Kolehiyo ng San Lorenzo
Ang Kolehiyo ng San Lorenzo (tinatawag ding CDSL o San Lo) ay isang pribadong, Katolikong, edukasyonal na institusyon sa Pilipinas na matatagpuan sa Abenida Kongresyonal, Barangay Bahay Toro, Lungsod Quezon at sa Macabebe, Pampanga, na naitatag noong 1988. Ang mga estudyante ng Kolehiyo de San Lorenzo ay kilala bilang "Ruizians/Ruiziano".
Kolehiyo ng San Lorenzo | |
---|---|
Itinatag noong | 1987 |
Uri | pamantasan |
Lokasyon | , |
Websayt | http://sanlo.edu.ph/ |
Kasaysayan
baguhinAng mga tagapagtatag ng paaralan, sina Cirilo at Annette F. Balgan, ay naka-isip ng isang edukasyonal na institusyon na tutugon sa tawag ng Simbahan para sa mas malaking partisipasyon at kaalaman sa edukasyunal na apostolado. Itinatag nila ang CDSL bilang isang edukasyunal na institusyon na nakatuon sa kabuuang pagbuo ng mga Pilipinong Katolikong kabataan, na tulad ni San Lorenzo Ruiz de Manila, ay mabubuhay sa paglilingkod sa Diyos. Noong Oktubre 18, 1987, habang ang seremonyang kanonisasyon ni San Lorenzo sa St. Peter's Basilica sa Roma ay nagsisimula pa lamang, ang seremonya sa paglalagay ng pundasyon ng CDSL sa Lungsod Quezon ay taimtim na nagpatuloy. Inilaan ng mga tagapagtatag nito ang paaralan kay San Lorenzo para maiparangalan at mapanatili ang alaala ng unang Pilipinong santo at para tularan ng kabataang Pilipino ang kanyang kabanalan na nagdala sa kanya sa pagkasanto. Noong unang taon ng paaralan, 1988, ang gusali ng paaralan ay isang 2-palapag na gusali na may 14 na silid-aralan. Labing-dalawa sa mga ito ay ginawang silid-aralan, isa bilang opisina, at isa para sa serbisyo sa mga mag-aaral.
Kaing panlabas
baguhin- Opisyal na websayt Naka-arkibo 2010-03-24 sa Wayback Machine.
Ang lathalaing ito na tungkol sa Edukasyon ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.