Ang isang Kultong Kargo ay isang pagsasanay na pang-relihiyon na lumitaw sa maraming mga tradisyonal na mga lipunang pang-tribo bago ang panahong industriyal kasunod ng pakikipag-ugnayan ng mga lipunang ito sa mga kulturang may mas maunlad na teknolohiya. Ang mga kultong ito ay nakatuon sa pagkakamit ng kayamanang materyal (ang "kargo") ng mas maunlad na kultura sa pamamagitan ng mahika at mga kasanayan at ritwal na relihiyoso. Ang mga kasapi ng kultong ito ay naniniwalang ang kayamanan ay nilayon para sa kanila ng kanilang mga diyos at mga ninuno. Ang mga kultong kargo ay pangunahing umunlad sa mga malalayong bahagi ng New Guinea at iba pang mga lipunang Melanesian at Micronesian sa timog-kanluarang Karagatang Pasipiko. Ito ay nagsimula sa pagdating ng mga taong kanluranin noong ika-19 siglo. Gayunpaman, ang mga katulad na pag-aasal ng kultong kargo ay lumitaw sa iba pang mga lugar sa buong mundo. Ang gawaing kultong kargo sa rehiyong Pasipiko ay malaking tumaas pagkatapos ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig nang napansin ng mga naninirahan sa mga rehiyong ito na ang mga combatant na Hapones at Amerikano ay nagdadala ng malalaking mga halaga ng mga matériel. Sa pagwawakas ng digmaan, ang mga baseng militar ay nagsara at ang pagdaloy ng mga bagay at materyal ay tumigil. Sa pagtatangka na karagdagang makaakit ng mga pagdadala ng mga bagay, ang mga tagasunod ng mga kultong ito ay nagsagawa ng mga kasanayang ritwalistiko gaya ng pagtatayo ng simpleng ginayang lapagang lugar, kasangkapan radyo at sasakyang pang himpapawid at paggaya sa pag-asal na napagmasdan mga kultong ito sa mga personnel na militar na nagpapatakbo ng mga ito.

Krus na seremonyal ng kultong kargo ni John Frum, Tanna island, New Hebrides (now Vanuatu), 1967

Mga kasalukuyang kultong Kargo

baguhin

Sa mga huling 65 na taon, ang karamihan ng mga kultong kargo ay naglaho. Gayunpaman, ang ilang mga kultong kargo ay aktibo pa rin hanggang sa kasalukuyang kabilang ang:

Mga sanggunian

baguhin
  • Inglis, Judy. "Cargo Cults: The Problem of Explanation", Oceania vol. xxvii no. 4, 1957.
  • Worsley, Peter. The trumpet shall sound: a study of "cargo" cults in Melanesia, London: MacGibbon & Kee, 1957.
  • Read, K. E. A Cargo Situation in the Markham Valley, New Guinea. Southwestern Journal of Anthropology, vol. 14 no. 3, 1958.
  • Lawrence, Peter. Road belong cargo: a study of the Cargo Movement in the Southern Madang District, New Guinea. Manchester University Press, 1964.
  • Harris, Marvin. Cows, Pigs, Wars, and Witches: The Riddles of Culture. New York: Random House, 1974.
  • Trenkenschuh, F. Cargo cult in Asmat: Examples and prospects, in: F. Trenkenschuh (ed.), An Asmat Sketchbook, vol. 2, Hastings, NE: Crosier Missions, 1974.
  • Wagner, Roy. The invention of culture. Chicago: University of Chicago Press, 1981.
  • Lindstrom, Lamont. Cargo cult: strange stories of desire from Melanesia and beyond. Honolulu: University of Hawaii Press, 1993.
  • Kaplan, Martha. Neither cargo nor cult: ritual politics and the colonial imagination in Fiji. Durham: Duke University Press, 1995.
  • Jebens, Holger (ed.). Cargo, Cult, and Culture Critique. Honolulu: University of Hawaii Press, 2004.
  • Several pages are devoted to cargo cults in Richard Dawkins' book The God Delusion.
  • A chapter named "Cargo Cult" is in David Attenborough's travel book Journeys to the past: Travels in New Guinea, Madagascar, and the northern territory of Australia, Penguin Books, 1983 (ISBN 0 14 00.64133).
  • Tabani, Marc, Une pirogue pour le Paradis: le culte de John Frum à Tanna (Vanuatu). Paris: Editions de la Maison des Sciences de l'Homme, 2008.
  1. Andrew Lattas, University of Bergen, Norway
  2. EOS magazine, Enero 2011