Kuito
12°23′S 16°56′E / 12.383°S 16.933°E
Kuito Silva Porto | |
---|---|
Munisipalidad at lungsod | |
Hotel Girão sa Kuito. Mapapansin ang bakas ng nagdaang mga kaguluhan sa gusaling ito. | |
Mga koordinado: 12°23′S 16°56′E / 12.383°S 16.933°E | |
Bansa | Angola |
Province | Bié |
Itinatag | 1750 |
Lawak | |
• Kabuuan | 4,814 km2 (1,859 milya kuwadrado) |
Taas | 1,695 m (5,561 tal) |
Populasyon (2010) | |
• Kabuuan | 185,302 |
• Kapal | 38/km2 (100/milya kuwadrado) |
Sona ng oras | UTC+1 (WAT) |
Kodigo ng lugar | (+244) 48 |
Klima | Cwb |
Ang Kuito (binaybay rin bilang Cuito) ay isang lungsod at kabisera ng lalawigan ng Bié sa gitnang Aprika. Sa ilalim ng pamumuno ng mga Portuges hanggang sa taong 1975, tinawag itong Silva Porto. Nasa ilalim ng pagkubkob ng mga hukbong rebelde ng UNITA ang Kuito noong 1993 hanggang 1994 at muli noong 1998 hanggang 1999. Karamihan sa mga gusali sa Kuito ay may pinsala pa rin bilang bunga ng mga pagkubkob na nito.
Kasaysayan
baguhinItinayo ang Kuito sa makasaysayang pusod ng kaharian ng Ovimbundu. Ang pinuno ng Ovimbundu ay nagngangalang Viye at ikinasal niya ang isang babaeng Songo na nagngangalang Cahanda. Sabay nilang itinayo ang lungsod at paglaon ay ipapangalan ng Portuges ang lalawigan mula sa pinuno.[1] Kilala ang Ovimbundu sa pagbebenta ng mga bihag mula sa kalapit na mga tribo sa mga Europeong mangangalakal ng alipin na nagtulak sa pagiging maganda ang kinaroroonan para sa pangangalakal ng mga alipin at nagdala ng mga kolonista sa lugar. "Itinatag" ng mga Portuges ang lungsod noong 1750.[2] Tinawag nila itong Silva Porto mula kay António da Silva Porto na nagtayo ng kaniyang bahay na embala Belmonte sa lugar.[3] Kaakit-akit ang magandang klima ng lalawigan sa mga Portuges na nandayuhan at ginawang tahanan ng karamihan sa kanila ang Silva Porto sa unang bahagi ng dekada-1900 noong ini-ugnay ang lungsod sa baybaying-dagat sa pamamagitan ng Daambakal ng Benguela.
Ang Kuito ay may mahabang kasaysayan ng karahasan simula sa kalakalan ng mga aliping Aprikano at sa mga digmaang pantribo. Noong dekada-1960 ginamit ng mga Portuges ang bayan bilang sentro ng pagsasanay para sa mga Aprikanong sundalo ng Hukbong Portuges na ipapadala sa Hilagang Portuges na Angola upang labanan ang mga nasyonalistang gerilya sa kasagsagan ng Kolonyal na Digmaang Portuges.
Kasunod ng kasarinlan mula sa Portugal noong 1975, nasaksihan ng Kuito ang pinakamalalang panahon nito noong ika-6 ng Enero 1993 nang kinubkob ng UNITA ang lungsod nang higit sa siyam na buwan sa kasagsagan ng Digmaang Sibil ng Angola. Higit sa 30,000 katao ang namatay, kapuwa mula sa digmaan at sa pagkagutom. Hindi pinayagan ang sinuman na makapasok o makalabas ng lungsod sa loob ng siyam na buwan at dumanas ng matinding pinsala ang lungsod. Nang maglaon pinalayas ang UNITA mula Kuito, at gumawa sila ng pangalawang tangka sa pagkubkob ng lungsod gamit ang malaking mga tangkeng artilyero.[4]
Klima
baguhinNakapuwesto ang Kuito sa silangang tabí ng Talampas ng Bie. Malamig ang klima ng lungsod na hindi karaniwan sa lokasyong tropiko climate. Ang karaniwang taunang temperatura ay 18 °C, malakihan ay dahil sa mataas na altitud nito. Ang pinakamalamig na panahon ay mula Mayo hanggang Agosto kung kailang halos walang pag-ulan. Pinakamainit na mga buwan ang Setyembre at Oktubre na may kakaunting pag-ulan. Sa pangunahing panahon ng tag-ulan (mula Nobyembre hanggang Abril) naman nagaganap ang malakas na pag-ulan.
Datos ng klima para sa Silva Porto (Kuito) | |||||||||||||
---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|
Buwan | Ene | Peb | Mar | Abr | May | Hun | Hul | Ago | Set | Okt | Nob | Dis | Taon |
Sukdulang taas °S (°P) | 29 (84) |
28 (82) |
28 (82) |
29 (84) |
28 (82) |
27 (81) |
27 (81) |
30 (86) |
31 (88) |
31 (88) |
29 (84) |
28 (82) |
31 (88) |
Katamtamang taas °S (°P) | 25 (77) |
24 (75) |
24 (75) |
24 (75) |
24 (75) |
23 (73) |
24 (75) |
26 (79) |
28 (82) |
26 (79) |
24 (75) |
23 (73) |
25 (77) |
Arawang tamtaman °S (°P) | 19 (66) |
19 (66) |
19 (66) |
18 (64) |
17 (63) |
14 (57) |
15 (59) |
17 (63) |
20 (68) |
19 (66) |
19 (66) |
18 (64) |
18 (64) |
Katamtamang baba °S (°P) | 14 (57) |
14 (57) |
15 (59) |
13 (55) |
10 (50) |
6 (43) |
7 (45) |
9 (48) |
12 (54) |
13 (55) |
14 (57) |
14 (57) |
12 (54) |
Sukdulang baba °S (°P) | 3 (37) |
7 (45) |
5 (41) |
0 (32) |
−1 (30) |
−5 (23) |
0 (32) |
0 (32) |
3 (37) |
6 (43) |
6 (43) |
5 (41) |
−5 (23) |
Katamtamang presipitasyon mm (pulgada) | 193 (7.6) |
196 (7.72) |
203 (7.99) |
76 (2.99) |
10 (0.39) |
0 (0) |
0 (0) |
3 (0.12) |
23 (0.91) |
109 (4.29) |
193 (7.6) |
221 (8.7) |
1,227 (48.31) |
Sanggunian: weatherbase.com [5] |
Transportasyon
baguhinAng Kuito ay pinaglilingkuran ng Daambakal ng Benguela na dating nag-uugnay ng mga loobang lalawigan sa baybaying-dagat. Ang mismong estasyonh daambakal na naglilingkod sa lungsod ay matatagpuan mga ilang kilometro hilaga nito. Inaasahang maitatayo muli ang daambakal sa mga susunod na taon. Mayroon ding mga direktang lipad mula pambansang kabisera na Luanda.
Talababa at talasanggunian
baguhin- ↑ T. Ernest Wilson, Angola Beloved p. 32.
- ↑ John Marcum, The Angolan Revolution vol I (1950-1962): The Anatomy of an Explosion. p. 102n.
- ↑ Henry W. Nevison. A Modern Slavery p. 84.
- ↑ Martin James, Historical Dictionary of Angola
- ↑ "Weatherbase: Historical weather for Silva Porto, Angola". Inarkibo mula sa orihinal noong Nobiyembre 30, 2020. Nakuha noong February 13, 2010.
{{cite web}}
: Check date values in:|archive-date=
(tulong)