Kim Jong-un
Si Kim Jong-un (ipinanganak Enero 8, 1982) ay Koreanong politiko na siyang ikatlo at kasalukuyang kataas-taasang pinuno ng Hilagang Korea. Nagsimula ang kanyang pamamahala mula sa pagkamatay ng kanyang amang si Kim Jong-il noong 2011. Naglilingkod siya bilang Pangkalahatang Kalihim ng Partido Manggagawa ng Korea at Pangulo ng Komisyon ng Ugnayang Pampamahalaan.
Respetadong Kasama Mariskal ng Republika Kim Jong-un | |
---|---|
김정은 | |
Ika-3 Pangkalahatang Kalihim ng Partido Manggagawa ng Korea | |
Kasalukuyang nanunungkulan | |
Unang araw ng panunungkulan 10 Enero 2021 | |
Nakaraang sinundan | Kim Jong-il |
Pangulo ng Komisyon ng Ugnayang Pampamahalaan | |
Kasalukuyang nanunungkulan | |
Unang araw ng panunungkulan 29 Hunyo 2016 | |
Unang Pangalawang Pangulo | Choe Ryong-hae |
Pangalawang Pangulo | Hwang Pyong-so Pak Pong-ju Choe Ryong-hae Kim Tok-hun |
Premiyer | Pak Pong-ju Kim Jae-ryong Kim Tok-hun |
Unang Tagapangulo ng Komisyon ng Tanggulang Pambansa | |
Nasa puwesto 13 Abril 2012 – 29 Hunyo 2016 | |
Pangalawang Tagapangulo | Kim Yong-chun Ri Yong-mu Jang Song-taek O Kuk-ryol Choe Ryong-hae Hwang Pyong-so |
Premiyer | Choe Yong-rim Pak Pong-ju |
Nakaraang sinundan | Kim Jong-il (bilang Tagapangulo) |
Personal na detalye | |
Isinilang | Pyongyang, Hilagang Korea | 8 Enero 1982
Partidong pampolitika | Partido Manggagawa ng Korea |
Asawa | Ri Sol-ju |
Anak | Kim Ju-ae |
Magulang | Kim Jong-il (ama) Ko Yong-hee (ina) |
Alma mater | Pamantasang Kim Il-sung |
Pirma | |
Serbisyo sa militar | |
Katapatan | Hilagang Korea |
Sangay/Serbisyo | Hukbong Bayan ng Korea |
Taon sa lingkod | 2010-kasalukuyan |
Ranggo | Wŏnsu (원수) Mariskal |
Atasan | Kataas-taasang Komandante |
Ika-3 Kataas-taasang Pinuno ng Demokratikong Republikang Bayan ng Korea |
Siya ang pangatlo at bunsong anak na lalaki ni Kim Jong-il at ng konsorte ni Kim Jong-il na si Ko Young-hee.[1] Magmula noong hulihan ng 2010, tinanaw si Kim Jong-un bilang waring tagapagmana sa pagkapinuno ng bansa, at kasunod ng kamatayan ng kaniyang ama, ipinahayag siya bilang "Dakilang Kahalili" ng telebisyong pang-estado ng Hilagang Korea.[2] Sa serbisyong memoryal ni Kim Jong-il, ipinahayag ng Tagapangasiwa ng Kataas-taasang Kapulungan ng Bayan ng Timog Korea na si Kim Yong-nam na si Kim Jong-un ay isang iginagalang na katoto na kataas-taasang pinuno ng kanilang partido, militar at bansa na nagmamana ng ideolohiya, pamumuno, katangian, mga pagpapahalaga, tibay ng loob at katapangan ng dakilang katotong si Kim Jong-il.[3] Noong 30 Disyembre 2011, pormal na itinalaga si Kim Jong-un ng Politburo ng Partido ng mga Manggagawa ng Korea bilang Kataas-taasang Tagapag-atas ng Hukbong Bayan ng Korea.[4] Noong 11 Abril 2012, inihalal siya noong ika-4 na Pagpupulong ng Partido sa bagong likhang puwesto na Unang Kalihim ng Partido ng mga Manggagawa ng Korea.
Iniangat siya sa ranggong marsiyal ng DPRK sa loob ng Hukbong Bayan ng Korea (Korean People's Army) noong 18 Hulyo 2012, na nagpisan-pisan at nagpatatag ng kaniyang katungkulan bilang kataas-taasang komandante ng mga sandatahang lakas.[5] Nakatanggap siya ng dalawang mga degri, isa sa pisika mula sa Pamantasan ng Kim Il-sung at ng isa pa mula Pamantasang Pangmilitar ng Kim Il-sung.[6][7] Sa gulang na 40–41, siya ang pinakabatang pinuno ng estado sa buong mundo.
Mga sanggunian
baguhin- ↑ Moore, Malcom. Kim Jong-un: a profile of North Korea's next leader. The Daily Telegraph. 2 Hunyo 2009
- ↑ Alastair Gale (18 Disyembre 2011). "Kim Jong Il Has Died". The Wall Street Journal Asia. Nakuha noong 19 Disyembre 2011.
{{cite news}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Kim Jong Il son declared 'supreme leader' of North Korea's people, party and military". Washington Post. 28 Disyembre 2011. Inarkibo mula sa orihinal noong 2018-12-10. Nakuha noong 29 Disyembre 2011.
{{cite news}}
: Unknown parameter|deadurl=
ignored (|url-status=
suggested) (tulong)CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "N.Korea declares Kim Jong-Un commander of military". Agence France-Presse. 30 Disyembre 2011. Inarkibo mula sa orihinal noong 2012-01-08. Nakuha noong 30 Disyembre 2011.
{{cite news}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "North Korea's Kim Jong-un named 'marshal'". BBC News. 18 Hulyo 2012. Nakuha noong 18 Hulyo 2012.
{{cite news}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Kim Jong Un makes first appearance since father's death (Los Angeles Times, 20 Disyembre 2011). Latimesblogs.latimes.com (20 Disyembre 2011). Nakuha noong 1 Enero 2012.
- ↑ Powell, Bill. (22 Disyembre 2011) The Generals Who Will Really Rule North Korea (TIME, 22 December 2011) Naka-arkibo 23 August 2013[Date mismatch] sa Wayback Machine.. Time.com. Nakuha noong 1 Enero 2012.