Krus ni Magallanes

Pangkristiyanong krus sa Lungsod Cebu

Ang Krus ni Magallanes o Krus ni Magellan (Ingles: Magellan's Cross) ay isang Kristyanong krus na tinanim ng mga manggagalugad na Portuges at Espanyol na pinangunahan ni Fernando de Magallanes nang marating nila ang Cebu sa Pilipinas noong 15 Marso 1521 (depende sa pinagmulan).

Kasaysayan

baguhin

Ang krus ay nasaloob ng isang kapilya katabi ng Basilica Minore del Santo Niño sa Kalyeng Magallanes, sa harapan lamang ng sentro ng Lungsod ng Cebu. Sa isang pananda sa ilalim ng krus ay nagsasaad na ang orihinal na krus ay nasa loob ng isang kahoy na krus na nasa gitnang bahagi ng kapilya. Ito ay upang protektahan ang krus mula sa mga taong tumatapyas ng bahagi ng krus para sa. It ay para protektahan ang orihinal na krus mula sa mga taong nais kunin ang mga bahagi ng krus bilang subenir o naman sa paniniwala na milagroso ang krus.[1]

Ngunit naniniwala ang ilan, na ang orihinal na krus ay nawasak o nawala pagkatapos ng pagkamatay ni Magallanes at ang krus ay isang replika lamang na itinanim ng mga Espanyol matapos tuluyang masakop ng mga Espanyol ang Pilipinas.[2][3]

Gallerya

baguhin
 
Ang gusali na pinamamahayan ng Krus ni Magallanes
 
Ang pasukan
 
Pananda sa paanan ng krus

Mga Sanggunian

baguhin
  1. Magellan's Cross
  2. Magellan's Cross in downtown Cebu City | Cebu Living
  3. "Magellans Cross Cebu,Magellans Cross Cebu Philippines". Inarkibo mula sa orihinal noong 2009-04-27. Nakuha noong 2015-07-21.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)

10°17′35.9″N 123°54′6.5″E / 10.293306°N 123.901806°E / 10.293306; 123.901806