) 主な要素. Japan Meteorological Agency. Nakuha noong 2019-12-16.{{cite web}} : CS1 maint: date auto-translated (link)観測史上1~10位の値(年間を通じての値). Japan Meteorological Agency. Nakuha noong 2019-12-16.{{cite web}} : CS1 maint: date auto-translated (link)
|
Demograpiya
baguhinSang-ayon sa datos ng senso ng Hapon,[3] bumaba ang populasyon ng Kesennuma sa nakalipas na 40 mga taon.
Taon | Pop. | ±% |
---|---|---|
1920 | 43,824 | — |
1930 | 55,209 | +26.0% |
1940 | 63,653 | +15.3% |
1950 | 76,391 | +20.0% |
1960 | 84,110 | +10.1% |
1970 | 87,914 | +4.5% |
1980 | 92,246 | +4.9% |
1990 | 88,152 | −4.4% |
2000 | 82,394 | −6.5% |
2010 | 73,489 | −10.8% |
Kasaysayan
baguhinAng lugar ng kasalukuyang Kesennuma ay bahagi ng sinaunang Lalawigan ng Mutsu at tinitirhan na ng mga Emishi mula noong panahon ng Jōmon, at pinatotoo ito ng maraming mga shell midden na hinanap sa mga pook baybayin. Sa kahulihan ng panahon ng Heian, pinamunuan ng Hilagang Fujiwara ang lugar. Noong panahong Sengoku, pinagtatalunan ng iba't-ibang mga pamilyang samurai ang lugar bago napasailalim sa angkan ng Date ng Dominyong Sendai noong panahon ng Edo, sa ilalim ng kasugunang Tokugawa. Itinatag ang bayan ng Kesennuma noong 1 Hunyo 1889 sa loob ng Distrito ng Motoyoshi, Miyagi kalakip ang pagtatag ng makabagong sistema ng mga munisipalidad.
Nabuo ang kasalukuyang lungsod noong 1 Hunyo 1953, nang nakuha ng Kesennuma ang kalapit na bayan ng Shishiori at nayon ng Matsuiwa. Noong 1 Abril 1955, idinagdag sa lungsod ang mga nayon ng Niitsuki, Hashikami, at Oshima. Sinanib din sa Kesennuma ang bayan ng Karakuwa noong 31 Marso 2006 at bayan ng Motoyoshi noong 1 Setyembre 2009, kapuwang buhat sa Distrito ng Motoyoshi.
Noong 11 Marso 2011, malaking mga bahagi ng lungsod ay winasak ng tsunami pagkaraan ng lindol sa Tōhoku. Napabukod ang pulo ng Ōshima pati 3,000 mga residente nito, nang sinira ng tsunami ang mga ugnayang ferry.[4] Kasunod ng tsunami, nagkaroon ng sunog bunga ng natapong gasolina mula sa plotang pangisda ng lungsod, at nanatili itong nasusunog sa loob ng apat na mga araw.[5] Magmula noong Abril 22 2011, may kumpirmadong 837 namatay sa lungsod at 1,196 na nawawala.[6]
Noong Agosto 2013, ipinasya ng mga residente na kalasin ang bangkang pangisda - ang Kyotoku Maru No 18 - na napunta sa lupain ng isang higanteng alon sa kasagsagan ng tsunami ng 2011. Mayroong mga panukalang panatilihin ang bangka para gawing bantayog, sapagkat ito ay naging isang sagisag ng tsunami.[7]
Noong 2014, itinalaga ang Kesennuma bilang kauna-unahang bayang mabagal ng Hapon.[8]
Kapatid o magkakaibigang mga lungsod
baguhinPandaigdig
baguhin- - Puntarenas, Costa Rica[9]
- Zhoushan, Lalawigan ng Zhejiang, Tsina[9]
- Distrito ng Changyi, Jilin, Tsina[9]
- Ugnayang pagkakaibigan ng mga pantalan ng Kesennuma at Seattle, Washington, Estados Unidos
Kapatid na mga lungsod sa Hapon
baguhin- - Ichinoseki, Iwate, Hapon
- - Murone, Iwate, Hapon
Mga sanggunian
baguhin- ↑ Kesennuma City official statistics Naka-arkibo 2020-07-03 sa Wayback Machine. (sa Hapones)
- ↑ "Blaze engulfs northeast Japan waterfront after quake". Reuters. Marso 11, 2011. Inarkibo mula sa orihinal noong Marso 11, 2011. Nakuha noong Marso 11, 2011.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link)<nowiki> - ↑ Kesennumapopulation statistics
- ↑ Asahi Shimbun, "Islanders cut off from mainland due to tsunami", 29 March 2011.
- ↑ The Economist, "Disaster in Japan: Come back in ten years' time", 26 March 2011, pp. 47-48.
- ↑ Bloomberg L.P., "Tsunami abetted fishing sector fall", The Japan Times, 26 April 2011, p. 8.
- ↑ Wingfield-Hayes, Rupert. "Japanese town to scrap marooned 'tsunami boat'". BBC News. Nakuha noong 13 Agosto 2013.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Cittaslow official home page
- ↑ 9.0 9.1 9.2 "International Exchange". List of Affiliation Partners within Prefectures. Council of Local Authorities for International Relations (CLAIR). Inarkibo mula sa orihinal noong 22 Disyembre 2015. Nakuha noong 21 Nobyembre 2015.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link)