Kubiko na punsiyon
Ang kubikong punsiyon (cubic function) ay punsiyon na may anyong:
kung saan ang a ay hindi sero, o sa ibang salita ay isang polinomial na may digring tatlo. Ang deribatibo ng isang kubikong punsiyon ay isang kwadratikong punsiyon. Ang integral ng isang kubikong punsiyon ay isang kwartiko na punsiyon.
Kung itatakda ang ƒ(x) = 0 at ipagpalagay na ang a ≠ 0 ito ay bumubuo ng isang kubikong ekwasyon na may anyong:
Karaniwan sa mga koepisyente na a, b,c, d ay mga real na bilang. Ang paglutas ng isang kubikong ekwasyon ay paghahanap ng mga ugat o sero ng kubikong punsiyon. May dalawang paraan upang lutasin ang isang kubikong punsiyon. Ang isang paraan ay ihayag ang mga ugat bilang pormula ng mga simpleng punsiyon gaya ng ugat ng kwadrado o ugat ng kubiko. Ang isa pang paraan ay paggamit ng aproksimasyong numerikal ng mga ugat sa field ng real na bilang o kompleks na bilang. Ang mga ito ay makukuha sa pamamagitan ng algoritmo na metodo ni Newton.
Ang lathalaing ito na tungkol sa Matematika ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.