Asawa

Kabiyak sa isang kasal o unyon

Ang asawa (mula sa Sanskrito: स्वामी [svāmī]) ay ang walang-kasariang katawagan para sa esposo o asawang lalaki o kaya para sa esposa o asawang babae. Ngunit maaari ring tumukoy sa isang kasama o kinakasama sa buhay.[1] Iba pang taguri sa asawa ang pagiging kabiyak, maybahay (kung babae), ina ng mga bata, ginang (ng tahanan), misis (ng mister), lakay (kung lalaki), bana (kapag lalaki), ama ng mga bata, mister (ng misis).[2]

Isang masayang mag asawa nasa pilipinas.
Larawan ng mag-asawang nasa Haiti.

Kaugnay ito ng salitang mag-asawa na tumutukoy sa pagpapakasal o kaya sa isang pares[3] ng mga tao na nagsasama dahil sa kasal o matrimonyo.

Sa Bibliya

baguhin

Kaugnay ng Kristiyanismo, inilalarawan si Hesus bilang ang "esposo ng Iglesya" o "esposo ng Simbahan", at ang "kaibigan ng esposo" (ang kaibigan ni Hesus) ay si Juan Bautista. Ito ang paliwanag ni Jose C. Abriol na nasa Ebanghelyo ni Juan (Juan 3:29).[4] Sa Bagong Tipan ng Bibliya, sa Unang Sulat sa mga taga-Corinto (1 Corinto 7:36-38), binabanggit na makapaglilingkod na lalong mabuti ang taong walang asawa kaysa may-asawa, na dahil kung bakit ipinagbabawal ng Simbahang Katoliko o ng Iglesya Katolika ang pag-aasawa ng mga pari. Gayundin sa Ebanghelyo ni Mateo (Mateo 19:10-12), kung saan pinangangaral na mas mabuti pa ang di-pag-aasawa kaysa buhay-may-asawa kapag isinasagawa alang-alang sa Diyos.[4]

Tingnan din

baguhin

Mga sanggunian

baguhin
  1. Blake, Matthew (2008). "Asawa, spouse; asawang lalake, husband; asawang babae, wife; kasama, consort". Tagalog English Dictionary-English Tagalog Dictionary. Bansa.org.{{cite ensiklopedya}}: CS1 maint: date auto-translated (link), nasa Asawa Naka-arkibo 2016-03-06 sa Wayback Machine..
  2. Gaboy, Luciano L. Spouse - Gabby's Dictionary: Praktikal na Talahuluganang Ingles-Filipino ni Gabby/Gabby's Practical English-Filipino Dictionary, GabbyDictionary.com.
  3. Gaboy, Luciano L. Couple, isang pares]] - Gabby's Dictionary: Praktikal na Talahuluganang Ingles-Filipino ni Gabby/Gabby's Practical English-Filipino Dictionary, GabbyDictionary.com.
  4. 4.0 4.1 Abriol, Jose C. (2000). "Esposo, kaibigan ng esposo, esposo ng Iglesya, Hesus; walang asawa, pag-aasawa, di-pag-aasawa". Ang Banal na Biblia, Natatanging Edisyon, Jubileo A.D. Paulines Publishing House/Daughters of St. Paul (Lungsod ng Pasay) ISBN 9715901077.{{cite ensiklopedya}}: CS1 maint: date auto-translated (link), talababa 29, 10-12, at 32-34, pahina 1460, 1563, at 1672.

  Ang lathalaing ito na tungkol sa Tao ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.