Halaga ng R

[1]

Yunit

(V P T −1n−1)

8.3144598(48) J K−1 mol−1
8.3144598(48) kJ K−1 kmol−1
8.3144598(48)×107 erg K−1 mol−1
8.3144598(48)×10−3 amu (km/s)2 K−1
8.3144598(48) L kPa K−1 mol−1
8.3144598(48)×103 cm3 kPa K−1 mol−1
8.3144598(48) m3 Pa K−1 mol−1
8.3144598(48) cm3 MPa K−1 mol−1
8.3144598(48)×10−5 m3 bar K−1 mol−1
8.3144598(48)×10−2 L bar K−1 mol−1
62.363577(36) L Torr K−1 mol−1
1.9872036(11) calth K−1 mol−1
0.082057338(47) L atm K−1 mol−1
82.057338(47) cm3  atm K−1 mol−1

Ang konstant ng gas (Ingles, gas constant) ay isang pisikal na konstant na tampok sa maraminng mga tumabasang makikita sa agham pisikal, tulad ng batas ng ideyal na gas at tumbasang Nernst.

Katumbas ito ng konstant na Boltzmann, ngunit nakapahayag sa yunit ng enerhiya kada pagbabago ng temperatura kada mole (sa halip na enerhiya kada pagbabago ng temperatura kada partikula). Ang konstant ng gas ay isang kumbinasyon ng mga konstant mula sa batas ni Boyle, batas ni Charles, batas ni Avogadro, at batas nina Gay-Lussac.

Sa isang pisikal na interpretasyon, ang konstant ng gas ay isang konstant ng proporsyon na nag-uugnay sa iskalang enerhiya sa iskalang temperatura, kung saan ipinagpapalagay ang isang mole ng partikula sa itinakdang temperatura. Dahil dito, ang halaga ng konstant ng gas ay, sa katotohanan, nanggaling sa mga pangyayaring nagdulot sa iskalang enerhiya at temperatura, at pati na rin sa iskalang molar.

Ang konstant ng gas ay nagkakahalaga ng

8.3144598(48) J mol-1 K-1[1]

Ang dalawang numerong nakapaloob sa panaklong ay ang standard deviation sa huling dalawang digit ng halaga. Ang relatibong di-katiyakan nito ay 5.7×10−7.[2][3]

Ang konstant ng gas ay makikita sa batas ng ideyal na gas:

kung saan ang P ay ang ganap na presyon (SI yunit: pascals), V ay ang bolyum ng gas (SI yunit: kubiko metro), n ay ang dami ng gas (SI yunit: mole), m ay ang masa (SI yunit: kilogram) na nakapaloob sa V, at T ay ang temperatura (SI yunit: kelvin). Ang yunit ng konstant ng gas ay katulad ng yunit ng entropiyang molar at ng molar na kapasidad ng init.

Yunit ng R

baguhin

Mula sa tumbasang PV = nRT makukuha ang:

 

kung saan ang P ay presyon, V ay bolyum ng gas, ang n ay bilang ng mga mole ng isang espesye, at T ay ang temperatura.

Dahil ang presyon ay naka-define bilang yunit ng puwersa kada yunit ng lawak, ang tumbasan ay maaari ring isaad bilang:

 

Ang yunit ng lawak at bolyum ay (haba)2 at (haba)3. Samakatuwid:

 

Dahil ang yunit ng trabaho ay puwersa × haba:

 

Mga sanggunian

baguhin
  1. "CODATA Value: molar gas constant".
  2. Jensen, William B. (Hulyo 2003). "The Universal Gas Constant R". J. Chem. Educ. 80 (7): 731. Bibcode:2003JChEd..80..731J. doi:10.1021/ed080p731.{{cite journal}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  3. "Ask the Historian: The Universal Gas Constant — Why is it represented by the letter R?" (PDF).