Colegio de San Pascual Baylon

(Idinirekta mula sa Kolehiyo ng San Pascual Baylon)

Ang Colegio de San Pascual Baylon[1] (opisyal na pangalan, nasa Kastila) o Kolehiyo ng San Pascual Baylon (dating Escuela Catolika [Paaralang Katoliko] at St. Pascual Institution [Surian, Panimulaan, o Institusyon ng San Pascual, SPI]) ay isang kolehiyo sa bayan ng Obando sa lalawigan ng Bulakan. Matatagpuan ito sa barangay ng Pag-asa ng Obando. Nagsimula ito bilang isang paaralang nagsasagawa ng mga klaseng kateketiko lamang noong 11 Pebrero 1913 dahil kay Padre Juan Dilag, kura paroko ng Obando, na naging pre-elementaryo, nagkaroon ng elementarya (mababang paaralan) noong 1936, at sekondaryo (mataas na paaralan) noong 1939-1943, hanggang sa magkaroon ng kolehiyo. Dating pinangangasiwaan ito ng mga madre ng mga Relihiyosa ng Birheng Maria (Religious of the Virgin Mary o RVM). Kinilala ito ng pamahalaan ng Pilipinas noong 1921. Hinango ang pangalan ng paaralan mula sa isang pintakasing santo ng Obando.[1]

Colegio de San Pascual Baylon
Itinatag noong11 Pebrero 1913
Uripamantasan
Lokasyon
Websaythttp://www.cspb.edu.ph
Map

Kasaysayan

baguhin

Panahon ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig

baguhin

Natupok ng isang sunog ang paaralan noong Pebrero 1945. Muli itong nagbukas noong 1947. Para sa mas mainam na pangangasiwa, pinaghiwalay ang deparamento ng mga lalaki at babae noong panahon ng kura parokong si Reb. Padre Rome Fernandez, na naglingkod rin bilang direktor ng eskuwelahan. Siya para sa departamentong pangkalalakihang estudyante, habang ang mga madre naman ng mga Relihiyosa ng Birheng Maria ang nangasiwa ng departamento ng mga kababaihan mag-aaral.[1]

Makalipas ang labindalawang taon, pinagsanib ang dalawang departamento at pinag-isa, noong taon ng pag-aaral ng 1975 - 1976. Nabuksan ang kindergarden na may pagsang-ayon ng pamahalaan ng Pilipinas. Nagtagal lamang ang pagsasama ng departamentong panlalaki at pambabae ng pitong taon. Naghiwalay muli ang mga ito noong taon ng pag-aaral ng 1982 – 1983. Nagbukas ng kagawarang pangkolehiyo ang St. Pascual Institution [dating opisyal na pangalan], kaya’t naging Colegio de San Pascual Baylon o CSPB (daglat ng paaralan), ang pangkasalukuyang opisyal na pangalan ng paaralang Katoliko. Higit pang tumaas ang bilang ng mga mag-aaral noong mga dekada ng 1980 hanggang 1990.[1]

Noong 1988, napalitan ang mga nangangasiwang madreng RVM ng mga Dominikanang Madre ng San Jose (isang kongregasyon sa Bulakan). Isa itong pagbabagong itinakda at isinagawa ng Pinaka-Reberendong Cirilo R. Almario, D.D., Obispo ng Malolos, Bulakan.[1]

Kasalukuyan

baguhin

Itinuturing sa ngayon ang pangalan bilang isang pamayanang pang-edukasyon na nakatuon kay Kristo, at isang paaralang may adhikaing maka-Simbahang Katoliko na alinsunod sa mga pagtuturo at pilosopiyang Kristiyano at makademokrasya. Mayroon itong mga tauhan bumibilang sa 125 katao (nagtuturo, administratibo, at iba pa). Karaniwang bumibilang sa 1,939 ang mga estudyante nito mula sa nursery magpahanggang kolehiyo. Tinatawag na mga Paskalyano (o Paschalian) ang mga nag-aaral sa kolehiyong ito.[1]

Mga gusali at mga kurso

baguhin

Mayroong laboratoryong pangtalumpati, aklatan, silid pang-awdyo at biswal ang kolehiyo. Palagiang matagumpay ang pakikilahok ng paaralan sa taunang paligsahang BULPRISA o Bulacan Private Schools Association (Asosasyon ng mga Pribadong Paaralan sa Bulakan). Bukod sa mga leksiyong pang-akademiko, nagbibigay rin ito ng mga pagsasanay sa mga pampalakasang larong tulad ng basketbol, bolibol, at badminton. Nilalathala ang pahayagan nito, ang Kairos, dalawang ulit sa isang taon ng pag-aaral; at nilalathala rin ang The Paschalian, ang opisyal nitong ulat-balita dalawang beses isang buwan.[1]

Kabilang sa mga kursong pangkolehiyo ang sumusunod:[1]

  • Batsilyer ng Agham sa Komersiyo (Bachelor of Science in Commerce, BSC) na may pagkamayor sa Pagbabangko at Pananalapi
  • Pamamahala at Marketing (Management and Marketing)
  • Batsilyer ng Agham sa Agham Pangkompyuter (Bachelor of Science in Computer Science, BSCS)
  • Batsilyer sa Mataas na Paaralan (Bachelor of Secondary Education, BSEd), may pagkamayor sa Ingles, Filipino, Agham Panlipunan, Matematika at Lahatang Agham
  • Batsiler sa Mababang Paaralan (Bachelor of Elementary Education, BEEd) na may ispesyalisayon sa Pre-Iskul (Pre-School Education).
  • Kursong Pagkadalubhasa sa Edukasyon (Professional Education Course), may sertipiko sa Edukasyong Propesyunal.

Sanggunian

baguhin

Tingnan din

baguhin