Komi Can't Communicate

Ang Komi Can't Communicate (Hapones: 古見さんは、コミュ症です。Hepburn: Komi-san wa, Comyushou Desu.) ay isang serye ng manga mula sa bansang Hapon na isinulat at iginuhit ni Tomohito Oda. Nailimbag ito ng Shogakukan sa kanilang magasin na Weekly Shōnen Sunday simula noong Mayo 2016. Ang Viz Media naman ang mayroong lisensya sa paglimbag sa Hilagang Amerika.

Komi Can't Communicate
logo ng serye
Dyanra
Manga
KuwentoTomohito Oda
NaglathalaShogakukan
ImprentaShōnen Sunday Comics
MagasinWeekly Shōnen Sunday
DemograpikoShōnen
TakboMayo 18, 2016kasalukuyan
Teledrama
Direktor
  • Yoshihito Okashita
  • Eiji Ishii
ProdyuserHiroyuki Onuma
IskripFumie Mizuhashi
MusikaEishi Segawa
EstudyoTV Man Union
Inere saNHK General TV
TakboSetyembre 6, 2021 – Nobyembre 1, 2021
Bilang8
Teleseryeng anime
DirektorAyumu Watanabe (chief) Kazuki Kawagoe
IskripDeko Akao
MusikaYukari Hashimoto
EstudyoOLM
LisensiyaNetflix (may lisensya sa streaming)
Inere saTV Tokyo
TakboOktubre 7, 2021 – Hunyo 23, 2022
Bilang24
 Portada ng Anime at Manga

Isang seryeng drama na nilalaman ng walong kabanata ang ipinalabas sa NHK General TV mula Setyembre hanggang Nobyembre 2021. [4] Isang anime na adaptasyon ng OLM ang ipinalabas sa bansang Hapon mula Oktubre hanggang Desyembre 2021. Ang Netflix naman ang may lisensya sa pagpalabas nito sa buong mundo mula Oktubre 2021 hanggang Enero 2022. [5] Ang pangalawang season ng anime ay ipinalabas mula Abril 7 hanggang Hunyo 23, 2022 sa bansang Hapon, habang noong Abril 27 naman ipinalabas ito sa Netflix. [6]

Nanalo ang Komi Can't Communicate sa 67th Shogakukan Manga Award para sa kategoryang shōnen. [7]

Publikasyon

baguhin

Ang Komi Can't Communicate ay isinulat at iginuhit ni Tomohito Oda. Bago maging serye, isang one-shot na kabanata ang nailimbag sa Weekly Shōnen Sunday ng Shogakukan noong Setyembre 16, 2015;[8][9] nagumpisa ang pagsaserye sa kaparehong magasin noong Mayo 18, 2016.[10] Kinokolekta naman ng Shogakukan ang mga kabanata para gawing mga indibidwal na tomo ng tankōbon. Nailimbag ang unang tomo noong Setyembre 16 2016.[11] Mayroong dalawampu't limang tomo ang nailimbag nitong Abril 18, 2022.[12]

Noong Nobyembre 2018, inanunsyo ng Viz Media sa kanilang panel sa Anime NYC ang pagkuha sa lisensya sa pagpalimbag ng manga.[13] Ipinalabas ang unang tomo sa Hilagang Amerika noong Hunyo 11, 2019.[14] Ang manga ay lisensyado ng Shogakukan Asia sa Timog Silangang Asya,[15] ng Chingwing Publishing Group sa Taiwan,[16] ng SomyMedia sa Timog Korea,[17] ng Luckpim sa Thailand,[18] ng Elex Media Komputindo sa Indonesia,[19] ng Kim Đồng Publishing House sa Vietnam,[20] ng Pika Édition sa Pransiya,[21] ng Tokyopop sa Alemanya,[22] ng J-Pop sa Italya,[23] ng Editorial Ivrea sa Argentina at Espanya,[24] at ng Panini Comics sa Brazil at Mexico.

Mga Sanggunian

baguhin
  1. "VIZ MEDIA ANNOUNCES NEW PUBLISHING ACQUISITIONS AT ANIME NYC 2018". Viz Media. November 19, 2018. Inarkibo mula sa orihinal noong December 9, 2018. Nakuha noong December 8, 2018.
  2. サンデー発ラブコメ4作品の新刊フェア開催 「おまえら早く付き合っちゃえよ」CM&PV公開. Oricon (sa wikang Japanese). June 18, 2019. Inarkibo mula sa orihinal noong October 17, 2019. Nakuha noong June 22, 2020.
  3. Goslin, Austen (May 11, 2021). "Komi Can't Communicate's newly announced anime already has a trailer". Polygon. Inarkibo mula sa orihinal noong May 11, 2021. Nakuha noong May 11, 2021.
  4. "Komi Can't Communicate Manga Gets Live-Action Series on September 6". Anime News Network (sa wikang English). Nakuha noong 2022-07-05.
  5. "Netflix Debuts Komi Can't Communicate Anime on October 21 With Weekly Stream Outside Japan". Anime News Network (sa wikang English). Nakuha noong 2022-07-05.
  6. Robinson, Jacob (2022-03-17). "'Komi Can't Communicate' Season 2: Coming to Netflix in April 2022 & What We Know So Far". What's on Netflix (sa wikang English). Nakuha noong 2022-07-05.
  7. "Komi Can't Communicate, My Love Mix-Up!, Do not say mystery Manga Win 67th Shogakukan Manga Awards". Anime News Network (sa wikang English). Nakuha noong 2022-07-05.
  8. "週刊少年サンデー:手始めに読み切り5作品 新人・若手の新連載は来月から". MANTANWEB(まんたんウェブ) (sa wikang Japanese). Nakuha noong 2022-07-10.
  9. Inc, Natasha. "サンデーにて新鋭の読み切り連弾企画、第1弾にはコミュ症の美少女が登場". コミックナタリー (sa wikang Japanese). Nakuha noong 2022-07-10. {{cite web}}: |last= has generic name (tulong)
  10. Inc, Natasha. "「だがしかし」描き下ろしブロマイドがサンデーに!全サ、コミュ症の新連載も". コミックナタリー (sa wikang Japanese). Nakuha noong 2022-07-10. {{cite web}}: |last= has generic name (tulong)
  11. Inc, Natasha. "美少女なのにコミュ症?サンデー発、オダトモヒトが描く学園生活コメディ". コミックナタリー (sa wikang Japanese). Nakuha noong 2022-07-10. {{cite web}}: |last= has generic name (tulong)
  12. "古見さんは、コミュ症です。 25 | オダトモヒト | 【試し読みあり】 – 小学館コミック". shogakukan-comic.jp (sa wikang Japanese). Nakuha noong 2022-07-10.
  13. "Viz Media Licenses My Hero Academia: Smash!!, Komi Can't Communicate, Beastars Manga". Anime News Network (sa wikang English). Nakuha noong 2022-07-10.
  14. "VIZ: Read a Free Preview of Komi Can't Communicate, Vol. 1". www.viz.com (sa wikang American English). Nakuha noong 2022-07-10.
  15. "Shogakukan Asia Licenses Komi Can't Communicate Manga for Southeast Asia". Anime News Network (sa wikang English). Nakuha noong 2022-07-10.
  16. "【新書書單】青文出版社2018年2月預定出書表". 青文出版-讀享娛樂‧領導流行 (sa wikang Chinese (Taiwan)). Nakuha noong 2022-07-10.
  17. Twitter https://twitter.com/SomyMedia/status/927756987621826562. Nakuha noong Hulyo 10, 2022. {{cite web}}: Missing or empty |title= (tulong)
  18. Content, Qube Digital. "MangaQube". MangaQube (sa wikang Thai). Inarkibo mula sa orihinal noong 2020-11-28. Nakuha noong 2022-07-10.
  19. "Elex Media Licenses Tomohito Oda's Komi Can't Communicate Manga". Anime News Network (sa wikang English). Nakuha noong 2022-07-10.
  20. "Komi - Nữ thần sợ giao tiếp - Tập 1". Nhà xuất bản Kim Đồng (sa wikang Vietnamese). Nakuha noong 2022-07-10.[patay na link]
  21. "Le manga Komi cherche ses mots annoncé par Pika !, 06 Avril 2022". manga-news.com (sa wikang French). Nakuha noong 2022-07-10.
  22. GmbH, TOKYOPOP. "Komi can't communicate". Tokyopop (sa wikang German). Nakuha noong 2022-07-10.
  23. "J-POP Manga annuncia 11 nuovi manga e novel". J-Pop. Agosto 8, 2020. Inarkibo mula sa orihinal noong Hunyo 2, 2021. Nakuha noong Hulyo 10, 2022.
  24. "Estos son los 12 nuevos títulos que IVREA va a publicar en Argentina". Ivreality - El blog de Ivrea Argentina (sa wikang Spanish). 2021-03-19. Nakuha noong 2022-07-10.