Komunikasyong gamit ang kompyuter
Tulungang mapabuti po ito sa pamamagitan ng pagdagdag ng mga pagsipi sa mga sangguniang mapagkakatiwalaan. Tandaan lamang po na maaari pong mapagdudahan at matanggal ang mga hindi beripikadong nilalaman. |
Ang Komunikasyong gamit ang kompyuter o Computer-Mediated Communication (CMC) sa Ingles ay anumang anyo ng pakikipagtalastasan sa pagitan ng dalawa o higit pa na mga indibiduwal na mga tao na nakikipagusap at/o nagbibigay ng impluwensiya sa bawat isa sa pamamagitan ng magkahiwalay na mga kompyuter. Hindi kabilang dito ang mga pamamaraan na kung saan nag-uusap ang dalawang kompyuter, sa halip kung papaano makipagtalastasan ang mga tao na gamit ang kompyuter.
Mas karaniwang tumutukoy ang CMC sa mga koleksiyon ng e-mail, video, audio o text na pagpupulong, mga bulletin board, mga list server, instant messaging, at mga multi-player video game.
Kabilang sa maibubunga ng pagpalit ng komunikasyon na mas ginagamit ang kompyuter na anyo ang binagong: pagbubuo ng impresyon, paglinlang at pagsisinungaling na pag-uugali, daynamikong grupo, di pagpipigil at lalo na ang pagbubuo ng ugnayan.
Sinusuri ang CMC gamit ang tatlong pangunahing aspeto ng kahit anumang anyo ng pakikipagtalastasan, na binabago sa pamamagitan ng medium na ginamit; pagsasabay (synchronicity), pananatili (persistence), at pagtatago ng pagkakakilanlan (anonymity) ang mga aspetong ito. Nagbabago ng malawak ang bawat aspeto para sa iba't ibang anyo ng komunikasyon. Maaari na mataas na mangyari ng sabay ang instant messaging, samantalang di nanatili. Mababa naman na maging sabay ang mga message board, ngunit mataas ang pananatili. Mas nakadepende ang pagiging di kilala sa konteksto at partikular na programa/pahinang web na ginagamit. Mahalagang tandaan ang mga sikolohikal at panlipunang implikasyon ng mga sangkap na ito, sa halip na pagpokus lamang sa mga teknikal na limitasyon.
Sa kasalukuyan, isa sa mga pangunahing paliwanag para sa maraming epekto sa CMS ay ang Hyper-Personal Model na binuo ni Joseph Walther ng Unibersidad ng Cornell.
Mga kawing panlabas
baguhin- Communications @ sourceforge.net Naka-arkibo 2001-11-02 sa Wayback Machine.
- Dmoz.org Naka-arkibo 2005-02-07 sa Wayback Machine.