Khafre
Si Khafra (na binabasa rin bilang Khafre, Khefren atChephren) ang paraon ng Ikaapat na dinastiya ng Ehipto noong Lumang Kaharian ng Ehipto. Siya ang anak ni Khufu at kahalili sa trono ni Djedefre. Ayon sa historyan na si Manetho, si Khafra ay sinundan ni haring Bikheris ngunit ayon sa mga ebidensiyang arkeolohikal, siya ay sa halip sinundan ni haring Menkaure. Si Khafre ang nagpatayo ng ikalawang pinakamalaking pyramid ng Gize at ibang Ehiptologo ay itinayo niya ang Dakilang Sphinx ng Giza ngunit ito ay pinagtatalunan. Walang higit na alam tungkol sa kanya maliban sa mga ulat ni Herodotus na naglarawan sa kanya bilang malupit at heretikong pinuno na nagsara ng mga templong Ehipsiyo.
Khafra | |
---|---|
Khafre, Khefren, Suphis II., Saophis | |
Pharaoh | |
Paghahari | 26 taon, ca. 2570 BCE[1] (Ikaapat na dinastiya ng Ehipto) |
Hinalinhan | Djedefra |
Kahalili | Bikheris (?), Menkaure |
Konsorte | Khamerernebty I, Persenet, Hekenuhedjet |
Anak | Khamerernebty II, Menkaure, Duaenre, Sekhemkarê, Iunmin |
Ama | Khufu |
Libingan | Pyramid of Khafra |
Monumento | Pyramid of Khafra |
- ↑ Thomas Schneider: Lexikon der Pharaonen. Albatros, Düsseldorf 2002, ISBN 3-491-96053-3, page 102.