Ang Cavia porcellus, kuyo o konehilyo (mula sa Kastila: conejillo de indias; Ingles: guinea pig) ay isang uri ng daga. Sa kabila ng kanilang pangalan, ang mga ito ay hindi kabilang sa pamilya ng mga baboy, ni galing sa Guinea. Ang kanilang pinagmulan ay sa kabundukan ng Andes sa Timog Amerika.

Mga kuyo

Ang mga dagang ito ay bahagi ng sinaunang kultura[1] ng mga katutubong tribu sa Timog Amerika, lalo na bilang pagkain, at pati na rin sa panggagamot at pagdarasal.

Sa mga lipunang Kanluranin, ang mga ito ay bantog sa mga kabataan bilang alaga sa bahay simula noong pagdala sa mga ito ng mga Europeong mangangalakal noong ika-16 siglo. Ang kanilang maamong katangian, kasiglahan at kadalian sa pag-aalaga ay siyang nagdudulot ng kasikatan sa kuyo bilang alaga.

Ang paggamit ng mga kuyo sa pagsasaliksik pang-agham ay nagsimula noon pang ika-17 siglo. Ang mga ito kadalasang ginagamit bilang "halimbawang nilalang" noong ika-19 at 20 siglo, na siyang pinanggalingan ng katagang guinea pig sa pagtukoy sa anumang sinusubukan, ngunit napalitan na ang mga ito ng ibang mga daga gaya ng mga bubuwit.

Mga sanggunian

baguhin
  1. Morales, Edmundo (1995). The Guinea Pig: Healing, Food, and Ritual in the Andes. University of Arizona Press.

  Ang lathalaing ito na tungkol sa Mamalya ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.