Kumbento ng Graça
Ang Kumbento ng Graça (Portuges: Convento da Graça) ay isa sa pinakamatandang kumbento sa Lisbon. Matatagpuan ito sa Largo da Graça, sa parokya ng São Vicente, sa pinakamataas na burol ng Lisbon. Nakaharap ito sa isang belvedere na tinatanaw ang lungsod at ang Ilog Tajo. Ito ay nabibilang sa Ermitanyong Orden ni San Agustin at sabay na nagsilbing kanilang punong tanggapan sa Portugal.
Kasaysayan
baguhinItinatag noong 1271, sa Monte de São Gens, Almofala, ang kumbento ay tinangkilik ni Afonso III ng Portugal Pagsapit ng 1551 ang kumbento ay may 13 kapilya. Noong 18 Mayo 1566, ang labi ng Afonso de Albuquerque ay inilibing sa kapilya. Si Francisco de Saldanha da Gama at Fernando de Sousa e Silva ay inilibing din sa Graça.
Muling itinayo ang kumbento sa ika-16 na siglo at muling isinaayos matapos ng lindol ng 1755at muli noong ika-21 siglo. Itinalaga ito bilang Pambansang Monumento ng Portugal.[1][2]
Mga sanggunian
baguhin- ↑ Convento da Graça Ministry of Culture of Portugal
- ↑ Williams, Ingrid (19 Abril 2018). "36 Hours in Lisbon". New York Times. Nakuha noong 31 Mayo 2020.
{{cite news}}
: CS1 maint: date auto-translated (link)