Kolehiyong Estatal ng Dominica

Ang Kolehiyong Estatal ng Dominica (Ingles: Dominica State College), ay ang pambansang institusyon para sa mas mataas na edukasyon ng Dominica, na matatagpuan sa hilagang bahagi ng Roseau, sa Stock Farm area ng lungsod.

Ang kolehiyo ang naging produkto ng pag-iisa ng Teknikal na Kolehiyo (orihinal na itinatag sa 1972) at ng Sixth Form College.[1] Bahagi ito ng inisyatiba ng pamahalaan na pagkaisahin ang lahat ng mga institusyon sa tersiyaryong edukasyon sa isang campus sa pamamagitan ng Dominica State College Act of 2002. Ang kolehiyo ay nag-aalok ng ilang mga programa tulad ng hospitality, turismo, pag-aalaga, agrikultura at pagsasanay sa guro.[2]

Ang DSC ay suportado ng Ministry of Education, Human Resource Development, Youth Affairs and Sports.[3] Ito ay inoopereyt tulad ng isang institusyong politekniko. Ito ay isang may kabuuang populasyon na 1,400.[4]

Mga sanggunian

baguhin
  1. "Clifton Dupigny Technical College". University of the West Indies. Nakuha noong 25 Hunyo 2011.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. Crask, Paul (26 Pebrero 2008). Dominica. Bradt Travel Guides. pp. 14–. ISBN 978-1-84162-217-0. Nakuha noong 26 Hunyo 2011.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  3. Roberts, Jason (Disyembre 2008). "Online Guide to ducational Systems, Around the World, Dominica" (PDF). NAFSA: Association of International Educators. p. 7. Inarkibo mula sa orihinal (PDF) noong 2011-09-26. Nakuha noong 26 Hunyo 2011.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  4. "Evaluation of the Strategic Gap Filling Programme of the Commonwealth Secretariat Annexes to Main Report". Evaluation Series No 78. Commonwealth Secretariat. Hunyo 2007. p. 20. Nakuha noong 26 Hunyo 2011.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)

15°18′37″N 61°22′46″W / 15.3103°N 61.3794°W / 15.3103; -61.3794   Ang lathalaing ito na tungkol sa Edukasyon ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.