Kirby's Dream Land
Ang Kirby's Dream Land [a] ay isang side-scroll, action platform na larong bidyo na binuo ng HAL Laboratory at inilathala ng Nintendo para sa Game Boy. Inilabas ito noong 1992 bilang unang larong bidyo sa seryeng Kirby at ang pasinaya ni Kirby. Bilang pampasinayang pamagat na Kirby, lumikha ito ng maraming mga kumbensyon na lilitaw sa mga huling laro sa serye. Gayunpaman, ang kilalang kakayahan ng pagkopya ni Kirby ay hindi lilitaw hanggang sa paglabas ng Kirby's Adventure nang di bababa sa isang taon pagkatapos nito.
Kirby's Dream Land | |
---|---|
Naglathala | HAL Laboratory |
Nag-imprenta | Nintendo |
Direktor | Masahiro Sakurai |
Prodyuser | Makoto Kanai |
Programmer | Satoru Iwata |
Gumuhit | Masahiro Sakurai [1] |
Musika | Jun Ishikawa |
Serye | Kirby |
Plataporma | Game Boy |
Release | |
Dyanra | Action, platformer |
Mode | Single-player |
Ang Kirby's Dream Land ay dinisenyo ni Masahiro Sakurai, na hinahangad sa paggawa nito na maging isang simpleng laro na madaling maintindihan at laruin ng mga hindi pamilyar sa mga larong aksyon. Para sa mga mas magaling na manlalaro, nag-alok siya ng karagdagang mga opsyonal na mga hamon tulad ng isang mas mahirap na laro na makukuha sa pagtatapos ng laro at ang kakayahang baguhin ang pinakamataas na HP ni Kirby at panimulang bilang ng mga buhay. Ang Kirby's Dream Land ay muling nailatahala para sa Nintendo 3DS sa pamamagitan ng Virtual Console noong 2011 at isa rin sa mga laro na kasama sa pinagsama-samang larong Kirby's Dream Collection para sa Wii, na inilathala upang ipagdiwang ang ika-20 na anibersaryo ni Kirby.
Mga Tala
baguhin- ↑ Sa Hapon ay Hoshi no Kābī (星のカービィ, Kirby of the Stars)
Mga Sanggunian
baguhin- ↑ "桜井政博氏が語る、初代『星のカービィ』開発秘話。当時の企画書に、あのゲームの原点があった?". ファミ通.com (sa wikang Hapones). Inarkibo mula sa orihinal noong 2018-12-20. Nakuha noong 2018-12-05.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link)
Mga kawing panlabas
baguhin- Kirby's Dream Land mula sa MobyGames