Ang Roseau (Kriolyong Dominkano: Wozo) ay ang kabisera at ang pinakamalaking lungsod ng Dominica, na may populasyon na 14,725 sang-ayon noong 2011.[1] Ito ay isang maliit at siksik na panirahang urbano, sa parokyang San Jorge at pinapalibutan ng Dagat Karibe, ang Ilog Roseau at Morne Bruce. Itinayo sa sityo ng sinaunang Pulong Carib na nayon ng Sairi, ito ang pinakaluma at ang pinakamahalagang paninirahan sa pulo ng Dominica.

Roseau
Lungsod
Malawak na pananaw ng Roseau mula sa isang barkog naglilibot
Malawak na pananaw ng Roseau mula sa isang barkog naglilibot
Palayaw: 
Bayan
Roseau is located in Dominica
Roseau
Roseau
Roseau
Mga koordinado: 15°18′05″N 61°23′18″W / 15.301389°N 61.388333°W / 15.301389; -61.388333
BansaDominica
ParokyaSan Jorge
Pamahalaan
 • UriLokal na pamahalan: Konsehong Lungsod ng Roseau itinatatag noong dekada 1890
 • Ang Kanyang Labis-labis na Minamahal na AlkaldeCecil Joseph
 • MP – Roseau CentralKgg. Norris Prevost
Taas
43 m (141 tal)
Populasyon
 (2011)[1]
 • Kabuuan14,725
Sona ng orasUTC–4 (AST)
Kodigo ng lugar+1 767

Ito ay nasa kanlurang (patungo sa hangin) baybayin ng Dominica at mayroon itong magkahalong makabago at kolonyal na arkitekturang Pranses.

Ang Roseau ay ang pinakamahalagang daungan ng Dominica para sa banyagang kalakalan. Kabilang sa mga iniluluwas ang saging, langis ng bay, gulay, toronha, at kakaw. Napakalaking bahagi ang sektor ng serbisyo sa lokal na ekonomiya. May ilang pribadong institusyon na nakarehistro sa Dominica, tulad ng Pamantasang Ross, Pamantasang Ballsbridge, internasyunal na unibersidad para sa pag-aaral na gradweyt, All Saints University, New World University, at Western Orthodox University.

Mayroon din isang prominenteng diyosesis na tinatawag na Romano Katolikong Diyosesis ng Roseau.

Mga sanggunian

baguhin
  1. 1.0 1.1 "2011 Population and Housing Census – preliminary results" (PDF) (sa wikang Ingles). Central Statistical Office (Dominica). Inarkibo mula sa orihinal (PDF) noong 2017-10-25. Nakuha noong 24 Oktubre 2017. {{cite journal}}: Cite journal requires |journal= (tulong)CS1 maint: date auto-translated (link)