Ina

Babaeng Magulang

Ang ina (Ingles: mother)[1] ay ang babaeng magulang ng anumang uri ng anak o supling. Karamihan sa mga hayop, kabilang ang mga tao, ang ipinanganak mula sa isang ina at sa isang ama dahil sa kanilang pag-ibig at pagtatalik. Ang ina ang nagdadalangtao at nagluluwal ng sanggol. Tinatawag na ina sa batas o biyenang babae ang ina ng asawa ng isang tao.

Isang ina at kanyang anak sa Ifugao, Pilipinas. Isa itong litratong kuha noong 1917.

Sa ilang mga kultura, nangangahulugang "pinuno" ang ina. Paminsan-minsang tinataguriang mga Ama ang mga tagapagtatag ng o manlilikha ng isang larangan o imbensiyon. Ginagamit din ang madre[1] (mula sa wikang Kastila na may ibig sabihing "ina") bilang pamagat o katawagan para sa mga madreng Katoliko. Nagiging tawag na paggalang sa may edad na babae ang "ina".[1]

Katumbas ang ina ng ima, nanay, mama, inang, at inay.[1]

Tinatawag na ina sa turing ang isang ina-inahan o hindi tunay na ina, kinikilalang ina bagaman pangalawa o naging tinuturing na "ina" dahil sa muling pag-aasawa ng tunay na ama.

Tingnan din

baguhin

Mga sanggunian

baguhin
  1. 1.0 1.1 1.2 1.3 Gaboy, Luciano L. Mother - Gabby's Dictionary: Praktikal na Talahuluganang Ingles-Filipino ni Gabby/Gabby's Practical English-Filipino Dictionary, GabbyDictionary.com.


  Ang lathalaing ito na tungkol sa Tao ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.