Ang Rubik's Cube (o Kubo ni Rubik) ay isang laruang hugis kahon o kubo. Isa itong palaisipang bloke na ginagamitan ng pamamaraan (mechanical puzzle) para mapagsama-sama ang mga magkakatulad na kulay sa bawat mukha nito. Nilikha ito ni Ernő Rubik, isang Hunggaryong manguukit at guro ng arkitektura, noong 1974.[1] Una itong tinawag na Magic Cube (blokeng may salamangka [literal na salin]) ng tagapaglikha nito, ngunit muling pinangalanang Rubik's Cube ng Ideal Toy Company noong 1980[1] at nanalo ng natatanging gantimpala bilang Pinakanatatanging Palaisipan (Best Puzzle) sa Taunang Paligsahan ng mga Laro (Spiel des Jahres) sa Alemanya noong 1980. Sinasabing ito ang pinakamabiling laruan sa mundo, na may mga 300,000,000 gaya-gayang Rubik's Cube na naipagbili sa buong mundo.[2]

Mga iba't ibang uri ng Rubik's Cube (mula sa kaliwa, pakanan: Rubik's Revenge, Rubik's Cube, Professor's Cube, at Pocket Cube).

Sa karaniwang Cube o bloke, ang bawat mukha ay natatakpan ng siyam na padikit (sticker) ng isa sa anim na mga buo at magkakapareho ang kulay. Kapag nalutas na ang palaisipan, ang bawat mukha ng bloke ay buo at iisa na lamang ang kulay. Ipinagdiwang ng Cube ang ika-25 anibersaryo nito noong 2005, kung kailan inilabas, mula sa isang kahong pantanghal, ang isang natatanging edisyon ng laruang bloke na may padikit sa gitna ng makintab na mukha (na pumalit sa puting mukha) na may tatak na Rubik's Cube 1980-2005.

May apat na pangunahing klase ang palaisipang bloke: ang 2×2×2 [pulgada] (Pocket Cube {o naibubulsang bloke}, o Mini Cube {maliit na maliit na bloke} o Ice Cube {kasinglaki ng maliit na bloke ng yelong pambaso}), ang 3×3×3 karaniwang bloke, ang 4×4×4 (Rubik's Revenge {o "paghihiganti" ni Rubik}), at ang the 5×5×5 (Professor's Cube {o laruang bloke na pang-propesor}). May mga mas malalaking uri din ng Rubik's Cube at iniibig na ilabas sa mga pamilihan sa 2008.

Pagsilang at pag-unlad

baguhin

Noong Marso 1970, nilikha ni Larry Nichols ang isang 2×2×2 "Palaisipan na may Bahaging Napapaikot sa Pamamaraang Pangmaramihan" at humiling ng patente sa Canada para rito. Ang palaisipang kubo ni Nichol's pinagaanib-anib ng mga batobalani. Nabigyan ng pag-aaring patente U.S. Patent 3,655,201  noong 11 Abril 1972, dalawang taon bago nalikha ni Rubik ang kaniyang napaunlad na kubo.

Noong 9 Abril 1970, humingi ng sariling patente si Frank Fox para sa kaniyang "Bilugang 3×3×3". Natanggap niya ang kaniyang patenteng mula sa Nagkakaisang Kaharian (patente bilang 1344259) noong 16 Enero 1974.

Nilikha ni Rubik ang kaniyang "Kubo ng Salamangka" (Magic Cube) noong 1974 at nakamit ang patenteng Hunggaryo bilang HU170062 para sa Kubo ng Salamangka noong 1975 subalit hindi kinaligtaan ang pagkakaroon ng pandaigdigang mga patente. Nagawa ang mga unang kalipunan ng mga produktong sinusubukan noong mga huling panahon ng 1977 at inilabas sa mga tindahan ng mga laruan ng Budapest. Pinagsasanib ng mga magkakaugpong na mga piyesang plastiko ang Kubo ng Salamangka. Mas mababa ang halagang ginugugol sa paggawa ng mga plastikong bahagi, sa halip na paggamit ng mga batobalani katulad ng balangkas ni Nichols. Noong Setyembre 1979, pumirma sa isang kasunduan ang kompanyang Ideal Toys upang madala ang Kubo ng Salamangka sa Kanluran, at unang lumabas ang laruang palaisipan sa mga perya ng mga laruan noong Enero at Pebrero 1980.

Matapos ang pandaigdigang pagpapakilala nito, ang pagsulong ng Kubo patungo sa mga lalagyan ng mga tindahan ng mga laruan ng Kanluran ay saglit na natigil upang makalikha ng budlis na umaayon sa mga pamantayang pangkaligtasan at pambalot sa Kanluran. Nalikha ang isang mas magaang na Kubo, at nagpasya ang Ideal Toys ("Mga Huwarang Larawan", isang pangalang pambahay-kalakal) na bigyan ito ng ibang pangalan. Pinagmunian ang mga pangalang "Ang Buhol na Gordyano" at Gintong Ingka, subalit napagpasyahan ng kompanya na pangalanang "Kubo ni Rubik" ang laruang may bagong disenyo, at ipinadala sa ibang bansa, mula sa Hungary ang unang katipunan noong Mayo 1980. Maraming mga mumurahing gaya-gayang laruang kubo ang lumitaw upang mapunan ang kakulangan ng mga tunay na Kubo ni Rubik.

Ipinagkatiwala ni Nichols ang kaniyang patente sa Moleculon Research Corporation, ang kompanya kung saan siya naghahanap-buhay. Noong 1982, idinemanda ng Moleculon Research Corporation ang Ideal Toys Company. Noong 1984, natalo ang Ideal Toys sa asuntong ito hinggil sa patente, ngunit nagpasyang umapila. Noong 1986, ipinagpasyahan ng hukuman ng mga paghahabol-kaso na nilabag ng 2×2×2 Kubong Naibubulsa ni Rubik ang karapatang pampatente ni Nichols, subalit binaligtad ang kapasyahan hinggil sa 3×3×3 Kubo ni Rubik.[3]

Maging habang isinasagawa ang paghaharap ng patente ni Rubik, humingi naman ng patente sa Hapon si Terutoshi Ishigi, isang inhinyerong hindi nag-aral ng inhinyeriya at may-ari ng mga pagawaing-bakal malapit sa Tokyo. Nagharap si Ishigi ng isang patente para isang laruang may halos kahawig na kayarian sa Kubo ni Rubik. Naipagkaloob kay Ishigi ang patente bilang JP55‒8192 noong 1976. Malawakang tinatanggap na ang likha ni Ishigi bilang isang nahihiwalay na imbensiyon, bagaman bumatay siya at pinainam ang naimbentong laruan ni Rubik.[4][5][6]

Humiling si Rubik ng panibagong patente sa Hunggarya noong 28 Oktubre 1980, at nagharap din ng iba pa. Sa Estados Unidos, ipinagkaloob kay Rubik ang U.S. Patent 4,378,116  noong 29 Marso 1983 para sa kaniyang Kubo.

Kamakailan lamang, nagharap ng patente ang Griyegong imbentor na si Panagiotis Verdes para sa pamamaraan ng paglikha ng mga kubong may sukat na mahigit sa 5×5×5, hanggang sa 11×11×11. Ang mga disenyo niya, na kabilang ang napainam na paraan ng pagpapagalaw para sa 3×3×3, 4×4×4, at 5×5×5, na kainam-inam para sa mabilis na paglalaro ng kubo, sapagkat madaling masira ang mga pangkasalukuyang balangkas ng mga kubong mas malaki sa 5×5×5. Mula noong 1 Hunyo 2007, hindi pa ganap na malawak ang paglaganap ng mga balangkas na ito, bagaman napakawalan na ang mga palabas na may mga ganap at gumaganang kinatawan ng kubong 6×6×6 at 7×7×7, at inilahad kamailan lamang na ipagbibili na ang mga kubong ito sa loob ng 2008.

Mga talabanggitan

baguhin

Mga talababa

baguhin
  1. 1.0 1.1 "Rubik's Official Online Site". Inarkibo mula sa ang orihinal noong 2008-02-24. Nakuha noong 2008-02-22.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. Marshall, Ray. Squaring up to the Rubik challenge (Paghahanda para sa suliraning Rubik). icNewcastle. Kinuha noong 15 Agosto 2005.
  3. Moleculon Research Corporation v. CBS, Inc.
  4. Hofstadter, Douglas R. (1985). Metamagical Themas. Basic Books.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)Ginamit ni Hofstadter ang pangalang "Ishige".
  5. http://cubeman.org/cchrono.txt
  6. "The History of Rubik's Cube - Erno Rubik". Inarkibo mula sa ang orihinal noong 2020-05-23. Nakuha noong 2008-02-22.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
Tingnan ang katumbas na artikulo sa Wikipediang Ingles para sa mas malawak na pagtalakay ng paksang ito.

Mga sanggunian

baguhin
  • Handbook of Cubik Math (Aklat-Gabay ng Matematikang Kubik) ni Alexander H. Frey, Jr. at David Singmaster
  • Notes on Rubik's 'Magic Cube' (Mga Tala tungkol sa Kubo ng Salamangka ni Rubik) [ISBN 0-89490-043-9] ni David Singmaster
  • Metamagical Themas [ISBN 0-465-04566-9] (Paksang Metamahikal) ni Douglas R. Hofstadter na naglalaman ng dalawang kabanata hinggil sa Kubo ni Rubik at mga katulad na mga palaisipan, ang "Magic Cubology" (Salamangka ng Kubolohiya) at "On Crossing the Rubicon" (Tungkol sa Pagtawid sa Rubikon), na unang nalimbag bilang lathalain noong Marso 1981 at Hulyo 1982 sa magasing Scientific American (Amerikanong Siyentipiko).
  • Four-Axis Puzzles (Palaisipang may apat na Gitnang-Ikutan) ni Anthony E. Durham.
  • Mathematics of the Rubik's Cube Design (Ang Matematika sa Disenyo ng Kubo ni Rubik) [ISBN 0-8059-3919-9] ni Hana M. Bizek

Mga talaugnayang panlabas

baguhin