Kontra-Reporma
Ang Kontra-Repormasyon o Kontra-Reporma ay isang kilusan sa loob ng Simbahang Katoliko Romano na ang pangunahing layunin ay ang baguhin, pabutihin, o muling hubugin at painamin ang Simbahang Katoliko Romano. Nagsimula ito noong dekada ng 1500. Ang unang kapanahunan nito ay ang tinatawag na Repormang Katoliko o Repormasyong Katoliko. Nagkaroon ito ng maraming mga katampukan. Sinakop nito ang sumusunod na limang mga pook o mga paksa:
- Doktrina
- Rekumpigurasyong Eklesiyastikal o Pangkayarian (Istruktural)
- Mga Ordeng Relihiyoso
- Mga Kilisuang Espiritwal
- Mga Dimensiyang Pampolitika
Nagsimula ang Kontra-Reporma pagkaraan ng repormasyon ni Martin Luther, na gumawa ng maraming mga Simbahang Protestante. Bilang reaksiyon o pagtugon sa reporma ni Martin Luther, nagsagawa ang mga Katoliko ng dalawang mga bagay. Dinagdagan ng mga Katoliko ang kanilang pagpupunyagi, at pinagdiinan din nila ang ilang mga punto ng pananampalataya at paniniwala na inilagay sa panganib ng mga pagtutol ng mga Protestante.
Tingnan din
baguhin
Ang lathalaing ito na tungkol sa Pananampalataya, Kristiyanismo at Katolisismo ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.