Kasaysayang kolonyal ng Estados Unidos

(Idinirekta mula sa Kolonya ng Virginia)

Ang kasaysayang kolonyal ng Estados Unidos ang kasaysayan ng kolonisasyong Europeo ng mga Amerika mula sa kolonisasyon ng Amerika hanggang sa kolonisasyon ng Estados Unidos. Noong ika-16 siglo CE, ang Kaharian ng Inglatera, Kaharian ng Pransiya, Espanya at Netherlands ay naglunsad ng mga pangunahing programang pagkokolonya sa silangang Hilagang Amerika.[1] Ang mga maliit na maagang mga pagtatangka gaya ng nawalang Kolonya ng Roanoke ay kadalasang naglaho. Kahit saan, ang rate ng kamatayan ng mga unang pagdating ng mga Europeo ay napakataas. Gayunpaman, ang mga matagumpay na kolonya ay itinatag. Ang mga tumitirang Europeo ay nagmula sa iba't ibang mga pangkat na panlipunan at panrelihiyon. Walang mga aristokrata ang permanenteng tumira ngunit ang isang bilang ng mga manlalakbay, mga sundalo, mga magsasaka, mga mangangalakal ay dumating. Ang dibersidad ay isang katangiang Amerikano dahil ang mga Dutch ng Bagong Netherland, mga Swede at mga Finn ng Bagong Sweden, mga Ingles na Quaker ng Pennsylvania, mga Puritanong Ingles ng Bagong Inglatera, mga mananahan ng Jamestown, Virginia at mga karapat dapat na mahihirap ng Georgia ay dumating sa bagong kontinente at nagtayo ng mga kolonyang may natatanging mga istilong panlipunan, relihiyon, pampolitika at ekonomiko. Minsa, ang isang kolonyo ay kumontrol sa isa pang kolonya noong mga digmaan sa pagitan ng kanilang mga magulang na Europeo. Tanging sa Nova Scotia na bahagi ngayon ng Canada na nagawang mapatalsik ng mga mananakop ang mga nakaraang kolonista. Ang mga tumirang kolonista ay namuhay ng magkakatabi sa kapayapaan. Walang mga pangunahing digmaang sibil sa mga 13 kolonya. Ang mga kolonya at mga dalawang pangunahing mga armadong paghihimagsik sa Virginia noong 1676 at New York noong 1689–91 ay mga maikling buhay na kabiguan. Ang mga digmaan sa pagitan ng mga Pranses at British sa mga digmaang Pranses at Indiyano at Digmaan ni Padre Rale ay umuulit at kinasangkutan ng suportang Pranses para sa mga pagsalakay na Kompederasiyang Wabanaki sa mga hangganan. Noong 1760, ang Pransiya ay natalo at sinunggaban ng mga British ang mga kolonya nito. Ang mga apat na natatanging rehiyon ang: Bagong Inglatera, ang Mga gitnang kolonya, ang mga kolonyang Chesapeake Bay (Itaas na Timog) at Ibabang Katimugan. Ang ilang mga historyano ay nagdagdag ng isang ikalimang rehiyon na ang Frontier na hindi kailanman hiwalay na inorganisa.[1] Sa panahong ang mga mananahang Europeo ay dumating noong 1600–1650, ang karamihan ng mga Katutubong Amerikano na namumuhay sa katimugang Estados Unidos ay nalipol ng mga bagong sakit na ipinakilala sa kanila ng mga maglalayag at magdaragat.[2]

Mga sanggunian

baguhin
  1. 1.0 1.1 Cooke, ed. North America in Colonial Times (1998)
  2. Richard Middleton and Anne Lombard, Colonial America: A History to 1763 (4th ed. 2011) p. 23