Pag-aasawa
- Para sa seremonya ng kasal, tingnan ang Kasal (seremonya).
Ang kasal ay isang pakikipag-ugnayan at sa pagitan ng mga indibiduwal. Ang kasal ay maaaring tumukoy sa sibil na kasal o relihiyosong kasal.
Sibil na pagpapakasal
baguhinAng sibil na pagpapakasal ay kasal na pinapahintulutan ng gobyerno ng isang bansa. Kaakibat ng sibil na kasal ay pagkakaroon ng mga legal na kasunduan, benepisyo at legal na proteksiyon sa mga ikinasal. Bawat bansa ay may kanya-kanyang mga batas sa sibil na pagpapakasal. Ang sibil na pagkakasal ay maaaring gawin ng isang huwes o isang politiko gaya ng mayor at iba pa. Ang opisyal na dokumentong nagpapatunay na sibil ng ikinasal ang mag-asawa ay tinatawag na "sertipiko ng kasal" o katibayan ng kasal.
Relihiyosong pagpapakasal
baguhinAng relihiyosong pagpapakasal ay kasunduan ayon sa relihiyon ng nagpapakasal. Ang relihiyosong pagpakasal ay ginagawa pagkatapos, bago o kasabay ng sibil na pagpakasal(civil marriage). Ang bawat relihiyon ay may kanya kanya paniniwala sa kasal at may iba iba ring kinakagawian sa pagsasagawa sa seremonya ng kasal. Sa katoliko ang mga ritwal ng katolikong pagkakasal(catholic wedding) ay ginagawa ng isang pari. Sa Hudaismo ay ginagawa ng rabbi. Sa Wicca ay ginagawa ng paring Wiccano.
Ang Torah ay may mga ilang regulasyon sa paglahok sa isang poligamiyang kasal o pagsasama. Kabilang sa mga karakter sa Lumang Tipan na mayroon maraming asawa si Abraham(ama ng Hudaismo), Jacob, David, Solomon (na may 700 asawa, mga prinsesa, at 300 kabit), Lamech, Esau, Gideon, Saul, Rehoboam, Elkanah, Ashur, Abijah and Jehoiada. Ayon sa Exodo 21:10, ang pagpapakasal sa maraming asawa ay hindi dapat magpabawas sa karapatan ng unang asawa gaya ng karapatan sa pagkain, pananamit, at mga ugnayan ng mag-asawa. Ayon sa Deuteronomyo 21:15–17, ang isang lalake ay dapat magbigay ng pamana sa unang anak na lalake kahit kinapopootan ng lalake ang ina ng batang ito at mas mahal niya ang ibang mga asawa.[1] Ayon sa Deuteronomyo 17:17, ang isang hari, ay hindi dapat magkaroon ng sobrang daming asawa.[2] Ang pag-aasal ng hari ay kinondena ni propeta Samuel(1Samuel 8). Ang Exodo 21:10 ay nagpapatungkol sa mga "kabit" (concubine) na Hudyo.
Poligamiya sa Islam
baguhinAng poligamiyang kasal ay pinapayagan sa Islam. Ang tagapagtatag ng Islam na si Muhammad ay ikinasal sa labintatlong babae. Kabilang sa asawa ni Muhammad ang siyam na taong gulang na batang babae na si Aisha. Ang gawaing ito ay karaniwang matatagpuan sa Islamikong bansa na Saudi Arabia, sa Kanluran at Silangang Aprika at iba pa.
Diborsiyo o pagpapawalang bisa ng kasal
baguhinKung ang mag-asawa ay nagnais ng maghiwalay, ang sibil na pagpapakasal ay pwedeng ipawalang bisa sa pamamagitan ng diborsiyo o annulment. Ang karaniwang dahilan ng paghihiwalay ay hindi pagkakasunduan(irreconcilable differences), pangangalunya, emosyonal at sikolohikal na pang-aabuso, pagkabagot at pagkasawa sa asawa.
Mga sanggunian
baguhin- ↑ Deuteronomy 21:15–17 Naka-arkibo 2006-10-03 sa Wayback Machine. from mechon-mamre.org
- ↑ Judaica Press Complete Tanach, Devarim - Kabanata 17 mula sa Chabad.org