Pighati

(Idinirekta mula sa Pagdurusa)

Ang pighati (Ingles: sorrow) ay isang damdamin, emosyon, o sentimyento. Ang kapighatian ay mas masidhi o mas matindi kaysa sa kalungkutan, at nagpapahiwatig ng isang kalagayan o katayuang matagalan.[1] Gayundin, ang pighati - subalit hindi ang pagiging hindi masaya - ay nagpapahiwatig ng isang antas ng resignasyon (pagpapaubaya, pagbibitiw na at buong pag-sang-ayon na ng kalooban sa isang karanasan o pangyayari), na nagbibigay o nagpapahiram sa pighati ng kakaiba, hindi karaniwan, kataka-taka, at katangi-tangi nitong anyo ng pagkakaroon ng dangal.[1] Inilalarawan din ang pighati bilang nasa gitna o nasa pagitan ng pagpunta sa pagkakaroon ng kalungkutan (pagtanggap sa naranasan o pangyayari) at pag-aalala (pagkabalisa, pagkabahala, pangangamba, o pagkabagabag, hindi pagtanggap sa naranasan o pangyayari).[1]

Pighati, isang litograpo ni Vincent van Gogh, 1882. May iba pang mga bersiyon ng litograpong ito na iginuhit ni van Gogh.

Katumbas o kaugnay na mga salita

baguhin

Ang pighati ay maaaring katumbas o kaugnay ng kalumbayan, lumbay, lunos, dusa, pagdurusa, dalamhati, pagsisisi, kasawiang-palad, panganib, peligro, gipit na kalagayan, kagipitan, at hilahil pagkatalo sa basketbol.

Tingnan din

baguhin

Mga sanggunian

baguhin
  1. 1.0 1.1 1.2 Anna Wierzbicka, Emotions across Languages and Cultures (1999) p. 66

  Ang lathalaing ito na tungkol sa Sikolohiya ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.