Kim Jong-un
- Isa itong pangalang Koreano; ang apelyido ay Kim.
Si Kim Jong-un[1] (Pagbabaybay sa Koreano: [kimdʑʌŋɯn]) (Koreano: 김정은) (ipinanganak noong 8 Enero 1983 o 1984)[2] — binabaybay din na mayroong romanisasyon na Kim Jong-eun, Kim Jong Un o Kim Jung-eun[3] — ay ang kataas-taasang pinuno ng Hilagang Korea, na anak na lalaki ni Kim Jong-il (1941–2011) at apo ni Kim Il-sung (1912–1994). Hinawakan niya ang mga titulong Unang Kalihim ng Partido ng mga Manggagawa ng Hilagang Korea, Tagapangasiwa o Chairman ng Pangunahing Komisyong Militar, Unang Tagapangasiwa ng Pambansang Komisyon ng Tanggulan ng Hilagang Korea, Kataas-taasang Tagapag-atas ng Hukbong Bayan ng Korea, at bilang isang kasaping presidyum ng Sentral na Polituburo ng Partido ng mga Manggagawa ng Korea. Opisyal siyang naideklara bilang kataas-taasang pinuno kasunod ng paglilibing na pang-estado ng kaniyang ama noong 28 Disyembre 2011.[4] Siya ang pangatlo at bunsong anak na lalaki ni Kim Jong-il at ng konsorte ni Kim Jong-il na si Ko Young-hee.[5] Magmula noong hulihan ng 2010, tinanaw si Kim Jong-un bilang waring tagapagmana sa pagkapinuno ng bansa, at kasunod ng kamatayan ng kaniyang ama, ipinahayag siya bilang "Dakilang Kahalili" ng telebisyong pang-estado ng Hilagang Korea.[6] Sa serbisyong memoryal ni Kim Jong-il, ipinahayag ng Tagapangasiwa ng Kataas-taasang Kapulungan ng Bayan ng Timog Korea na si Kim Yong-nam na si Kim Jong-un ay isang iginagalang na katoto na kataas-taasang pinuno ng kanilang partido, militar at bansa na nagmamana ng ideolohiya, pamumuno, katangian, mga pagpapahalaga, tibay ng loob at katapangan ng dakilang katotong si Kim Jong-il.[7] Noong 30 Disyembre 2011, pormal na itinalaga si Kim Jong-un ng Politburo ng Partido ng mga Manggagawa ng Korea bilang Kataas-taasang Tagapag-atas ng Hukbong Bayan ng Korea.[8] Noong 11 Abril 2012, inihalal siya noong ika-4 na Pagpupulong ng Partido sa bagong likhang puwesto na Unang Kalihim ng Partido ng mga Manggagawa ng Korea.
Kim Jong-un | |
---|---|
![]() | |
Kapanganakan | 8 Enero 1984
|
Mamamayan | Hilagang Korea |
Nagtapos | Pamantasang Kim Il-sung, Kim Il-sung Military University, International School of Berne |
Trabaho | politiko |
Asawa | Ri Sol-ju |
Anak | Kim Ju-ae |
Magulang |
|
Pamilya | Kim Jong-chul, Kim Jong-nam, Kim Yo-jong, Kim Sul-song |
Pirma | |
![]() |
Iniangat siya sa ranggong marsiyal ng DPRK sa loob ng Hukbong Bayan ng Korea (Korean People's Army) noong 18 Hulyo 2012, na nagpisan-pisan at nagpatatag ng kaniyang katungkulan bilang kataas-taasang komandante ng mga sandatahang lakas.[9] Nakatanggap siya ng dalawang mga degri, isa sa pisika mula sa Pamantasan ng Kim Il-sung at ng isa pa mula Pamantasang Pangmilitar ng Kim Il-sung.[10][11] Sa gulang na 38–39, siya ang pinakabatang pinuno ng estado sa buong mundo.
Mga sanggunianBaguhin
- ↑ (sa Koreano)""청년대장 김정은"... 북 후계자 시사 벽보 찍혔다". Kyunghyang Shinmun. 25 Setyembre 2009. Kinuha noong 2 Disyembre 2010.
- ↑ "Profile: Kim Jong-un". BBC News. 22 Setyembre 2010. Kinuha noong 28 Setyembre 2010.
- ↑ Note: hanggang sa kamakailan, ang pangalan ni Jong Eun ay binabaybay nang magkaiba sa Koreano at sa Ingles, na nagdulot na siya ay makilala bilang Jong-Woon. Tinutukoy siya ng Korean News Service bilang Kim Jong Un, habang ang midya ng Timog Korea ay gumagamit ng Eun sa kasalukuyan. Daily NK.
- ↑ North Korea tells rival SKorea and other nations not to expect any change, despite new leader. The Associated Press (via Yahoo! News). 29 Disyembre 2011. Ca.news.yahoo.com. Nakuha noong 1 Enero 2012.[patay na link]
- ↑ Moore, Malcom. Kim Jong-un: a profile of North Korea's next leader. The Daily Telegraph. 2 Hunyo 2009
- ↑ Alastair Gale (18 Disyembre 2011). "Kim Jong Il Has Died". The Wall Street Journal Asia. Kinuha noong 19 Disyembre 2011.
- ↑ "Kim Jong Il son declared 'supreme leader' of North Korea's people, party and military". Washington Post. 28 Disyembre 2011. Tinago mula orihinal hanggang 2018-12-10. Kinuha noong 29 Disyembre 2011.
{{cite news}}
: Binalewala ang unknown parameter|deadurl=
(mungkahi|url-status=
) (help) - ↑ "N.Korea declares Kim Jong-Un commander of military". Agence France-Presse. 30 Disyembre 2011. Tinago mula sa orihinal mula 2012-01-08. Kinuha noong 30 Disyembre 2011.
- ↑ "North Korea's Kim Jong-un named 'marshal'". BBC News. 18 Hulyo 2012. Kinuha noong 18 Hulyo 2012.
- ↑ Kim Jong Un makes first appearance since father's death (Los Angeles Times, 20 Disyembre 2011). Latimesblogs.latimes.com (20 Disyembre 2011). Nakuha noong 1 Enero 2012.
- ↑ Powell, Bill. (22 Disyembre 2011) The Generals Who Will Really Rule North Korea (TIME, 22 December 2011) Naka-arkibo 23 August 2013[Date mismatch] sa Wayback Machine.. Time.com. Nakuha noong 1 Enero 2012.