Pisikang pangkomputasyon
Ang pisikang pangkomputasyon o pisikang komputasyunal (Ingles: computational physics) ay ang pag-aaral at implementasyon ng algoritmong numerikal upang lutasin ang mga suliranin sa pisika kung saan ang isang teoriyang kuwantitatibo ay umiiral na. Kadalasan itong itinuturing bilang isang subdisiplina ng pisikang teoretikal subalit may ilang mga tao na isinasaalang-alang ito bilang isang panggitnang sangay na nasa pagitan ng pisikang teoretikal at pisikang eksperimental.
Sa kadalasan, ang mga pisiko ay mayroong isang napaka tumpak na teoriyang pangmatematika na naglalarawan sa kung paanong mag-aasal ang isang sistema. Sa kasawiang-palad, kadalasan itong isang pagkakataon na hindi praktikal na lutasin ang mga ekwasyon ng teoriya sa paraang ab initio upang makagawa ng isang magagamit na hula o prediksiyon. Ito ay natatanging totoo sa mekanika ng kabuoan (mekanikang kuwantum), kung saan sandakot na payak mga modelo ang nagpapapasok ng mga kalutasan o solusyong analitiko na nasa anyong nakasara. Sa mga kalagayan na ang mga ekwasyon ay maaaring malutas lamang sa pamamagitan ng pagtataya, kadalasang ginagamit ang mga metodong pangkomputasyon.
Ang lathalaing ito na tungkol sa Pisika at Matematika ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.