Kolwezi
Ang Kolwezi o Kolwesi ay ang kabiserang lungsod ng Lalawigan ng Lualaba sa katimugang bahagi ng Demokratikong Republika ng Congo, kanluran ng Likasi. Mayroon itong paliparan at daambakal na papuntang Lubumbashi. Ang tinatayang populasyon ay humigit-kumulang 453,000 katao.
Kolwezi | |
---|---|
Mga koordinado: 10°43′S 25°28′E / 10.717°S 25.467°E | |
Bansa | Demokratikong Republika ng Congo |
Lalawigan | Lalawigan ng Lualaba |
Itinatag | 1937 |
Lawak | |
• Kabuuan | 213 km2 (82 milya kuwadrado) |
Taas | 1,448 m (4,751 tal) |
Populasyon (2015[1]) | |
• Kabuuan | 572,942 |
• Kapal | 2,700/km2 (7,000/milya kuwadrado) |
Sona ng oras | UTC+2 (Oras ng Lubumbashi) |
Climate | Cwa |
Malapit sa Kolwezi ang isang plantang static inverter ng HVDC Inga-Shaba.[2]
Kasaysayan
baguhinItinatag ang lungsod noong 1937 para maging punong-tanggapan ng kanluraning pangkat ng pagmimina na Union Minière du Haut Katanga.
Labanan sa Kolwezi (1978)
baguhinNoong ika-13 ng Mayo, 1978 (Sabado), sinakop ng mga dating sundalo ng Katanga ang lungsod, kalakip ng suporta mula sa Angola. Humingi ang noo'y pamahalaang Zaire ng tulong sa Belhika, Pransiya, Maruekos, at Estados Unidos upang maibalik ang kaayusan. Ipinadala ang Ikalawang Rehimyentong Banyaga ng Parakaida (2e REP), isang piling pangkat ng mga parasyutista ng French Foreign Legion, upang palayasin ang mga rebelde at iligtas ang sinumang nabihag. Nagpadala rin ang hukbong Belhikano ng puwersang binubuo ng 750 parasyutista ng Rehimyentong Paracommando at inilipat ang di-bababa sa 1,800 Europeo sa ibang mga lungsod sa rehiyon. Nasawi sa labanan ang 700 mga Aprikano (kasama ang 250 rebelde[3]), 170 mga Europeong nabihag, at anim na mga parasyutista.
Klima
baguhinAng Kolwezi ay may halumigmig na klimang subtropiko (Köppen climate classification Cwa) na naiimpluwensiyahan ng balaklaot.
Datos ng klima para sa Kolwezi | |||||||||||||
---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|
Buwan | Ene | Peb | Mar | Abr | May | Hun | Hul | Ago | Set | Okt | Nob | Dis | Taon |
Katamtamang taas °S (°P) | 26 (79) |
27 (80) |
27 (80) |
27 (80) |
27 (80) |
25 (77) |
26 (79) |
28 (83) |
30 (86) |
30 (86) |
27 (80) |
26 (79) |
27 (81) |
Katamtamang baba °S (°P) | 16 (60) |
16 (60) |
16 (60) |
15 (59) |
13 (56) |
11 (51) |
11 (51) |
13 (55) |
14 (58) |
16 (60) |
16 (60) |
16 (60) |
14 (58) |
Katamtamang presipitasyon mm (pulgada) | 132 (5.2) |
165 (6.5) |
230 (9) |
66 (2.6) |
5 (0.2) |
0 (0) |
0 (0) |
0 (0) |
5 (0.2) |
66 (2.6) |
259 (10.2) |
236 (9.3) |
1,163 (45.8) |
Sanggunian: Weatherbase[4] |
Ekonomiya at imprastraktura
baguhinIsang mahalagang sentro ng pagmimina ng tanso at kobalto ang Kolwezi. Mayroon ding mga deposito ng uranyo, radyo, inambatong oksido, at apog. Ang minahán ng Musonoi ay isang set ng mga hantad na hukay (open pits) malapit sa Kolwezi kung saang kinukuha ang tanso at iba pang mga metal mula noong dekada-1940.[6]
Ang kalapit na Lawa ng Nzilo ay nalikha sa pamamagitan ng pagharang sa Ilog Lualaba upang mabigyan ng pinagkukunan ng kuryenteng hidroelektriko at imbakan ng tubig para sa mga gawaing pagmimina.[7][8]
Transportasyon
baguhinAng Paliparan ng Kolwezi ay naglilingkod sa Kolwezi at mga karatig-pook nito. Matatagpuan ang paliparan sa layong mga 6 na kilometro (4 na milya) timog ng Kolwezi.[9]
Mga sanggunian
baguhin- ↑ "Archive copy". Inarkibo mula sa orihinal noong 2020-11-30. Nakuha noong 2019-04-22.
{{cite web}}
: CS1 maint: archived copy as title (link) CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Dalarnas Tidningar – Ludvika". Inarkibo mula sa orihinal noong 2012-07-23. Nakuha noong 2019-04-22.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Général Gaussères. Les enseignements de Kolwezi – Mai 1978, in les Cahiers du Retex n° 12, supplément à Objectif doctrine 37 (published by Centre de doctrine de l'emploi des forces, Ministère de la Défense). On line : "Archived copy" (PDF). Inarkibo mula sa orihinal (PDF) noong 25 Marso 2009. Nakuha noong 2 Nobyembre 2009.
{{cite web}}
: Unknown parameter|deadurl=
ignored (|url-status=
suggested) (tulong)CS1 maint: archived copy as title (link) CS1 maint: date auto-translated (link), 37-31 - ↑ "Weatherbase: Historical Weather for Kolwezi, Democratic Republic of the Congo". Weatherbase. 2011. Inarkibo mula sa orihinal noong 2018-11-17. Nakuha noong 24 Nobyembre 2011.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Kolwezite Mineral Data
- ↑ "Musonoi Mine, Kolwezi, Katanga Copper Crescent, Katanga (Shaba), Democratic Republic of Congo (Zaïre)". Mindat.org. Nakuha noong 4 Nobyembre 2011.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Davies, Bryan Robert; Walker, Keith F. (1986). The Ecology of river systems. Springer. p. 203. ISBN 90-6193-540-7.
{{cite book}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ KEITH E. BANISTER, ROLAND G. BAILEY (Hulyo 1979). "Fishes collected by the Zaire River Expedition, 1974–75" (PDF). Zoological Journal of the Linnean Society. 66: 205–249. doi:10.1111/j.1096-3642.1979.tb01909.x. Nakuha noong 4 Disyembre 2011.
{{cite journal}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Distance and heading from Kolwezi to airport". WikiMapia. Nakuha noong 18 Pebrero 2010.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link)
Mga kawing panlabas
baguhin- "The French Foreign Legion in Kolwezi"(Broken Promise) [1] Naka-arkibo 2016-03-03 sa Wayback Machine. By Roger Rousseau aux Editions Rexy ISBN 2-9526927-1-8