Tungkol ang artikulong ito sa sakit bilang negatibong pansariling karanasan ng hapdi. Para sa mas malawak na konsepto, tingnan ang paghihirap o pasakit. Para sa terminong sakit ng medisina, tingnan ang karamdaman.

Sang-ayon sa Pandaigdigang Samahan para sa Pag-aaral ng Hapdi (International Association for the Study of Pain, IASP), makikita ng isang indibiduwal ang pagkakaiba ng sakit o hapdi at ng nosisepsyon. Isang pansariling karanasan ang sakit na kasama ng nosisepsyon, ngunit maaaring mangyari ng walang kahit anong estimulo. Kabilang dito ang emosyonal na pagtugon. Isang kataga sa neyuropisyolohiya ang nosisepsyon na pinapaalam ang isang aktibidad sa mga daanan ng nerb. Nagpapadala ng mga di-kaayaayang senyas ang mga daanang ito na hindi palaging masakit. Bagaman maaaring kasama ng sakit ang pagkawasak ng tisyu o pagkamaga, kadalasang hindi ganito ang kaso.

Kilala rin ang hapdi, ayon sa pakiramdam, bilang sigid, kirot,[1]o antak. Kaugnay ng emosyon, nilalarawan ang hapdi bilang kalbaryo, paghihirap, kalungkutan, pagdurusa, pighati, sakripisyo, lumbay, ligalig, pitipit, linggatong, o kagulumihanan ng isip, kabuwisitan, pasangkrus.[2]

Partikular na tumutukoy ang kirot, ache sa Ingles, sa minsang tuluy-tuloy na pumipitlag o sumisikdo ngunit malamlam o maandap na hapdi. Sa ganitong kalagayan ng kahapdian, karaniwang may pangkalahatang paghapdi ng lahat ng mga masel pagkalipas halimbawa ng pag-eehersisyo (kung matagal na napahinga musa sa pagsasanay). Kahalintulad din ang ganitong mga hapding nararanasan ng may karamdamang rayuma sa masel. Sa ganitong mga kaso, kadalasang nakapagbibigay ng lunas ang masahe o paghilot.[3]

Kabilang sa mga uri ng pananakit ng katawan ang pananakit ng likod, sakit ng ulo, at sakit ng ngipin.[3]

Mga sanggunian

baguhin
  1. Blake, Matthew (2008). "Ache". Tagalog English Dictionary-English Tagalog Dictionary. Bansa.org.{{cite ensiklopedya}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. Gaboy, Luciano L. Ache - Gabby's Dictionary: Praktikal na Talahuluganang Ingles-Filipino ni Gabby/Gabby's Practical English-Filipino Dictionary, GabbyDictionary.com.
  3. 3.0 3.1 Robinson, Victor, pat. (1939). "Ache". The Modern Home Physician, A New Encyclopedia of Medical Knowledge. WM. H. Wise & Company (New York).{{cite ensiklopedya}}: CS1 maint: date auto-translated (link), pahina 11.