Gisaeng
Ang mga Gisaeng (Hangul: 기생, Hanja: 妓生), na binabaybay din na kisaeng, o ginyeo (기녀), ay ang mga babaeng tagapagtanghal sa Korea na kapareho ng mga Geisha sa Hapon at ng mga Hetaerae ng Sinaunang Gresya. Ang mga gisaeng ay hindi mga babaeng bayarin, kundi mga mananayaw. Bagamat ang tingin ng mga taga ibang lugar sa mga gisaeng ay mga bayarin, ang mga gisaeng ay mga nagtatanghal upang mag-aliw sa iba, lalu na sa mga hari at mga yangban.
Gisaeng | |
Pangalang Koreano | |
---|---|
Hangul | 기생 |
Hanja | 妓生 |
Binagong Romanisasyon | gisaeng |
McCune–Reischauer | kisaeng |
Ang mga gisaeng ay unang lumitaw noong panahon ng Goryeo. Sila ay kinilala ng kanilang pamahalaan upang magtanghal sa ilang okasyon ng kanilang estado. Ang karamihan ay nagtatanghal sa korte, hanggang sa sila ay dumami sa kalupaan ng Korea. Sila ay masusing nagsasanay, ay kadalasang nagtatagumpay sa larangan ng sining o pagtula, bagamat ang kanilang mga kakayahang kasiya-siyang tunay ay kadalasang binabaliwala dahil sa kanilang mababang antas ng buhay.
Bukod sa pagtatanghal, ang mga gisaeng ay maaari rin sa pananahi, pagbuburda, pagluluto, at maging sa panggagamot. Sa ibang pagkatataon, kinakailangan ang mga gisaeng sa paggamot ng mga mandirigma sa panahon ng digmaan.
Ang mga gisaeng, maging sa kasaysayan o sa kathang-isip, ay nagbibigay-halaga sa kultura ng Korea, lalo na noong panahon ng Joseon. Ang ilang sa mga mala-alamat ng Korea, tulad ng kuwento ni Chunhyang, ay itinatampok ang mga giaseng bilang mga bayani. Bagamat nakaligtaan na nang tuluyan ang mga ngalan ng karamihan sa mga makasaysayang gisaeng, ang iba ay ginugunita dahil sa kanilang mga kakayahan at katapatan. Ang pinakasikat na gisaeng na nabuhay noong ika-16 na siglo ay si Hwang Jini.
Katayuan sa lipunan
baguhinSa kapanahunan ng Goryeo at Joseon, pinanghahawakan ng mga gisaeng ang katayuang cheonmin, ang pinakamababang ranggo sa lipunan. Kagaya rin nila ng katayuan ang iba pang mga taga-aliw, maging ang mga tindero at mga alipin. Ang katayuan ay sadyang ipinamamana, kaya mga cheonmin din ang turing sa mga anak ng gisaeng, at ang mga anak na babae ay nagiging gisaeng na rin. Noong panahon ng Goryeo, ang mga kumakatawan sa pamahalaan ng bawat distrito o prepektura ay itinatabi ang pagtatala sa mga gisaeng, upang matiyak ang masusing pagsisiyasat. Ang parehong gawi ay ay isinunod sa mga alipin. Maaalis lamang ang gisaeng sa kanyang katayuan kung magababayad sila ng napakalaking halaga sa pamahalaan; iyon ay magagawa lamang kadalasan ng mayamang patron, yun ay isang kinatawan ng pamahalaan na may napakataas na katungkulan.
Maraming giaeng ang magagaling sa paglikha ng tula. At karamihan sa sijo na ginawa ng mga gisaeng ay nananatiling buhay. Kadalasang isinasalamin ng mga sijo ang hinagpis at kasawian, na halos katulad ng mga tula na nilikha ng mga seonbi na pinalayas sa lupain ng Korea. Sa karagdagan, ang ilang sa mga kilalang tula ay nilikha upang makaakit ng mga prominenteng iskolar na makasama sa buong magdamag. Sa makatuwid, ang estilong sijo ay nasama na rin sa mga gisaeng, habang ang mga kababaihan ng yangban ay nagpatuloy sa pag-ensayo ng anyong gasa sa pagtula.
Ang mga gisaeng na pirming nasa tanggapan ng pamahalaang lokal ay nakilala bilang mga gwan-gi, at ang kanilang katayuan ay sadyang ibang-iba mula sa mga pangkaraniwang alipin na kasama din sa tanggapan ng kanilang pamahalaang lokal. Itinuring, gayumpaman, ang mga gisaeng na mas mataas ang ranggo sa mga alipin, bagamat, teknikalmente, silang dalawang pangkat ay parehong cheonmin ang pinanghahawakang ranggo.
Mga sanggunian
baguhin- Ahn, Gil-jeong (안길정) (2000). 조선시대 생활사 (Joseon Sidae Saenghwalsa) (Lifestyle history of the Joseon period). Seoul: Sakyejul. ISBN 89-7196-701-3.
{{cite book}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) (In two volumes).
- Breen, Michael (2004). The Koreans (rev. ed.). New York: Thomas Dunne Books. ISBN 0-312-32609-2.
{{cite book}}
: CS1 maint: date auto-translated (link)
- Daegu-Gyeongbuk Historical Research Society (대구-경북 역사연구회) (1999). 역사 속의 대구, 대구 사람들 (Yeoksa sogui Daegu, Daegu saramdeul) (Daegu and its people in history). Seoul: Jungsim. ISBN 89-89524-09-1.
{{cite book}}
: CS1 maint: date auto-translated (link)
- Hwang, Won-gap (황원갑) (1997). 한국사를 바꾼 여인들 (Hanguksareul bakkun yeonindeul) (The women who changed Korean history). Seoul: 책이있는마을. ISBN 89-5639-014-2.
{{cite book}}
: CS1 maint: date auto-translated (link)
- Kawamura, Minato (2001). 기생: 말하는 꽃 (Gisaeng: Malhaneun kkot) (Kisaeng: The speaking flowers). Seoul: Sodam. ISBN 89-7381-474-5.
{{cite book}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) (Tr. from Japanese original)
- Kim, Dong-uk. (1963). Women's literary achievements (Yi Dynasty). Korea Journal 3(11), 33-36. [1] Naka-arkibo 2007-03-14 sa Wayback Machine.
- Kim, Kichung (1996). An introduction to classical Korean literature from hyangga to p'ansori. Armonk: M.E. Sharpe.
{{cite book}}
: CS1 maint: date auto-translated (link)
- Kim, Yung Chung (1976). Women of Korea: A history from ancient times to 1945. Seoul: Ewha Womans University Press. ISBN 89-7300-116-7.
{{cite book}}
: CS1 maint: date auto-translated (link)
- Lee, Younghee (2002). Ideology, culture and han: Traditional and early modern Korean women's literature. Seoul: Jimoondang. ISBN 89-88095-43-X.
{{cite book}}
: CS1 maint: date auto-translated (link)
- McCann, David. (1977). Traditional world of kisaeng. Korea Journal 14(2), 40-43. [2] Naka-arkibo 2007-03-14 sa Wayback Machine.
- Song, Bang-song (1999). Korean music: Historical and other aspects. Seoul: Jimoondang. ISBN 89-88095-13-8.
{{cite book}}
: CS1 maint: date auto-translated (link)
Mga kawing panlabas
baguhin- Chosun Ilbo article on the vestiges of the kisaeng Naka-arkibo 2008-06-16 sa Wayback Machine.
- http://www.seoulselection.com/asiana_newsletter_read.html?nid=159[patay na link]
- http://www.boaeditions.org/books/songsof.html Naka-arkibo 2007-11-30 sa Wayback Machine.
- Korean-language profile of the Pyeongyang Kisaeng School Naka-arkibo 2008-03-19 sa Wayback Machine.