Si Kid Flash ay pangalan ng ilang mga kathang-isip na karakter na lumalabas sa mga Amerikanong komiks na nilalathala ng DC Comics, orihinal na nilikha ni John Broome at Carmine Infantino, bilang isang dyunyor na katumbas ng isa pang superhero ng DC Comics na si Flash. Ang unang bersyon ng karakter, si Wally West, ay unang lumabas sa The Flash (bol. 1) #110 (1959).[1] Nilikha ang karakter, kasama ang ibang katulad na naunang Wonder Girl, Aqualad, at Speedy, upang tumugon sa tagumpay ng batang sidekick o katambal ni Batman na si Robin. Nagkaroon ng sariling pangkat pang-superhero ang mga batang bayani ito na tinatawag na Teen Titans. Bilang Kid Flash, nagkaroon ng regular na paglabas siya sa mga komiks na may kaugnayan kay Flash at ibang lathalain ng DC Comics mula 1959 hanggang sa kalagitnaan ng dekada 1980 hanggang muling inimbento ang karakter bilang ang bagong bersyon ng Flash.

Kid Flash
Impormasyon ng paglalathala
TagapaglathalaDC Comics
Unang paglabasThe Flash (bol. 1) #110 (Disyembre 1959)
TagapaglikhaJohn Broome
(panulat)
Carmine Infantino (guhit)
Impormasyon sa loob ng kwento
Ibang katauhanWally West
Iris West
Bart Allen
Wallace West

Mga sanggunian

baguhin
  1. Cowsill, Alan; Irvine, Alex; Korte, Steve; Manning, Matt; Wiacek, Win; Wilson, Sven (2016). The DC Comics Encyclopedia: The Definitive Guide to the Characters of the DC Universe (sa wikang Ingles). DK Publishing. p. 166. ISBN 978-1-4654-5357-0.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)