Kim So-eun
Si Kim So-eun (ipinanganak noong Setyembre 6, 1989) ay isang artista mula sa Timog Korea. Sumikat siya noong 2009 nang nagkaroon siya ng suportang pagganap sa Koreanovelang Boys Over Flowers, at sa parehong taon bumida siya sa He Who Can't Marry at sa Empress Cheonchu. Lumabas din siya sa A Good Day for the Wind to Blow, A Thousand Kisses, Liar Game at The Scholar Who Walks the Night. Noong 2015, ipinares siya kay Song Jae-rim sa season 4 ng We Got Married. Noong 2016-2017, muling nakasama niya si Song sa dramang pampamilya na Our Gap-soon.
Kim So-eun | |
---|---|
Kapanganakan | |
Nasyonalidad | Koreana |
Edukasyon | Pamantasan ng Chung-Ang - Teatro |
Trabaho | Aktres |
Aktibong taon | 2004–kasalukuyan |
Karera
baguhinUnang lumabas sa pag-arte si Kim sa isang bit part o kapirasong bahagi sa pelikula noong 2004 na Two Guys, noong siya ay nasa junior high school. Pagkatapos ay lumabas siya sa maliit na pagganap sa telebisyon at pelikula, kabilang ang Sisters of the Sea at ang Show Must Go On (kung saan gumanap siya bilang anak na babae ni Song Kang-ho).[1]
Sumikat si Kim noong 2009 nang nagkaroon siya ng suportang pagganap bilang matalik na kaibigan ng pangunahing bida sa Koreanovelang Boys Over Flowers. Sa parehong taon, nakakuha si Kim ng papuri para sa kanyang kagalingan dahil sa kanyang pagganap bilang ang kabataang bersyon ni Chae Shi-ra na gumanap bilang si Hwangbo Soo sa makasaysayang epiko na palabas sa telebisyon na Empress Cheonchu, kung saan natutunan niya kung paano sumakay ng kabayo at pumana gamit ang pana at palaso.[2] Gumanap din si Kim ang bilang babaeng nasa gulang na 25 sa romantikong komedya na He Who Can't Marry, isang muling paggawa ng dramang Hapon na Kekkon Dekinai Otoko.[3][4]
Unang lumabas si Kim bilang pangunahing bida sa pang-araw-araw na drama na na A Good Day for the Wind to Blow (kilala rin bilang Happiness in the Wind).[5][6][7] Bumida din siya sa lingguhang drama na A Thousand Kisses (2011-2012), na ipinapahayag ang kuwento tungkol sa mga pagkakaiba sa gulang ng magkarelasyon.[8][9]
Noong 2012, lumabas siya sa sampung kabananta ng dramang Tsino na Secret Angel, na umere sa website na Sohu.com. Bumalik siya sa Koreanong telebisyon nang lumabas siya sa drama sa cable na Happy Ending. Sa parehong taon, lumabas din siya sa Music and Lyrics, isang reality show kung saan nagkasama ang isang babaeng artista at lalaking musikero upang makipagtulungan, bilang manunulat ng titik at kompositor, sa paglikha ng isang kanta. Si Kim at Lee Junho (mula sa boy band na 2PM) ay nagsulat ng awit na "Love is Sad", na nai-rekord rin ni Lee; ito ay inilabas bilang isang single at itinampok sa soundtrack ng Feast of the Gods.
Pagkatapos gumanap bilang Prinsesa Sukhwi sa makasaysayang epikong palabas na Horse Doctor (na kilala rin bilang The King's Doctor, 2012-2013),[10] lumabas si Kim sa After School: Lucky or Not (sa Koreanong pamagat, ang bokbulbok ay tumutukoy sa isang laro ng pagkakataon, literal na nangangahulugang "Suwerte, Walang Suwerte "), kasama ang 5 kasapi ng 5urprise, na ipinamahagi sa pamamagitan ng online at mobile portal ng SK Telecom.[11]
Siya at si Victoria Song (miyembro ng grupong babae na f(x)) ay napiling mag-host ng Glitter, isang variety show sa mga buhay ng mga gulang na 20 at pataas na mahilig sa uso.[12]
Noong 2014, lumabas si Kim sa pelikulang katatakutan na Mourning Grave bilang isang multong babae na nakipagkaibigan sa karakter ni Kang Ha-neul na gumanap bilang isang mag-aaral sa isang mataas na paaralan na nakikita ng multo.[13][14] Sinundan ito ng isang nangungunang papel sa Liar Game, isang Korenovelang adaptasyon ng mangang Hapon na may kaparehong pangalan na gawa ni Shinobu Kaitani.[15] Sumama rin si Kim sa ikaapat na season ng reality show na We Got Married, kung saan siya ay ipinares kay Song Jae-rim sa isang "birtuwal" na kasal; pinalakas nito ang kanilang katanyagan bilang isang magkapares at bilang indibidwal na mga kilalang tao.[16][17]
Noong 2015, lumabas si Kim sa webtoon na adaptasyon ng Scholar Who Walks the Night na gumanap sa dalawang pagganap, una bilang anak ng isang maharlika at ikalawa, bilang nakaraang pag-ibig ng isang bampira.[17][18] Tinakda niyang ilunsad ang kanyang mga aktibidad sa Tsina sa pamamagitan ng paglabas sa romantikong pelikulang Sky Lantern (kilala rin bilang Lover of Days Past), isang pinagsamang produksyon ng Timog Korea at Tsina kung saan bumida siya kasama ang taga-Taiwan na mang-aawit at artista na si Aaron Yan.[19] Sa parehong taon, bumida siya dramang web na Falling for Challenge kasama si Xiumin.[20]
Noong 2016, pumirma si Kim sa bagong ahensiya ng pamamahala sa Will Entertainment.[21] Mula 2016 hanggang 2017, bumida siya sa dramang pampamilya na Our Gap-soon bilang ang titulong karakter.[22]
Noong 2017, bumida si Kim sa natatanging drama ng KBS na You're Closer than I Think kasama ang aktor Lee Sang-yeob.[23] Sa parehong taon, kinumpirma ni Kim na bumalik siya sa pinilakang tabing nang mapasama siya sa pantasyang pelikulang Are you in love? kasama si Sung Hoon.[24]
Noong 2018, bumida si Kim romantikong komedya na That Man Oh Soo kasama si Lee Jong-hyun ng CNBLUE.[25][26]
Iba pang mga gawain
baguhinBilang isang bata, propesyunal na nagsanay si Kim bilang isang pambansang atletikong manlalaro ng ski. Natigil ng walang katiyakan ang kanyang pagsasanay nang kinuha siya bilang isang propesyunal na modelo noong kompetisyon ng 2003 junior advanced skiing at snowboarding sa Pyeongchang, Gangwon-do. Nanatili ang kanyang interes sa palakasang iyon, at lumalabas noong 2012 sa mga bidyong nagtuturo para sa Vivaldi ski resort ng Hongcheon.[27][28]
Nag-endorso si Kim ng mga produkto kabilang ang Del Monte, Pocari Sweat, P&G Wela Hair, at Candy Crush Soda,[29][30] at lumabas din sa mga magasin tulad ng Allure Korea, High Cut, Vogue Korea, InStyle Korea, Elle Girl Korea, Harper's Bazaar, CeCi, L'Officiel, Esquire Korea, at Nylon Korea.[31][32]
Isang regular na tagataguyod ng mga pelikulang sining, kabataang aktibismo, at eco-living o napapanatiling buhay, nagsilbi siya bilang embahador ng kabutihang-loob para sa 2009 Korea International Youth Film Festival, 2009 University Fashion Week, 2011 Jeonju International Film Festival,[1][33][34] Golden Cinema Festival noong 2013 at 2014, at ang 2014 Green Film Festival.[35]
Pilmograpiya
baguhinMga pelikula
baguhinTaon | Ingles na pamagat | Korean na pamagat | Ginampanan |
---|---|---|---|
2004 | Two Guys | 투가이즈 | bit part o maikling bahagi |
2006 | Family Matters | 모두들, 괜찮아요? | |
Fly, Daddy, Fly | 플라이대디 | Jang Da-mi | |
2007 | The Show Must Go On | 우아한 세계 | Hee-soo |
Someone Behind You | 두 사람이다 | Kim Ga-yeon | |
2014 | Mourning Grave | 소녀괴담 | Ghost girl |
Entangled | 현기증 | Kkot-nip | |
2015 | Sky Lantern | 풍등 | |
2018 | Are you in love? | 사랑하고 있습니까 | So Jeong |
Mga palabas sa telebisyon
baguhinTaon | Ingles na pamagat | Korean na pamagat | Ginampanan | Himpilan |
---|---|---|---|---|
2005 | Sisters of the Sea | 자매바다 | batang Song Jung-hee | |
Sad Love Story | 슬픈연가 | batang Park Hye-in | ||
2006 | Drama City "First Love" | 드라마 시티 | Jung-hee | |
2007 | Chosun Police season 1 | 별순검 | Soo-hee (bisita, kabanata 9) |
|
2009 | Empress Cheonchu | 천추태후 | batang Hwangbo Soo | |
Boys Over Flowers | 꽃보다 남자 | Chu Ga-eul | ||
He Who Can't Marry | 결혼 못하는 남자 | Jeong Yoo-jin | ||
2010 | A Good Day for the Wind to Blow | 바람 불어 좋은날 | Kwon Oh-bok | |
2011 | A Thousand Kisses | 천번의 입맞춤 | Woo Joo-mi | |
2012 | Happy Ending | 해피엔딩 | Kim Eun-ha | |
Horse Doctor | 마의 | Princess Sukhwi | ||
2014 | Liar Game | 라이어 게임 | Nam Da-jung | |
2015 | The Scholar Who Walks the Night | 밤을 걷는 선비 | Choi Hye-ryung/ Lee Myung-hee |
|
2016–2017 | Our Gap-soon | 우리 갑순이 | Shin Gap-soon | |
2017 | Drama Special - You're Closer Than I Think | 당신은 생각보다 가까이에 있다 | Hong Tae-ra | |
2018 | That Man Oh Soo | 그남자 오수 | Seo Yoo-ri |
Mga sanggunian
baguhin- ↑ 1.0 1.1 Lee, Ji-hye (28 Abril 2011). "JIFF: Jung Il-woo, Kim So-eun: Goal is to watch a movie and have a get-together". 10Asia (sa wikang Ingles). Nakuha noong 2013-08-06.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Yeom, Min-a (11 Pebrero 2009). "Kim So-eun dreams to become a chameleon-like actress". The Korea Herald (sa wikang Ingles). Nakuha noong 2013-08-06.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Oh, Jean (15 Hunyo 2009). "KBS' bachelor battles MBC's queen". The Korea Herald (sa wikang Ingles). Inarkibo mula sa orihinal noong 2013-12-12. Nakuha noong 2013-08-06.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Han, Sang-hee (3 Enero 2010). "2009 Drama Awards Wrap Up With No Surprises". The Korea Times (sa wikang Ingles). Inarkibo mula sa orihinal noong 28 Oktubre 2012. Nakuha noong 2014-09-09.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Choi, Ji-eun (3 Pebrero 2010). "REVIEW: TV series Good Day - Premiere episode". 10Asia. Nakuha noong 2013-08-06.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Hong, Lucia (16 Setyembre 2010). "Kim So-eun's popularity rises in Taiwan". 10Asia (sa wikang Ingles). Nakuha noong 2013-08-06.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Yoon, Hee-seong (6 Mayo 2010). "Kim So-eun's Song Picks". 10Asia (sa wikang Ingles). Nakuha noong 2013-08-06.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Actress Kim So-eun Seeking New Challenges". The Chosun Ilbo (sa wikang Ingles). 3 Disyembre 2011. Nakuha noong 2013-08-06.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Park, Hyun-min (12 Disyembre 2011). "Interview: Kim So Eun Says Bright Characters Have Changed Her Personality". enewsWorld (sa wikang Ingles). Inarkibo mula sa orihinal noong 2013-08-06. Nakuha noong 2013-08-06.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Kim, Ji-soo (13 Marso 2013). "Unsung heroes in helping stars shine". The Korea Times (sa wikang Ingles). Inarkibo mula sa orihinal noong 1 Pebrero 2014. Nakuha noong 2013-08-06.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "New drama genres branch out from SNS, podcasts". The Korea Times (sa wikang Ingles). 13 Oktubre 2013.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Glitter CP explains why he chose Victoria and Kim So Eun as the MCs". Allkpop (sa wikang Ingles). 31 Hulyo 2013. Nakuha noong 2013-08-07.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Kim So-eun Talks About First Starring Role in Film". The Chosun Ilbo. 12 Hulyo 2014. Nakuha noong 2014-07-18.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Ha, Soo-jung (5 Hulyo 2014). "Interview: Kim So Eun Wants a Boyfriend But Can't Find Time to Date". enewsWorld. Inarkibo mula sa orihinal noong 2014-10-06. Nakuha noong 2014-07-08.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Choi, Eun-hwa (12 Setyembre 2014). "Kim So Eun, Lee Sang Yoon and Shin Sung Rok Confirmed for Drama Liar Game". enewsWorld (sa wikang Ingles). Inarkibo mula sa orihinal noong 2014-09-14. Nakuha noong 2014-09-16.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Lee, Sung-eun (15 Setyembre 2014). "Married names new couple". Korea JoongAng Daily. Nakuha noong 2014-09-16.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ 17.0 17.1 Yoon, Sarah (25 Hunyo 2015). "Kim So-eun talks about We Got Married, vampire TV drama". The Korea Herald (sa wikang Ingles). Nakuha noong 2015-06-26.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "New vampire drama 'Scholar Who Walks the Night' releases character photos". Kpop Herald (sa wikang Ingles). 2 Hulyo 2015.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ ""We Got Married" star, actress Kim So-eun to join 'Sky Lantern' as lead, agency confirms". Hancinema (sa wikang Ingles). Osen. 9 Marso 2015.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "EXO's Xiumin, Kim So-eun cast as leads in Web series". Kpop Herald (sa wikang Ingles). 2 Oktubre 2015.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "김소은, 윌엔터 새 둥지..이진욱·최강희와 한솥밥". StarMT (sa wikang Koreano). 4 Marso 2016. Nakuha noong 2016-03-04.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Kim So-eun confirms lead role in 'Gap Soon'". Korea JoongAng Daily (sa wikang Ingles). 14 Hulyo 2016.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Kim So-eun to star in "Drama Special - You're Closer Than I Think"". Hancinema (sa wikang Ingles). Xports News. 25 Hulyo 2017.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Choi Jung-ah (8 Setyembre 2017). "김소은, 3년 만에 스크린 컴백… '사랑하고 있습니까?' 숙맥녀 역". Sports World (sa wikang Koreano).
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Lee Jong-hyun and Kim So-eun in OCN "That Man Oh Soo"". Hancinema (sa wikang Ingles). Tenasia. Nakuha noong 8 Nobyembre 2017.
{{cite news}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Modern-day Cupid's heart to be pierced". Kpop Herald (sa wikang Ingles). 1 Marso 2018.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Kim So Eun Shares Her Beauty Tips With Sure". KpopStarz (sa wikang Ingles). 16 Enero 2015. Inarkibo mula sa orihinal noong 2015-01-21. Nakuha noong 2015-02-03.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Hwang, Sun-young (23 Enero 2009). "'꽃남' 김소은, 예전 KTF광고로 미모 인정받아" [Boys Over Flowers Kim So-eun's beauty is recognized in KTF commercial]. NSP Communication (sa wikang Koreano). Nakuha noong 2014-12-06.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Kim, Seung-young (11 Marso 2009). "김소은, CF에서 소녀시대 윤아와 상큼 매력 뽐내" [Kim So-eun and Yoona of Girls Generation show off refreshing charm in CF]. Mk.co.kr via Naver (sa wikang Koreano). Nakuha noong 2015-01-06.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Park, Shin-young (11 Setyembre 2009). "광고 이야기: "애인이 타주나..." 달콤한 고백" [Ad story: "Lovers for another week..." A sweet confession]. FNNews (sa wikang Koreano). Nakuha noong 2014-01-05.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Stealing Beauty: 김소은, 시크한 금발 쇼트 헤어로 '반짝' 변신" [Stealing Beauty: Kim So-eun's sparkling transformation with chic, short blonde hair]. Elle Girl Korea (sa wikang Koreano). 1 Hunyo 2011. Inarkibo mula sa orihinal noong 3 Pebrero 2015. Nakuha noong 2015-02-03.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "I'm All Right As I Am: <결혼 못하는 남자> 김소은" [I'm All Right As I Am: Kim So-eun of He Who Can't Marry]. Nylon Korea (sa wikang Koreano). Hulyo 2009. Inarkibo mula sa orihinal noong 2015-02-03. Nakuha noong 2015-02-23.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Jung Il-woo, Kim So-eun to Promote Jeonju Film Fest". The Chosun Ilbo (sa wikang Ingles). 9 Marso 2011. Nakuha noong 2015-02-03.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Jung Il-woo, Kim So-eun to promote Jeonju film fest". 10Asia (sa wikang Ingles). 22 Marso 2011. Nakuha noong 2015-02-03.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Seoul's festival of green films reaches 11th year". Korea JoongAng Daily (sa wikang Ingles). 11 Abril 2014.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link)