Tala ng mga pariralang Latin

(Idinirekta mula sa Ab initio)

Ang sumusunod ay isang talâ ng mga pariralang Latin.

ab aeterno
"mula sa simula ng panahon"
ab imo pectore
"mula sa kaibuturan ng puso"
ab incunabulis
"mula sa duyan"
ab initio
"mula sa simula"
absente reo
Sa batas: "sa kawalan ng nasasakdal" o "sa kawalan ng presensiya ng nasasakdal."
absit invidia
"hindi intensiyon ang makasakit." Sa kolokyal na paggamit ito ay pinasikat ng linyang "walang personalan, trabaho lang" at "bato bato sa langit, ang tama ay wag magagalit."
a capite ad calcem
"mula ulo hanggang paa." Sa madalíng salita, "buong pagkatao" ang tinutukoy nito.
A cruce salus
Sa Kristiyanismo at Katolisismo: "mula sa Krus ang ating kaligtasan". Sa ibang anyo at pagkakalikha ito ay nangangahulugan din ng "ng dahil sa Krus tayo ay naligtas".
Acte est fabula
"tapos na ang palabas". Kung ang isang tao ay nabubuking o nahuhúli sa akto ng pag-arte o pagpanggap o pagkakanulo siya ay sinasabihan, kadalasan sa mga pelikula, ng "tapos na ang palabas".
Anno Domini
"sa taon ng Diyos" o "sa kapanahunan ng Diyos". Ito rin ay malawakang ginagamit sa pagtatalâ ng kapanahunan. Kabalikan nito ay ang BC o "Before Christ"
Ad absurdum
Sa batas: "punto ng kapaluhan o katatawanan". Hindi tinatanggap ng korte ang mga argumento na umaabot sa puntong ito.
Addendum
Sa pagsulat: "mga bagay na nararapat idagdag o iragdag".
ad hominem
Sa batas at lohiko, ang argumento laban sa tao. Ito ay isang uri ng "fallacy" na tumitíra sa pagkatao ng nasasakdal, ng tagapagtanggol, o ng kadebate, imbes na tuunan ng pansin ang punto de vista ng mga nabanggit.
Ad infinitum
Sa matematika, astronomiya, pisika at termodaynamiko: "walang hangganan".
Ad interim
Sa politika: "pansamantala". Sa panahon ng pagkakasagupa o digmaan, hinahawakan ng panalong parte ang bansa o teritoryo at nagbubuo sila ng "Interim Government" o "pansamantalang pamahalaan".
Ad lib
Sa musika: "sa kagustuhan ng isa". Sa panahon ng pagkakalimot ng linya o dahil na rin sa kagustuhan ng ibang mangaawit, pinapalitan nila ang linya o mga piyesa ng awitin sa kahit anong salitang kanilang naiisipan. Kadalasan ito ay 'di sinasadyang insidente. Mula ito sa pinaikling ad libitum.
Adsum
"narito ako"
Advocatus diaboli
"Devil's advocate". Tumutukoy isto sa isang tao, habang nasa gitna ng argumento o debate, ay pumapanig sa isang posisyon na hindi naman talaga nila sinasang-ayunan, para is someone who, given a certain argument, takes a position they do not necessarily agree with (or simply an alternative position from the accepted norm), para lámang magkaroon ng argumento o para palawakin pa lalo ang kaisipan.
Agnus Dei
Sa relihiyon: "Kordero ng Diyos".
alibi
"nasa ibang lugar." Sa batas, ito ay nangangahulugang "palusot". Ayon sa batas, ang kawalan ng "palusot" sa panahon ng krimen, ay indikasyon ng pagkakasangkot sa nasabing krimen.
Alma mater
"nagpalaking ina". Isinasalin sa Tagalog bilang inang diwa. Sa modernong paggamit, ito ay nangangahulugang "Paaralang pinagtapusan". Ang paaralan ay analohiya ng "ina" na siyang "nagbigay" ng "kaalaman" sa mga bagay na dapat malaman ng isang "anak". Ang anak sa gamit na ito ay tumutukoy sa mga mag-aaral o estudyante.
Alter ego
Sa sikolohiya: "ibang pagkatao". Ayon sa pag-aaral ang ibang bata, maging ang matatanda ay nagkakaroon ng alter ego bilang mekanismo o proteksiyon nila sa kanilang sarili. Kung ang o mga alter ego-ng ito ay nakakaapekto sa pang-araw araw na pamumuhay ng taong nasasangkot, kadalasay nasusuri ito bilang karamdaman na tinatawag na "Multiple Personality Disorder".
Ante meridiem
"bago magtanghali". Pagpinaiksi sa Ingles, ito ay nagiging a.m. na katumbas naman ng sa Filipino na n.u. o "ng umaga"
amicus curiae
Sa batas: "kaibigan o mga kaibigan ng Korte".
A posse ad esse
(Ingles) "from possibility to actuality". Sa sulatin ni Santo Tomas De Aquino (Saint Thomas Aquinas), hindi mapangyayari ang aktuwalidad mula sa isa pang posibilidad, kung hindi sa tulong ng isang aktuwal na personalidad — ang Diyos.
Ars gratia artis
(Ingles) "arts for arts' sake".
Artium baccalaureus
(Ingles) Bachelor of Arts. Pinapaiksi ang katagang ito sa paraang BA o AB.
Artium magister
(Ingles) "Master of Arts". Nakakamit ito matapos ang karagdagang pagaaral matapos ang makuha ang bachelor of arts.
Ave atque vale
(Ingles) "Hello and goodbye". Kadalasan itong napangyayari sa pagkakataon ng pagkikita at kawalan ng kapanahunan upang makapaghuntahan.
Ave Maria
Aba Ginoong Maria
Carpe diem
(Ingles) "Seize the Day". Huwag ipakawalan ang opportunidad.
Caveat emptor
(Ingles) "Let the buyer beware." Isang payo para sa mga mamimíli.
Cogito ergo sum
(Ingles) "I think, therefore I am.". Ang sinabi ng pilosopong si Descarte na pruweba ng eksistensiya.
Et tu Brutus?
"At ikaw (rin) Brutus?" Ayon sa dula ni William Shakespeare, ito ang sinabi ni Julius Caesar nang makita niya si Brutus na kasámsa sa mga nagtraydor at pumatay sa kaniya.
Habeas corpus
"Dapat may katawan ka (ng suspect)" Isang prinsipyo sa batas na ang titulo nakompleto ay "Writ of Habeas Corpus" na hindi basta lang i-detain o i-condemn kung walang documento("Writ" ) sa pag-arrest o fair trail o wala ang suspek mismo.
Hannibal ad portas
"Si Hannibal ay nasa tarangkahan." Ginagamit para sa nagbabadyang panganib. Noong ika-2 dantaon BC, si Hannibal ay kinatakutan ng mga Romano dahil sa pag-atake nitosa Roma kayâ itinuring nila itong parang "bogeyman". Ang resulta nito ay ginamit ng mga magulang ito upang takutin ang mga makulit na bata na si Hannibal ay nasa tarangkahan na, upang magtino ang mga ito.
In nomine patris
"Sa ngalan ng Ama."
Noli Me Tangere
"Wag mo akong salingin." Ang pamagat ng nobela ni Jose Rizal. Ang sinabi ni Hesukristo kay Maria Magdalena pagkatapos niyang mabuhay muli.
Non sequitur...
"Porke ganun sya, hindi ibig sabihn na..."
Pater Noster
Ama Namin
Veritas
Katotohanan.
Vox populi
Naniniwala ang mga experto sa agham pampolitika sa kasabihang "vox populi, vox dei." Kapag isinalin sa wikang Filipino, ang ibig sabihin nito ay “Tinig ng taumbayan, tinig ng Diyos!” Ang vox populi ay "tinig ng taumbayan". Ginamit itong argumentong retorikal laban sa napatalsik na dáting Pangulong Joseph Ejercito Estrada.
vox populi, vox dei
"Tinig ng taumbayan, tinig ng Diyos!"