Komal Oli
Si Komal Oli (Nepali: कोमल ओली) (ipinanganak noong Abril 16) ay isang Nepali na mamamhayag, personalidad sa radyo[1] at telebisyon,[2] mang-aawit-pambayan,[1][3] naglilibang, at politiko.[kailangan ng sanggunian] Pumasok siya sa politika ng Nepali kamakailan at miyembro ng federal na pambasang asamblea[4] na kumakatawan sa Partido Komunista ng Nepal (NCP) na pinupunan ang nakareserbang quota para sa kababaihan. Siya ay kumanta sa maraming katutubong kanta. Siya ay hindi kailanman nag-asawa at ang kaniyang katayuan sa pag-aasawa ay nakakuha ng maraming pansin,[5] kasama si Komal, mismo, na naglathaka ng isang tampok na kanta na Poila Jaana Paam! (literal na pagsasalin: Hayaan akong magtanan!).
Maagang buhay
baguhinIpinanganak si Komal noong Abril 16 sa Tikari, Dang kina Deepa at Lalit Oli.[2] Siya ang panganay sa apat na anak.[5] Ginugol niya ang lahat ng kaniyang pagkabata sa kaniyang bayan, nagtapos sa isang lokal na paaralan. Siya ay sinanay sa sarili sa musika habang nasa paaralan.[2]
Radio Nepal at mang-aawit-pambayan
baguhinPumasok siya sa Pambansang Kompetisyong Mang-aawit-Pambayan na inorganisa ng Radio Nepal noong 2046 BS at nakakuha ng pangalawang puwesto.[2] Inalok siya ng isang music deal ng Radio Nepal sa parehong taon para sa isang music album. Noong 2049 BS, lumipat siya sa Kathmandu at natanggap bilang mamamahayag ng Radio Nepal.[2][5]
Tagumpay at katanyagan
baguhinBilang isang mamamahayag para sa Radio Nepal at isang katutubong mang-aawit, mabilis siyang naging pamilyar na boses sa sambahayan ng Nepal, dahil sa naabot ng radyo sa mga pinakamalayong rehiyon ng bansa. Siya ay naglabas ng higit sa isang dosenang album sa buong kainyang karera.[5] Bilang karagdagan, siya ay isang tagapaglibang sa mga pampublikong pangyayari. Sinasanay din niya ang mga naghahangad na mamamahayag sa radyo at tv.[5]
Politika
baguhinIniwan niya ang kaniyang trabaho sa Radio Nepal upang sumali sa Partido Rastriya Prajatantra ng Nepal na kumakatawan sa pagpapanumbalik ng monarkiya at estado ng Hindu. Gayunpaman, bago ang halalan noong 2017, sumali siya sa Partido Komunista ng Nepal (Nagkakaisang Marxista Leninista).[1] Nang hindi siya natampok sa listahan ng mga kandidato ng partido sa halalan, nagrehistro siya ng kandidatura ng mga rebelde bilang isang independiyente sa kaniyang sariling bayan na nasasakupan. Nang maglaon, binawi niya ang kanyang kandidatura at nagpahayag ng suporta para sa kandidato ng partido.[3] Siya ay kasalukuyang naglilingkod bilang isang miyembro ng Pambasang Asamblea.[4] Siya ay hinirang ng kaniyang partido upang punan ang nakareserbang quota para sa kababaihan mula sa kanyang sariling probinsiya.
Mga sanggunian
baguhin- ↑ 1.0 1.1 1.2 "Folk singer Komal Oli joins CPN-UML". The Kathmandu Post. Inarkibo mula sa orihinal noong 2019-04-20. Nakuha noong 21 Abril 2019.
{{cite news}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ 2.0 2.1 2.2 2.3 2.4 "Komal Oli". Inarkibo mula sa orihinal noong 27 Septiyembre 2020. Nakuha noong 21 April 2019.
{{cite web}}
: Check date values in:|archive-date=
(tulong) - ↑ 3.0 3.1 "Komal Oli withdraws nomination". The Kathmandu Post. Inarkibo mula sa orihinal noong 2019-04-20. Nakuha noong 21 Abril 2019.
{{cite news}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ 4.0 4.1 "Komal Oli worried about Dashain ticket fares". My Republica. Nakuha noong 21 Abril 2019.
{{cite news}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ 5.0 5.1 5.2 5.3 5.4 "Komal Oli Biography". Nakuha noong 21 Abril 2019.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link)
Walang kategorya ang artikulong ito.
Makakatulong sa pagpapaunlad ng artikulong ito sa paglalagay ng isa o higit pang kategorya upang maisama ito sa mga kaugnay na artikulo (paano?). Alisin po lang ang tag pagkaraan ng pagsasauri, hindi bago nito.(Disyembre 2023) |