Komiks (magasin o aklat)

Ang aklat o magasin na komiks ay isang paglalathala na naglalaman ng sining ng komiks sa anyong guhit-larawan na sinasalaysay at naaayos ng may pagkakasunud-sunod sa mga panel. Ang mga panel ay kadalasang may kasamang naglalarawang prosa at nakasulat na salaysay, kadalasan, ang salitaan ay nasa lobong tulad na nasa sining ng komiks. Bagaman may ilang pinagmulan ang komiks sa ika-18 siglong Hapon, naging popular ang aklat o magasin na komiks sa Estados Unidos at Reino Unido noong dekada 1930. Ang unang makabagong aklat o magasin na komiks, ang Famous Funnies, ay nilabas sa Estados Unidos noong 1933 at ito ay isang muling paglilimbag ng naunang katatawanang istrip ng komiks sa pahayagan, na naitatag ang mga kaparaanan sa pagkukuwento na ginagamit sa komiks.[1] Sa wikang Ingles, hinango ang katawagang comic book mula sa mga Amerikanong aklat ng komiks na una naging isang pagtitipon ng mga istrip ng komiks na katatawanan; bagaman, napalitan ang kasanayan na ito sa pamamagitan ng pagtampok ng kuwento sa lahat ng uri, kadalasang hindi nakakatawa.

Mga aklat o magasin na komiks na pinapakita sa isang museo.

Mga sanggunian

baguhin
  1. A History of the Comic Book Naka-arkibo 2013-05-25 sa Wayback Machine.. Hinango noong 16 Hulyo 2014 (sa Ingles).
Tingnan ang katumbas na artikulo sa Wikipediang Ingles para sa mas malawak na pagtalakay ng paksang ito.